Chapter 3: The Unexpected Expectation

21 1 0
                                    

Habang naglalakad ako sa daan. Katatapos lang ng klase namin. Galing na rin ako sa park, at salamat at hindi na bumalik pa yung pesteng lalakeng yun na bigla na lang humalik sa akin.

Tinignan ko ang tuhod ko. Wow! Magaling na pala! Tinapik-tapik ko ang tuhod kong sugatan lang kahapon, magaling na talaga. Parang hindi ako nasugatan kasi wala namang makikitang galos e.

Anyway, let's don't mind my sugat anymore.

Naglalakad pa rin ako nang biglang may humila ng braso ko sa bandang likod at hinalikan ako sa labi! Nagulat ako kase siya na naman!

Oo! Yung lalakeng humalik sa akin sa park, siya na naman ang humahalik sa akin ngayon! But this time, hindi na siya nakapikit, nakadilat ang mga mata niyang humahalik sa akin. I tried na alisin ang mga labi niyang nakakonekta sa labi ko pero malakas siya at ayaw niyang paawat!

OMG! Anong gagawin ko? Sobrang lakas niya at wala akong kalaban-laban!

Di ko na kaya!

Di ako makahinga!

Mamamatay na yata ako!

Gustong kong humingi ng tulong pero hindi ko maibuka ang bibig ko, at makahingi ng tulong!

Ahhhhhh! Di ko na kaya!

Ma-ma-mm-ma-tay na a-ako!






















NAGISING AKO!


KINAKABAHAN!



UMIIYAK!

Salamat naman! Panaginip lang pala! Ahh, hindi panaginip! Isang malaking BANGUNGOT! Akala ko kung totoo na! Akala ko kung mamamatay na ako! Bwisit! Kahit kailan talaga bwisit yung lalakeng yun! Pati ba naman sa pagtulog ko! Pati ba naman sa panaginip ko! Yung MANIAC pa na yun! Bakit hindi na lang sina Dennis Trillo o Tom Rodriguez ang napanaginipan ko! Neh kahit patayin pa nila ako sa kakahalik! Wala akong pake alam! Kase sila yung mga matagal ko ng crush!

Huminga ako ng malalim! As in sobrang lalim! Tinignan ko ang oras sa cellphone ko, five minutes na lang pala before mag-alas sais! Iginalaw ko ang paa ko, medyo masakit pa ang tuhod ko, pero hindi yung masakit na masakit ha! Hindi na siguro ako magpipilay-pilay nito!

Tumayo ako at nag-inat!

Parang may something na mangyayare ngayon ha! I have a very bad feeling about this day! I don't know why! Epekto lang siguro ito ng nightmare ko!

Pumunta na ako sa bathroom ko, naligo, nagbihis at kumain! Actually, breakfast ko lang ngayon is sandwich and milk! Syempre nakisalo ulit ang mga manang!

*sa loob ng kotse*

Nakatingin lang ako ng diretso! Maya-maya may nakita akong lalake sa daan, he's familiar! Sobrang familiar talaga siya kase.....

Siya yung lalakeng humalik sa akin sa park noh!

"Mang Dencio, pakitigil nga muna!" Sigaw ko!

Biglang iprineno ni Mang Dencio! Tinanggal ko ang seatbelt ko, at lumabas sa kotse!

"Ma'am naman, nanggugulat kayo eh!" Mang Dencio. Yun na lang ang huli kong narinig kay Mang Dencio.

Hinabol ko ang lalake na humalik sa akin! Hindi niya namamalayan na nasa likod na pala niya ako!

Hahahaha! Ito na yung time ko para makapaghiganti sayo!

Kissed By Accident?Where stories live. Discover now