*Friday 6:15 a.m.*
Nakabihis na ako!
Nakapag-brakfast na rin!
Everything is prepared!
Lumabas na ako sa bahay namin! Pupunta na sana ako sa sasakyan namin na siyang service ko papuntang school kaso may nakita akong lalake sa labas ng gate namin!
Nakaupo siya sa motor niya! Parang kilala ko na kung sino!
"Ma'am, aalis na po ba tayo?" Tanong ni Mang Dencio papalapit sa sasakyan!
"Ah, mamaya pa po! Sandalilang!" Agad akong tumakbo palabas ng gate at hinarap siya!
"Oh! Good morning, miss!" Nakangiting bati ni Mr. Maniac! Sabay tayo!
Oo! Siya na naman! Nakakainis!
"Anong ginagawa mo dito? Baka makita ka ng mga ate ko!" Inis na sabi ko, pero mahina lang!
"Kung ayaw mong makita tayo ng mga ate mo, sumakay ka na sa motor ko at may pupuntahan tayo!" Me, sabay abot niya ng isang helmet!
"Ayoko nga!" Me! "Umalis ka na lang pwede?!"
"Hindi pwede! Hindi ako aalis dito hangga't hindi ka sumasakay sa motor ko!" Him, pilit na inaabot niya ang helmet!
Tumingin ako sa loob, at nakita kong palabas na si Ate Raquel sa bahay namin! For the first time, ang agang nagising ng bruhang toh! Bad timing!
OMG! Hindi pwedeng makita niya ako with this maniac, kasi I know, na magsusumbong siya kila mommy at daddy! At kapag nagsumbong siya, mapapagalitan ako at minus allowance pa! O di ba? Sa'n ka pa?!
Agad kong kinuha ang helmet at isinuot!
"Sige na nga! Baka makita pa tayo ni Ate Raquel!" Me!
Si Mr. Maniac naman, nagsuot din ng helmet at sumakay na rin sa motor!
Sumunod naman akong sumakay!
"Bilisan mo! Baka makita tayo ni Ate Raquel!" Me!
Nasa labas na kasi siya, pero halatang inaantok pa siya! Nakapikit ang mga mata niyang naglalakad! Ano 'to? Sleeping while walking, gano'n?! Kaloka!
Ini-start na ni Mr. Maniac ang motor niya at pinatakbo! Ako naman, nakakapit na naman sa waist ng maniac na ito!
Habang pinapatakbo niya ang motor, hindi na masyadong mabilis ha, infairness! Kasi, baka natatakot siya na masampal ko na naman siya ng malakas!
"Subukan mo lang na patakbuhin na naman ng mabilis ang motor mo, patay ka sa akin!" I threatened him!
"Hindi na nga po eh!" Him!
"Dapat lang!" Me! "At bakit ka nga pala pumunta sa bahay?!" Inis na tanong ko, sabay kurot ng tiyan niya!
Natawa siya! Nakiliti siguro siya!
Ako naman, kinurot ng kinurot ko lang ang tiyan niya! At siya naman, nakikiliti ng nakikiliti! Nakakatawa kasi siyang makiliti!
"Ano ba? *tawa* Pag tayo naibangga, *tawa* wala akong kasalanan ha!" Tawa niya!
At itinigil ko na! Syempre, ayokong maaksidente eh!
"Pero seryoso, bakit ka pumunta sa bahay?!" Inis na tanong ko!
"Eh ano pa ba? Para sunduhin ka!" He answered!
"Eh bakit nga?!" I asked him again!
YOU ARE READING
Kissed By Accident?
Teen FictionAccidents are the reason why many people find their destiny.....