YOLO
"Oh gosh! This is paradise!" Ani ko. "This is Shangri-La!"
Ito ang pinakadulo ng Mactan. Ang ganda ng view! Ang pino at puti ng buhangin. The seawater is magnificently clear and blue. Its color a deeper shade of blue than that of the clear sky. Mabuti na nga lang at nakatali itong buhok ko. Kung hindi ay sobrang magulo na ito dahil sa lakas ng hangin.
Liningon ko si Lyon na hawak ang phone niya.
"You took a picture of me!" Aniko.
"No, I didn't!" Aniya at inakbayan ako. "So, you like it?"
"Beach na ito eh! Hindi ko pa magugustuhan?" Sagot ko.
"I wonder how you learned to love the beach when you hated the sun," aniya sa akin. "Paano 'yan? Rainy season ka kung pumunta sa beach?"
Napairap ako sa sinabi niya. "Don't wonder. Be used to it," sabi ko.
"Gusto mong maligo?" Tanong niya.
"Mamaya na. Gusto ko munang kumain," ani ko.
Kumain muna kami sa isang restaurant. It was in the other side of the resort. Hindi mo makikita ang beach pero maganda naman ang interior design ng restaurant.
"Wala bang mas bababa sa two hundred?" Tanong ko habang nakatingin lang sa menung ibinigay s'akin.
"Bakit?" Nagtatakang tanong ni Lyon.
"Mahal," sabi ko. "Kulang budget ko."
Hindi sa mahirap ako. Nagtitipid lang!
I know when to indulge myself with my wants and when to be thrift."Eat whatever you want to eat," aniya. "I will treat you today."
Baka mabutas ang bulsa niyan?
I forgot. Mayaman pala siya.
"Alam kong five-star resort itong pinuntahan natin. Nakakahiya namang waldasin natin 'yung pera na binibigay sa iyo ng parents mo," sabi ko.
"Hindi ko hiningi ang pera ko sa mga magulang ko," aniya. "Have you forgotten I have worked part-time in the company?"
"Pero sa mga magulang mo pa nanggaling 'yon."
"Alvia, iba ang hinihingi sa pinaghihirapan. So what if they gave me salary? Akin iyon kasi pinaghirapan ko," ani Lyon. "So, don't worry about it. Let's enjoy ourselves."
I chose the cheapest food I could eat and I just ordered water.
"Iyung ibang babae, kung maka-order iyung mamahalin pa. O di kaya ay puro salad. Ikaw naman, pinipili iyung pinaka-murang putaheng isda."
Tumaginting sa tainga ko ang sinabi niya. I gritted my teeth and grinned sarcastically. Agad din itong napawi. Tinaas ko ang isa kong kilay. "Ano 'ka mo? Babae? So, may dinala ka na rito?"
Umiling siya. "Wala pa. And this is the first time I went into a date like this."
"Eh bakit alam mo ang sa tungkol sa ibang babae?" I looked at him, accusingly.
"I have a lot of cousins. Syempre, nagkwe-kwento din sila," paliwanag niya.
"How many cousins do you have?" Bigla akong nakuryoso sa mga bagay tungkol sa kanya.
"Hmm... Fifteen. Fourteen guys, one girl," aniya.
"Rose among the thorns iyung isa ah!" Sabi ko. "Buti hindi naging tibo."
"Alam mo may pagkakatulad kayo," sabi niya at ngumiti.
"Oh? Ano?" Bigla tuloy akong naging kuryoso sa pinsan niya. Maybe we could meet someday.
BINABASA MO ANG
Adamantine
RomanceAn Arcella Series Erina Yestia Alvia. She lived an unlucky life, so to speak. Her parents are dead due to an accident. Her sister commited suicide. She was left alone. Yet, she never gave up. She carried on with her life... Yet, was betrayed. Will...