Two People with Pride
Two weeks passed since I started to finally get comfortable with this place. Bilis nga ng panahon. I made some friends and a foe.
A foe. I'm referring to Lyon. Dahil nga dineklara niyang magkaribal kami, eh 'di magkaribal kami! And, I don't want to him to see me fail so I want to keep my grades in flying colors. Dahil patay na ang parents ko, I thought there's no point for aiming for the top. I have no one to impress and please, anymore. Not that, I'm happy with the death of my parents, it's just that I can breathe better. I can do whatever I want. I have no reason to be competitive and to waste effort to impress. Ngunit, pinaandar ni Lyon ang competitive side ko.
"Girl, gwapo niya talaga!" Tumatalon-talon pa talaga sa kilig si Marga. Siya iyung haliparot na nakilala ko noong first day of school dito sa USPF. "As in! Shet! He looks hot!"
"Alin dyan?" Tanong ko kahit hindi ko naman tinitingnan kung sino. I'm just reading my textbook. I'm not that studious. Ngunit, dahil nag-aya sila mag-group study, sumama na lang ako. Going home immediately will just bore me.
"Si Lyon, of course," aniya. Nginiwian ko lang siya. "Go, Lyon!" Rinig kong sigaw niya.
I was so engrossed with what I'm reading that I wasn't listening to Marga anymore. Basta, sinagot ko lang siya ng "Okay."
"Bakit kasi ang gwapo niya? Ang ganda talaga ng genes niya 'no?" Napatanong naman si Ediza. Si Ediza naman ang elegante sa amin. Palagi talagang flashy at branded ang sinu-suot at ginagamit. Dapat talaga iyong mga designer. Medyo bossy rin pero hindi siya ganoon pagdating sa amin. Like I would allow myself to be bossed around! Ha!
"Mala-diyos na nga ang over-all appearance niya, dumagdag pa ang pangalan. Apollo Lyon Maxwell. Ay! Kasing hot siya ni Apollo! Ano ba 'yan!" Dagdag naman ni Kim, ang bakla kong kaibigan. Parang ina-ano siya ni Lyon kahit ilang metro rin naman ang layo namin sa kaniya.
"Uy! Akala ko magre-review tayo?" Ani naman ni Kiara habang inaayos ang salamin niya.
Even though I could hear sound of the bouncing ball and other noises, I could still concentrate in with what I'm reading. My main concern is these friends of mine. Baka hindi na mag-review? Baka maglalaway na lang buong magdamag kay Lyon?
Si Lyon naman ay todo ang pakitang gilas sa paglalaro sa court habang kinikindatan ang mga babaeng halos maghubad sa harapan niya. Aba naman! Napangiwi na lamang ako habang nahagip ng aking tingin ang mga babae. I bewailed them. Kung may gusto ka sa isang tao huwag ka naman umarteng parang itatapon mo ang sarili mo sa kanya. If you like him, act casually. If you want to support him because you like him, then you're free to do it. Just don't act like you wanted to be disrespected! I think girls chasing for a guy crazily don't have pride for themselves anymore. And I don't get why nowadays babae na ang humahabol, lalake na ang nagpapahabol. Ang mga babae dapat ang liniligawan. They should be treated properly and with utmost respect. Girls should act accordingly with grace. They should act with class. Proper manners. Gusto kong pagsabihan ang mga kaibigan ko lalo na si Marga tungkol sa pananaw ko tungkol dito. I just don't want to offend her. I mean... it's her life, not mine.
Quit being judgemental! Saway ko sa sarili ko.
Napabaling ako kay Kiara. "Bakit ba kasi sa lahat ng lugar, dito mo napiling mag-review, Kiar?" Siya naman kasi ang pumili at nandito kami sa bleachers ng gym.
Ngumisi lamang si Kiara. "Alam mo namang nandito ang inspiration ko, 'di'ba?" Anito habang binaling ang tingin kay Lyon.
Napairap ako. "Distraction 'ka mo!"
"Ikaw? Hindi ka ba na-fall sa charms ni Lyon?" Tumabi na sa akin si Kim. Ngiting-ngiti siya. It looks kind of creepy, though.
"Anong charms iyan?" Natawa ako. This is ridiculous!
![](https://img.wattpad.com/cover/72127113-288-k271711.jpg)
BINABASA MO ANG
Adamantine
RomanceAn Arcella Series Erina Yestia Alvia. She lived an unlucky life, so to speak. Her parents are dead due to an accident. Her sister commited suicide. She was left alone. Yet, she never gave up. She carried on with her life... Yet, was betrayed. Will...