Impatiently Waiting

1.1K 50 13
                                    

ℰ𝓇𝒾𝓃𝒶 𝒴ℯ𝓈𝓉𝒾𝒶 𝒜𝓁𝓋𝒾𝒶 ℳ𝒶𝓍𝓌ℯ𝓁𝓁

Always wait for the best, as the saying goes.

I don't really wait. I just let things happen. I don't anticipated anything remarkable to happen in my life. I have never been desperate in my life. Totoo 'yon!

Nandito ulit ako sa loob ng banyo namin. Nakatayo lang ako roon sa harap ng malaking salamin. Napairap ako sa sarili.

Always wait for the best? Ha! I'm really not patient enough!

Hinahayaan ko lang mangyari ang dapat mangyari. I don't expect anything magnificent to happen in my life until now... Until now that I'm married!

I'm getting desperate and upset!

Napatingin ako sa pregnancy test.

Negative.

Halos buwan-buwan na ako kung bumili ng pregnancy test. Of course, without the knowledge of my husband!

Tatawanan lang ako ni Lyon kapag nagkataon.

Hindi naman kasi siya tulad ko. He feels no rush of having a child. Or does he? Hindi niya lang sinasabi sa akin.

I was drowned in my own thoughts when I almost leap when Lyon knocked.

"Yestia, okay ka lang ba d'yan?"

Agad kong tinapon sa basurahan ang pregnancy test at lumabas.

Binuksan ko ang pinto ng banyo at bumungad sa akin ang matangkad kong asawa. His back was against the wall. Nakakuyom ang kanyang mga panga at ang mga mata ay nakatuon lamang sa akin.

Ramdam ko ang kaba sa aking dibdib. He looked at me so intensely that I just can't stand to look at him.

"Dumating ba ang period mo?" Tanong niya bigla.

Bahagyang tumaas ang kilay ko sa tanong niya. It's a really weird question. Nagkatinginan kami ng ilang segundo bago ko siya bigyan ng sagot.

"H-hindi pa naman," sabi ko. "Bakit?"

Napasinghap siya at napailing sa sarili. "Wala lang. Maghanda ka na."

Ngayon kasi ay babalik kami ng Cebu para sa kumpanya. We have fair share of work to earn money... from our farm to other businesses.

After marriage, we only had a three day honeymoon in London. That was actually my choice.

"Halika na," sabi ko na lang sa kanya.

I held his hand and pulled him out of the house.

The whole ride to Cebu was pretty exhausting. Nakaupo lang naman ako pero nakapapagod isipin ang pink line sa pregnancy test.

"You don't look fine, Yestia. Ano'ng problema?" He said it so soothingly.

"Just a mild headache," sagot ko.

"You're having it again?"

Maliban sa pagkadismaya sa negatibong resulta ng pregnancy test, sumasabay rin ang motion sickness ko sa eroplano. I can handle an hour on the plane but I would always regret riding a plane for more that two hours.

Naaalala kong lumipad kami ni Lyon papuntang London, I was crying hard because I cannot handle the so-called 'airplane' sickness.

He made me lean on his shoulder.

"Tulugan mo na lang," aniya. Banayad ang kanyang pagkakasambit.

Napanguso ako. "How can I sleep with a headache?"

AdamantineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon