Not all problems are solved. May mga pagkakataon na may hindi pagkakasunduang nangyayari. Blood is thicker than water. Well, not all the time. Dahil may mga pagkakataong dahil sa sobrang taas ng pride at envy, nabubuwag ang pamilya. They end up setting boundaries. You wish na sana darating ang puntong magbabati-bati kayo pero mukhang imposibleng mangyari. Not all ties are knotted. Not all cases closed. Not all problems are solved. Minsan hinahayaan na lang natin ang problema hanggang sa lumaki ito. Minsan dahil sa sukdulang pride ni sorry hindi masambit. Gusto nilang sila ang suyuin kahit sila iyung mali. And they will never realize na mali sila. I know. Dahil nandyan ako sa sitwasyon 'yan.
Okay! XD Here na ang Chapter 48!
Ruined
Tito Fenrir has been arrested. Now, we'll be pushing the case. Dalawang araw na ang nakalipas nang nangyari ang insidenteng iyon at sariwang-sariwa pa iyon.
Everything is still fresh in my mind. I can still feel the pain when he told me he killed my parents. I can still feel the cold mouth of the gun on my head. I can still hear the continuous gunfire. I can still remember how Tito Fenrir's eyes fired up in furry.
"Okay ka lang?" Lyon looked at me worried.
I weakly smiled and nod. "I'm just tired."
"Magpahinga ka na lang muna habang ako naman ay babalik sa Cebu para tingnan ang liners," aniya at hinalikan ang aking buhok. Ngumiti siya sa akin. "I'll be back tonight or early morning."
The gloomy memory suddenly faded in my mind. His smile made me feel warmth inside and lightened my mood.
Dumiretso na ako sa aking kwarto. Agad akong napasalampak sa aking kama.
It's been weeks since I got here. Si Lyon lamang ang bumabalik sa Cebu from time to time para asekasuhin ang Alegre Liners. Hindi kaya ay ginagawa ko na lang sa online ang trabaho. Iyon lang muna ang ginagawa ko sa ngayon until my Tito Fenrir's case will be solved.
About Tita Cherria and my two cousins, I still haven't talk to them or even saw them again. Sigurado akong hindi kailanmang huhupa ang galit nila sa akin. Hindi kailanmang huhupa ang alitan sa pagitan namin.
We have already set divisions. We have already cut the bonds. We have already laid the boundaries. We have already drawn the lines.
I doubt kung magkakabati-bati kami.
Biglang may kumatok sa pinto. Napabangon ako at pinagbuksan ang kung sinuman ang kumatok. Si Manang Liwa pala.
"Bakit po?" Tanong ko.
"May bisita po kayo."
Agad akong bumaba upang daluhan ang kung sinuman ang bisita.
Tita Dalia, Tita Valyn, Tita Milan and Tito Peter.
They were staring at me coldly. Inayos ni Tita Dalia ang kanyang dress at napaupo ng maayos. Si Tita Valyn naman ay matalim ang titig sa aking habang pababa ako ng hagdan. Dahan-dahan naman ang pag-inom ni Tita Milan ng isang baso ng juice na inihanda para sa kanila habang si Tito Peter ay nakahalukipkip at napailing na lang na parang isa akong kapalpakan.
"Magandang hapon po," pormal ko silang binati.
Tumaas ang kilay ni Tita Valyn. "Didiretsuhin na kita, Erina. Stop this foolishness."
Napalunok ako. Sa alitan ni Papa at Tito Fenrir, pati pamilya namin nahati na rin. Ang nasa panig ni Papa at nasa panig ng aking tiyuhin.
Tito Joel, Tita Karen, the Alegrados... They stayed by our side.
BINABASA MO ANG
Adamantine
RomanceAn Arcella Series Erina Yestia Alvia. She lived an unlucky life, so to speak. Her parents are dead due to an accident. Her sister commited suicide. She was left alone. Yet, she never gave up. She carried on with her life... Yet, was betrayed. Will...