Chapter Six
Can't Help It
"Alvia, boyfriend mo?"
Ano raw?
Napatingin ako kay Shun na biglang napatayo. Seryoso silang nagtitigan ni Lyon.
Shun has always been enigmatically handsome.
"Oo. Bakit?" Ani Shun.
Nanlaki ang mga mata ko. Ano na naman ba ang trip nito? Parang bigla akong sinilaban. Ramdam ko ang mabilis na pagkalat ng init sa buong mukha ko at leeg pati pa nga ang batok ko ay siguradong namumula na.
"H-hoy! Huwag kang maniwala k-kay Shun! Nagbibiro lang iyan." And just that, nauutal na ako. Bahaw akong humalakhak upang mabawasan ang tensiong dahan-dahang namumuo. Naghurumuntado ang puso ko at halos mahirap nang huminga ng maayos.
Tinitigan ako ni Lyon. Ganoon din ang ginawa ni Shun. Hindi ko alam kung alin sa mga titig nila ang mas may intensidad at nakakailang. Kahit noon pa man ay naiilang ako sa mga seryosong titig ni Shun.
Nakakapanibago naman ang mga mabibigat na titig ni Lyon. He usually looked at me with amusement. Ngayon lang niya ako tinitigan ng ganito. I slightly shifted due to his intense gaze. "Kamusta ka na?" Tanong ni Lyon, marahan ang pagkakasambit niya nito.
"Na-sprain. Hindi mo nakita?" Pagsusungit ko upang maitago ang pagkailang.
Napailing na lamang siya at masungit na nagtanong. "Sino naman 'to?" Sabay turo niya kay Shun.
"Boyfriend niya nga," awat ni Shun. Lakas din mang-trip nito eh! He's usually acting all brotherly when it comes to situations like this. Obviously, they just don't like each other.
Napatingin ako kay Shun na seryoso lang akong tinitigan pabalik. Binaling ko ang tingin kay Lyon. He showed an impatient expression. He's demanding for my answer.
"Si Shunsuke, kaibigan ko," I finally introduced.
Pinandilatan ni Lyon si Shun. Shun returned the glare with an equal greatness.
"'Di pa boyfriend ka pang nalalaman, dyan," ani Lyon.
Shun's lips curved into a sneer. "Talagang boy friend ako ni, Erina. Boy friend. Lalaking kaibigan. Alangan namang girlfriend!" Bahagyang tumaas ang kilay ni Shun. Kitang-kita ko ang aliw sa kanyang mukha.
Hindi talaga silang pwedeng pagsamahin. They just don't like each other's vibes. Halata namang hindi sila magkakasundong dalawa.
"Shun, may gagawin ka pa siguro. You too, Maxwell. Don't you have basketball practice this afternoon? I'll stay here in a while. Pagkatapos ay uuwi na rin ako," sabi ko.
"Narinig mo iyon?" Ani Lyon kay Shun. "Umalis ka raw ako na magbabantay sa kanya."
Napangiwi ako kay Lyon. Didn't I say the both of them?
"Ako na lang. May praktis ka, di'ba?" Balik naman ni Shun. Kung gaano ka marahas ang tono ng pananalita ni Lyon, ganoon din karahan ang ngunit may bahid pa rin nang panunuya ang kay Shun.
"Shun," sabi ko. "I'm fine."
"Hindi ka makakauwi ng ganyan," sabi naman ni Lyon. "Tatawagan ko sina Tito Joey tungkol sa nangyari ngayon sa iyo."
"'Wag na," pagtanggi ko.
"Ako na lang ang maghahatid sa iyo," ani naman ni Shun.
Mas ayokong magpahatid sa kanya. Nakakahiya na! Saka baka anong isipin nina Tita Lyola at Tito Joey. Nagloloko ako?
BINABASA MO ANG
Adamantine
RomanceAn Arcella Series Erina Yestia Alvia. She lived an unlucky life, so to speak. Her parents are dead due to an accident. Her sister commited suicide. She was left alone. Yet, she never gave up. She carried on with her life... Yet, was betrayed. Will...