Jilian's POV
Kriing!
Kriing!
Kriing!
Lunes na naman... kainis! Lunes na lunes tinatamad na naman ako! Ever since naman kasi nang namatay si Jeiko, nawalan na ako ng ganang mabuhay... pero as Tita Salome said... life must go on! I must fight!
Agad kong pinatay ang nakakabinging alarm clock ko. Hearing it is sh*t!
Agad na akong bumangon at naligo sa comfort room ko! Pagkatapos ay nagbihis... inayos ang sarili... at pumuntang dining room para kumain!
Pagpasok ko ay as usual, wala akong taong nadatnan! Only Mang Pina and the other maids!
"O, kain na!" Pagyaya sa akin ni Manang Pina!
Kumuha lang ako ng sandwich at uminom ng konting milk.. wala akong ganang kumain eh!
"O, bakit naman parang tipid ang breakfast mo ngayon?" Manang Pina!
"Wala akong gana manang." At nginitian ko siya.
Agad na akong pumunta sa kotse namin. Inistart at pinatakbo ni Mang Dencio ang sasakyan.
By the way guys, nagtransfer na ako ng school. I know its too late, pero okay lang! Basta makaalis lang ako sa pesteng school na yun, okay na!
Sa school ako ni Hope ngayon nag-aaral! And luckily, pareho kami ng section ni Hope! O di ba, san ka pa? Pero medyo naninibago pa rin ako kasi ilang araw pa naman ako doon sa school na yun... and I admit, medyo nakakamiss din yung pesteng school na yun! Sa school na sobrang daming nangyari.
"Andito na po tayo maam." Nakangiting sabi ni Mang Dencio.
"Salamat po!" Nginitian ko rin siya! At lumabas na ako ng kotse!
Agad naman akong sinalubong ng BFF ko--- si Hope. Sino pa nga ba?!
"BFF, ba't ang tagal mo? Kanina pa kita hinihintay huh!" Nakasimangot na sabi ni Hope.
"Sorry na BFF!" Sabay pisil ko sa pisngi niya!
"Di ba may usapan tayong oras?" Tanong niya.
"Yup. Sorry!" I said.
"Sige.. pinapatawad na kita, basta ba pakopyahin mo ako sa quiz natin mamaya!" She said!
"Ikaw talaga huh..."
At sinimulan na naming maglakad papuntang room namin.
Pakokopyahan ko daw siya, eh hindi naman ako nagreview eh! At saka ang layo kaya namin sa isa't isa!
Nang makarating na kami sa room ay wala pa ang guro namin. By the way, first period ang quiz namin ngayon!
At meron na lang kaming ilang minuto para magreview. Agad kong inilabas ang science notebook ko at nagreview. Kailangan kong magreview kasi, ayokong makakuha ng zero noh!
Nasa tabi ko naman ngayon si Hope at walang ginagawa kundi kulitin ako.
"Hay naku Hope, magreview ka na kaya!" Suway ko sa kanya.
"Ano ka ba? Pakopyahin mo na lang ako!" She said.
"Paano kita pakokopyahin aber? Eh ang layo pa kaya natin sa isa't isa!" I said.
"Eh di sa katabi ko na lang ako kokopya!" Hope.
"Hays. Bahala ka na nga sa buhay mo!"
YOU ARE READING
Kissed By Accident?
Teen FictionAccidents are the reason why many people find their destiny.....