Chapter 50

1.2K 39 4
                                    

Still Lyon's POV. hehehe! Enjoy

My Weakness

"Sir, kailangan niyo pong bumalik dito sa farm," tawag ni Manang Liwa. Natataranta siya at halatang-halata ang panginginig ng boses niya.

"Okay."

Nagpahanda ako ng chopper at lumipad na papuntang Iloilo. Inalarma ko na rin ang mga awtoridad. Kailangan na talagang dakpin si Tito Fenrir. Habang tumatagal, lumalala na talaga siya!

Pagdating ko ng San Miguel ay wala na si Tito Fenrir. Pero may dinala kami sa ospital dahil nabaril siya.

"May lima po siyang tauhan at hinalughog ang mansion. Aniya po ay papatayin niya si Ma'am Erina," pagsusumbong ni Mang Jun.

"Dapat ay hindi ko na itinigil ang pagbabantay sa farm. Huwag po kayong mag-alala. Ibabalik ko ulit ang bodyguards," sabi ko.

Maraming nadadamay dahil sa galit ni Tito Fenrir. I can't let any of my workers harmed!

"Manang Liwa, pitasan niyo po ako ng bulaklak sa flower plantation ng maaga pa bukas," sabi ko.

"Ano pong klaseng bulaklak ang ipipitas ko, Sir?"

"Ang lahat ng gusto ni Erina," sabi ko.

Sumilay ang ngiti ni Manang Liwa. "Lahat naman po ng bulaklak sa plantation ang gusto niya eh. Parang si Ma'am Darina po iyon. Mahilig sa bulaklak."

Napaisip ako. The last time I gave her a bouquet of flowers, she refused!

Kinabukasan ay dala ko ang bouquet ng samu't saring bulaklak. I want her to smile with my gift pero hindi iyon ang nangyari.

"Yestia..."

Inabot ko sa kanya ang bouquet. She just stared at me coldly and continued reading some proposals on her laptop.

"What's that for? Bakit mo ako binibigyan ng bulaklak? Dimaria might get jealous," aniya. "Saka mo na lang ako bigyan kapag burol ko na."

"No one's going to be jealous," aniko.

She chuckled, full of sarcasm. "Bakit nga pala siya magseselos eh engaged na kayo? She's so sure that you will only be hers."

I tilted my head. I knitted my brows. Ano?

"You're talking nonsense," sabi ko.

She suddenly slammed her desk as she rose. "Stop fooling around, Lyon!" She took the ring from the drawer and threw it at me. Para siyang sinisilaban dahil sa galit. "Stop lying! How can you ask me to marry you when you're already engaged with someone else?"

"Yestia, I don't know what you're talking about," I said innocently. Ano ba'ng nangyari?

"Stop lying!"

"Ano ba ang akala mo sa akin? Two-timer? Iyan na ba ang pagtingin mo sa akin?"

Tumaas ang kilay niya. "Bakit? Hindi ba?"

Kinuyom ko ang aking panga. Dimaria is behind this, right? "Ano ba ang nangyari, Yestia?"

"Walang nangyari, Maxwell. Baka sa inyo ni Dimaria?" Angil niya.

"Ano?!" Walang katuturan ito!

"Dimaria and I already talked. She told me you're getting married. She told me that you love her so much!"

Lumapit ako at hinawakan ang mga nanginginig at nanlalamig niyang mga kamay. "So you believe her?"

Agad ko siyang hinagkan. Hindi ko siya masisisi. I left her without notice and then I came back saying I still love her. Akala ko kasi wala siyang pakialam kung umalis man ako. I was so preoccupied solving her problems since I left her. Hindi ko siya masisisi kung galit siya sa akin. Hindi ko siya masisisi kung hirap siyang paniwalaan ako muli. Ipagpapatuloy ko ang pagsusuyo ko sa kanya hanggang sa patawarin niya ako. Hanggang sa paniwalaan niya akong muli. Hanggang sa mahalin niya ako.

AdamantineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon