Chapter 30

840 26 5
                                    

Lack of Closure

Sa sumunod na araw nabigla na lamang ako nang ibang lalake na ang nasa opisina ni Lyon.

I cannot conceal my curiosity.

"Nasaan si Lyon?" Tanong ko.

The guy was in his early thirties. Matipid niya lamang akong nginitian. "Mr. Maxwell has gone back to Manila."

Napaawang ang bibig ko. He did not tell me about this.

"Bakit?"

"Huli siyang nagdesisyong magtransfer. Kaya pinakuha siya ngayon ng entrance exam sa prestihiyosong unibersidad doon."

Ngayon pa siya magta-transfer? Bakit biglaan?

Nadismaya ako bigla. Why Manila? And why did he not tell me?

"Kailan ang balik niya?"

"Hindi ko pa alam, Miss Alvia."

"Ah sige. Salamat na lang."

Halos hindi ako makapag-concentrate sa ginagawa ko. I suddenly felt paranoia. Did he see what happened between Shun and I? Pero bakit biglaan? Hindi rin kasi kami nakapag-usap kagabi dahil iba naman iyung naghatid sa akin kagabi. He said he's busy.

Baka busy siya para ngayon?

Hanggang kailan kaya ang entrance exam niya.

Nang lunchbreak ay napagdesisyunan ko nang tawagan siya. Nakailang beses akong nagdial ngunit hindi niya sinasagot.

"It's lunch, Lyon!" Bulong ko sa sarili.

Sa pang-pito kong tawag ay nabuhayan ako nang na-kontak ko siya. Pero agad rin naman akong nalungkot nang ibang boses ang sumagot.

"Hello?" It was a feminine voice. I knitted my brow.

"Hello? Si Lyon?" Napalunok ako agad. I feel like a wife trying to catch a cheating husband!

"Ay! Naliligo pa," sagot nito.

Oh shit! Naging malikot na ang imahinasyon ko. Agad kong pinatay ang telepono.

Bago pa man maputol ng tuluyan ang linya ay narinig ko ba ang babaeng parang nagpo-protesta. "Sanda--"

And I never dared to contact Lyon ever again!

Anyway, two months has already pass. I don't think it will bother me if he'll show up all of a sudden and tell me "Let's break up!"

"No closure for the both of you?" Ediza slammed the table out of irritation.

"No." Besides, I don't need it anyway. Mas mabuting ganito. Sa tingin ko kasi masasaktan ako masyado kapag biglaan siyang nakipagbreak noon.

Atleast, even though he suddenly disappeared, my hopes faded and slowly accepted the fact that he was a jerk who can't even break a girl's heart face-to-face.

Nakapanghihinayang lang dahil umalis siya ng hindi ko man lang nasabing gusto ko rin siya. Pero may parte sa akin na nagsasabing mas mabuti nang hindi ko iyon ginawa.

"Baka nakita niya ang nangyari sa inyo ni Shun, bes," nag-aalalang saad ni Kiara.

I also thought about it. I might be accountable for it. Pero sana kinausap niya ako. Is he too mad that he can't talk to me?

"Lagpas isang taon din kayong nagsama tapos mambababae agad. Parang hindi naman yata ugali ni Lyon iyon," napapaisip si Kim.

AdamantineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon