Chapter 11

1K 42 3
                                    

Knight in Shining Armour

Matapos ang klase ko sa buong umaga ay nagmamadali akong lumabas nang classroom. Nakaabang sa gate si Shun. He was wearing his usual attire. White, v-neck shirt and trousers. Simple pero may dating. Napakagat-labi ako nang nakatitig lamang siya sa akin.

Kinawayan ko siya bilang pagbati. Pinangakuan ko siyang sasamahan ko siyang mananghalian para matahimik ang konsensya ko.

"Saan tayo?" Tanong ko sa kanya.

Ngumiti lang siya. "Saan mo ba gusto?"

"Kahit saan lang naman okay sa akin." Sabi ko. Siya ang dapat masunod. Hindi ako. Ako kaya ang nagkaatraso. Isa pa, siya rin naman and manlilibre. Mas lalong wala akong karapatan na magdesisyon tungkol sa bagay na iyan.

"Sige. Kahit saan? Sa cafeteria na lang tayo," pabiro niyang sinaad.

Sinapak ko ng bag ko. Ano bang nasa isip niya? Mahiya naman siya. Cafeteria lang?

But, who am I to demand? Ako ang may atraso. At lalong hindi naman ako girlfriend o nasa lugar para magreklamo. Kasasabi ko lang nga, hindi ba? Oh my god, Erina!

Humalakhak siya. "Akala ko ba kahit saan?" He's fond of teasing me.

Humalukipkip ako at umirap. Dahil sa nakakahawang ngiti niya ay hindi ko namalayang sa kalaunan ay gumuhit din ang ngiti sa labi ko. He's cute and handsome. Sayang at may isang katangian siyang naayawan ko.

We all know that if you set standards, it will also be difficult for you to like someone. Kahit pa sabihin nating natutunan mo siyang gustuhin ngunit may isa sa standards mo ang hindi niya napasa, kulang pa rin siya. You'll never be contented with him because you know that he lacks something. Your set standards can be your hindrance for not being able to fall for someone else.

Sa kaso ko, naiintindihan ko kung hindi ako makahahanap ng magiging kabiyak dahil lang sa inilathala kong mga basehan at pamantayan. I won't even care if I'll stay single because of that. I'd rather be single than be with someone I can't be proud of.

"Halika na," sabi ko sabay hila sa kanya sa cafeteria.

"You're going the wrong way," sabi niya habang nakangiti pa rin.

Bahagyang kumunot ang noo ko. Akala ko ba cafeteria?

Napailing siya sa reaksyon ko. "Sineryoso mo talaga ang biro ko. May ee-introduce akong restaurant sa iyo. I'm sure you'll love it there."

Pinagsalikop niya ang aming kamay at hinila niya ako. Nagpatianod naman ako sa paghila niya. Pinasakay niya ako sa kanyang Malibu habang siya naman ang nagmaneho papuntang restaurant.

It was a Japanese restaurant.

Hindi naman sa bias ako dahil half-japanese ang crush ko pero ever since I was a child, I always love to eat Japanese dishes. Asian dishes, actually.

Pumasok kami sa restaurant. It was cozy and quiet. Ito ang gusto kong mga restaurant. Ito rin ang rason na pipiliin ko pa ang ganitong restaurant kaysa sa fast food. Fast food chains are noisy! My eyes wandered around the place. The walls were painted orange. May mga nakadikit ring mosaic sa pader. It was a mosaic of the Mount Fuji with some Cherry Blossoms as borders. May mga nakalagay ding Kanji sa ilalim nito.

"Nakakain ka na ba dito?" Tanong niya sa akin.

"Not yet," umiling ako. "I haven't tried eating in any Japanese restaurants since I got here."

Bahay to university lang naman ang route ko. Hindi ko rin naman kabisado ang lugar pa. I planned to atleast go around the city to be able to familiarize it. Pero, hindi nangyayari dahil tinatamad ako.

AdamantineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon