Flowers
"Akin na!"
"No."
"Akin na nga sabi!"
"No!"
"Akin na!"
"Huwag na nga eh!"
"Eh, bakit ba?" Tanong ni Lyon. Kanina niya pa ako kinukulit na siya na ang bibitbit ng bag at libro ko. Kanina ko pa rin siya tinatanggihan. Kaya ko namang gawin iyon ng mag-isa. Hindi ko kailangan ang tulong niya.
"Kasi ayaw ko!" Angil ko. "Bakit ba kasi nagpupumilit ka?"
Napabuntong-hininga siya. "Hindi ba kapag nanliligaw ang isang lalake ay nagiging gentleman siya sa babaeng gusto mo? Nagpapaka-gentle ako sa babaeng gusto ko!"
Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. I actually felt my heart raced. Hindi dahil may kung anong epekto siya sa akin kung hindi dahil naha-high blood lang ako sa kanya. Napalunok ako at pinandilatan siya. He is stressing me out!
"Akin na," aniya ulit sa mas mahinahong tono.
"Ayaw ko." I said coldly and firmly.
"Manliligaw mo ako," pagdadahilan niya. "Kaya akin na iyang mga gamit mo."
"Ikaw nga ang nagsabing manliligaw kita, di'ba? Hindi kita alalay! So please, don't be persistent!" Umirap ako sa kanya. Hindi lahat ng gusto niya masusunod. Alam niya dapat iyan!
"Hindi mo naman talaga ako alalay kasi hindi mo naman ako binabayaran para magpaalipin sa iyo. I am doing this willingly," malambing niyang sinabi.
Parang umakyat sa mukha ko lahat ng init sa katawan ko sa sinabi niya. I looked away immediately. Why are his words making me react this way? Siguro ay dahil wala pang nanliligaw sa akin at nagbibitaw ng mga ganoong salita sa akin. I bet I already look like a tomato. Pwede bang tumigil na siya sa kabalbalan niya? This makes me uncomfortable.
Mas lalo akong namula nang nakita ko mula sa malayo ang matatalas na titig ni Shun. Shit! Shit! Shit! Sobrang dumagundong ang puso ko.
"I did not even said yes when I told you to court me," I spat at Lyon and threw him a look as sharp as darts. Sinigurado kong rinig iyon ni Shun. Napatingin na rin ang ibang estudyante sa amin. Wala na akong pakialam.
I glanced at Shun's direction. Nakita kong napailing siya at umalis. Habang si Lyon naman ay ngumiti. Hindi ko lang alam kung natutuwa ba siya at naa-amuse dahil sa malakamatis kong mukha o nangingitngit na siya dahil naiirita na siya sa akin?
"Why are you smiling like an idiot?" I asked scornfully.
"I think you're the idiot," he jibed. Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Ako pa talaga ang idiot?
"Don't you remember I told you that I'd court you? I told you not asked, therefore, I don't need your answer. Plus, I told you to not stop me," he added. Nakita kong mas lumawak ang kanyang ngisi. "And by the looks of it, it seems like you like to be courted by me."
Sobrang mahangin! Ang presko. I cannot! Hindi ko siguro kailanmang matatapatan ang self-confidence ng lalakeng ito. Oh wait... scratch that! Hindi pala 'yun self-confidence. Overconfidence na tawag d'un!
Pinanliitan ko siya ng mata. "Paano ko naman gugustuhing magpaligaw sa isang tulad mo, aber?"
Ngumuso siya. "Because, I don't see any reason for you not to like me."
Napangiwi ako sa kanya. Sinalo niya ba ang confidence nang nagpaulan ang langit ng ganoong bagay? Umaapaw ang sa kanya kasi eh!
"I don't see any reason to like you, either," I retorted. I walked as fast as I could. Kahit gaano kabilis ang lakad ko ay naabutan niya pa rin ako dahil sa malalaki niyang hakbang.

BINABASA MO ANG
Adamantine
RomansaAn Arcella Series Erina Yestia Alvia. She lived an unlucky life, so to speak. Her parents are dead due to an accident. Her sister commited suicide. She was left alone. Yet, she never gave up. She carried on with her life... Yet, was betrayed. Will...