Chapter 2: After That Kiss

20 1 0
                                    

NATAMEME AKO! Ikaw ba naman kasi halikan ng stranger man ng biglaan!

Habang hinahalikan niya ako at ako naman, tameme lang, napabukas bigla ang mata niya... at nakita ko, halatang nagulat siya! Hindi yata ako ang inaasahan niyang hahalikan niya.

Agad niyang tinanggal ang labi niya sa mga labi ko.

Ako naman, parang biglang nagising sa pagkabangungot! Sinampal ang lalakeng humalik sa aken ng malakas!

"Bastos ka, gago ka!" Pinaghahampas ko siya ng kamay ko! Siya naman, walang ginawa kundi isangga ang kamay niya sa mga kamay ko! Yung mga tao naman sa paligid, naghiyawan! Isa rin tong mga bwisit na to!

"Sandali! Sandali! Let me explain!" Him. Ako naman, hindi ko lang siya tinigilan sa kahahampas ng kamay ko!

"Bastos ka! Sinong nagbigay ng karapatan sayo na halikan ako?! 'Ha! Sino?!" Galit na tanong ko. At ibinigay ko sa kanya ang isa pang malakas na sampal!

"Miss, sorry na okay! It was an accident! Hindi ko sinasadya na halikan ka! Sorry! Sorry!" At tumakbo na siya paalis!

"Hoy, sa'n ka pupunta?! Hindi pa tayo tapos! Hoy!" Sigaw ko sa lalakeng yun. Hahabulin ko sana siya, masakit ang tuhod ko e, kagagawan ng tatlong asungot. Pasalamat yung lalakeng yun may sugat ako dahil kung wala, magkakamatayan kaming maghahabulan. Bwisit siya.

Nawalan tuloy ako ng ganang kumain. Parang nasusuka pa ako, so nakakadiri! At yung mga echoserong frog naman, nakatingin sa akin. Tinatawanan nila ako. Tong mga to! Sana kayo na lang ang nahalikan!

"Ate, ang swerte mo naman! Nahalikan ka ng gwapo!" Sabi ng isang babae na mas bata sa aken na nasa bandang gilid ko.

"Oo nga! Sana ako na lang siya! Halata namang ayaw niya!" Sabi ng isa pang babae na nasa tabi rin ng babaeng nagsalita kanina! Pwes, sana nga kayo na lang. Mga haliparot! Kung bakit kasi ako pa eh! Ang daming iba dyan!

Hindi ko na lang sila inintindi at umalis na ako! Pero habang umaalis ako, naghiyawan sila sa aken na tila ba nang-iinis! Kahit sa'n ako tumingin, nasa akin ang mga mata nila! All-eyes-on-me kumbaga. Kaya naman sa baba na lang ako tumingin! Isa pa tong tuhod ko, ang saket. Kaya naman nagpipilay-pilay ako!

And finally, nakaalis na ako  sa park na yun! Habang naglalakad ako, hindi maalis sa isipan ko ang mukha ng lalakeng yun. Kaya naman naiinis ako! Ayyy, talaga! Sa oras na makita ko siya ulit, sasampalin ko siya, paghahampasin o baka naman mapatay ko pa siya!

Siguro, nagtatanong kayo kung bakit ako naglalakad pauwi, wala lang, trip ko lang. Hindi talaga ako nagpapasundo kay Mang Dencio sa hapon.

Pero alam niyo, ang sakit na ng tuhod ko! I'll just endure it until makauwi ako sa bahay.










After of so many steps, finally! Andito na ako sa bahay! Binuksan ng mga guards namin ang gate at pumasok ako. Binuksan pa ng isang guard ang pinto, at pumasok na naman ako. At andito na ako sa napakalaking bahay namin.

Sinalubong ako ni Manang Pina, at kinuha ang bag ko.

"Salamat Manang Pina!" Me.

"Sus! Trabaho ko 'to noh!" Manang Pina.

At pupunta na sana ako sa taas kung nasaan ang kwarto ko nang....

"Hep! Hep! Hep!" Manang Pina.

Nasa ikatlong hagdan na ako noon. Binilisan ko pa nga para hindi niya mahalata eh.

Humarap ako kay Manang Pina. Lumapit siya sa akin na nakatingin sa tuhod ko.

"Anong nangyare sa tuhod mo?" Alalang-alala na tanong niya. Halatang-halata sa boses niya.

"E kasi...."

"E kasi ano?" Manang Pina.

"Nadapa kasi ako kanina!" Palusot ko na lang. Ayokong sabihin ang totoo na binubully nila ako.

"Sus! Hindi ka kase nag-iingat eh!" Parang galit. "Halika! Sundan mo ako!"

At nagsimula ng maglakad si Manang Pina. Sinundan ko naman siya.

Pumunta kami sa storage room ng mga alcohol, ban aid at iba pa para sa panggamot ng sugat.

"Upo." Manang Pina.

Kita sa mukha niya na medyo may galit siya sa aken. Ayaw niya kase akong nakikitang nasasaktan e. Simula nung bata ako, kapag nasusugatan ako, siya ang umaasikaso sa akin. Pati na rin pag may sakit ako, at sa mga ospital. Siya nga rin ang umaatend kapag may meeting sa school eh. Sina mommy at daddy sana ang gumagawa no'n pero hindi eh. Busy sila sa pagpapatakbo ng kompanya. Kaya super thankful ako kase meron akong Manang Pina na maalaga at mapagmahal sa akin.

Linagyan niya ng alcohol ang sugat ko. Napasigaw ako sa saket!

"ARAAAAAAAAAY!"

Tinawanan ako ni Manang Pina. "Parang di ka naman sanay!"

"Eh ang saket e." Pagpapabebe ko. Pero totoo ha! Masakit!

"Anak, ano ba kase talaga?" Manang Pina. Sabay ihip sa sugat ko.

"Anong ano ba talaga Manang Pina?" Kinakabahan ako. Mukhang nakakaamoy na si Manang.

"Akala mo ba, naniniwala ako sa palusot mong nadapa ka?" Manang Pina.

"Totoo po! Nadapa po talaga ako! Hindi kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko!" Me.

"Sus! Sige na! Maniniwala na ako! Kaya huwag ka ng kabahan!"

"Manang...." me.

"Alam ko namang nagsisinungaling ka, pero kapag handa mo ng sabihin ang lahat, handa akong makinig!" At inilagay na niya ang ban aid sa sugat ko at umalis na siya.

Ano kayang ibig sabihin ni Manang? May alam ba siya sa mga nangyayare sa aken? Hayy! Ewan!

At tumayo na ako. Aray! Masaket pa rin! Bukas siguro, okay na to!

Agad na akong pumunta sa kwarto ko at inihagis ang sarili sa kama! Hayyy! Sana tong kama ko kasinlambot ng buhay ko!

*Nag-sigh ako ng super deep*

Naisip ko na naman ang lalakeng bigla na lang humalik sa akin! Yung pesteng lalakeng yun! May araw din siya sa aken! Hindi ko man lang talaga akalain na today is the day na mangyayare ang first kiss ko! At di ko pa talaga kilala yung nangbigay sa akin ng first kiss na yun ha! Pwes, kahit di ko alam pangalan mo, tandang-tanda ko naman ang mukha mo! And I know na magkikita pa tayo!

oOo

oOo

oOo

Ayyy! Parang di ko na yata kaya! Bibigay na yata ang mga mata! Napuyat kasi ako kagabi e!

"Bwisit kang lalake ka........."

*hilik*

*hilik*

*hilik*

Kissed By Accident?Where stories live. Discover now