Need
Mabilis ang mga panahon. Natapos na rin ang second year ko sa kolehiyo.
Lyon and I thought of touring the whole of Cebu.
"Anong uunahin niyo?" Tanong ni Tita Lyola. I actually like them! Hindi sila iyong tipong overprotective. They will let you do the things you want as long as they don't see anything wrong with it. Ganyan lang sila siguro dahil hindi nila ako anak.
"Round South po muna kami," sagot ko. "Tapos diretso Norte na po kami."
Plano kasi namin ni Lyon na ang last stop na lang namin ay sa resort nina Tita Lyola sa Daanbantayan.
"Kailan ba ang balak niyong umalis?" Tanong ni Tita.
"Next month pa naman po." Gusto na sana naming mag-tour this month right after the last day of school pero napag-isipan naming mas mabuting next month na lang.
"Kayo lang ba?" Tanong ni Tito Joey.
Agad naman akong pinamulahan. I don't know if Tita and Tito trust us if it is only the two of us.
"Ipapasama nalang namin si Ate Cass mo kung ganoon," ani Tita Lyola. I don't know kung gaano ka awkward para kay Ate Cass ang gawin namin siyang chaperone. Besides, marami pa iyong ginagawa siguro! Kilala ko 'yon. Pina-prioritize 'nun ang social life niya sa syudad.
"Actually po, baka sasama sina Kiara," sabi ko na lang. "At ibang barkada ni Lyon."
Alam kong kilala nina Tita ang mga Claraval. Kiara's parents are also into business at magkakilala sila. I think this will give them peace of mind.
"Just tell us kung saan kayo matutulog o saan ang next stop niyo," ani Tita Lyola. "Ako na lang ang bahala sa accomodation."
"Abala lang po 'yon sa trabaho niyo," nahihiya kong pahayag.
"Erina, hija," Tita Lyola said. "Boto kami kay Lyon but we can't stop thinking of the other possibilities that might happen."
Napalunok ako. I shifted uncomfortably. It's not like Lyon and I will be doing that!
"Gustuhin man namin ni Tita mong samahan kayo ay hindi namin magawa. April is a crucial month. Maraming turista sa resort at maraming mga pasahero ding gustong umuwi sa kanila."
Peak season nga pala ang Abril kaya hindi nila maiwan ang mga negosyo nila. I know how hands-on they are with their businesses.
"Okay lang po sa amin iyon," sabi ko. "We'll be back in a week."
Kahit next month pa ang aming bakasyon ay nae-excite ako para dito.
"Unahin natin ang Dalaguete. Gusto ko kasing makaakyat sa Peak. Tapos sa Sumilon, kinaumagahan. Mag-scuba tayo doon. Sandali! May whaleshark ba sa Sumilon?"
"Oo," ani Lyon. Nandito ako ngayon sa 'opisina' niya. He was entrusted with a position! Hinahasa na kasi ito sa business. Ako naman ay nasa accounting department pa rin!
"Matapos nang scuba diving ay diretso tayo nang Aguinid! Sa susunod na araw sa Badian naman! Gusto kong e-try ang canyoneering. Pwede naman siguro kung Aguinid bago Sumilon tapos bukas na ang Alegria, 'no?"
"Kung ganoon doon na lang tayo sa bahay namin sa Alegria magpapalipas ng gabi."
"Sige!" Pagsang-ayon ko habang tinitingnan ang itinerary ko.
"Tapos sa Moalboal naman," sabi ko.
"Hindi ka ba mapapagod niyan?"
Umiling ako. "Hindi naman. Sandali! May falls sa Alegria, di'ba?"
BINABASA MO ANG
Adamantine
RomanceAn Arcella Series Erina Yestia Alvia. She lived an unlucky life, so to speak. Her parents are dead due to an accident. Her sister commited suicide. She was left alone. Yet, she never gave up. She carried on with her life... Yet, was betrayed. Will...