Lunes na ngayon mga guys! May pasok na! Actually, ready na akong makita si witch... hindi na niya ako mapapahiya pa kahit kailan! I swear!
Nga pala, nakaupo na ako ngayon sa upuan ko dito sa room.
Maya-maya, biglang pumasok si Mr. Maniac. Nagkatinginan kami saglit pero agad kong ibinaling sa iba ang tingin ko.
Siguro, nagtataka kayo kung ano ang nangyari yesterday... kung ano ang naisagot ko! Well, ito na yun o...
**Flashback**
"Answer me honestly... why are you staring at me a while back?" He asked me. Sobrang seryoso ng tono at mukha niya. Bakit ba siya nagkakaganito? I don't get it!
Tumayo ako...
"Actually Brent..." tumikhim ako. Ghad! First time ko siyang tawagin sa pangalam niya. "...hindi ko rin alam kung bakit kita tinititigan. Hindi ko alam kung bakit gustung-gusto kang titigan ng mga mata ko. Basta ang alam ko lang, gusto kong tinititigan kita! I am badly attracted with you!" At ibinaling ko na sa iba ang tingin ko.
Ghad! Nakakahiya!
"Its okay! You can look at me anytime but please, be focused whem I am tutoring you! Yun lang ang hinihingi ko!" Him.
Hindi ko ba alam kung bakit pero parang hindi lang ako attracted sa kanya! It seems like gusto ko na rin siya... magkaiba naman ang gusto sa in love di ba?
**end of the flashback**
So yun! Natuloy pa rin naman ang pagtututor niya sa akin hanggang alas singko ng hapon eh. Normal pa rin naman ang lahat... pero madalas ko siyang tinitigan habang tinuturuan niya ako! Tapos, nung inihatid niya ako pauwi, I admit! Habang yakap yakap ko ang waist niya, napakabilis ng tibok ng puso ko! Ghad! Hindi ko inakalang magkakagusto ako sa lalakeng maniac na to!
Natapos na ang dalawang subjects namin! I tried to listen gaya ng sabi ni maniac kahapon pero hindi ko kaya! Break time namin ngayon... at nakaupo lang ako sa isang bench! Math na namin after ng break time... makikita ko na naman si witch!
Nagulat ako nang biglang nasa tabi ko na naman si maniac! Bakit ba ang hilig hilig niyang gulatin ako!
"Sige! Tignan mo na ako!" He said. Tong gagong 'to!
"Ayoko nga!" At nakatingim ako ngayon sa iba...
"Bakit? Nahihiya ka? E binibigyan na nga kita ng permiso eh." He said.
"Ano ba? Hindi na kita gustong tignan. Kahapon lang na gusto ko pero ngayon, ayoko na!" I lied! Kasi yung totoo, gustung-gusto ko siyang tinititigan!
Pumunta siya sa harap ko at lumuhod... nakatapat ngayon ang mga mukha namin at magkakonekta ang mga mata!
"Why? Nahihiya ka?" He asked me.
Hindi ko ba alam sa sarili ko kung bakit ko inamin sa kanya na attracted ako sa kanya. Ang tanga mo Jil! Now... he is teasing me! Shit that maniac!
"Nope!" I answered sabay tingin sa iba.
"Kung hindi ka nahihiya, bakit di mo ako matignan ng diretso ngayon?" He asked me again.. this bullshit is such a shit! Damn him!
Tinignan ko siya... mata sa mata! Ano, masaya ka na?
"Iba lang tinitignan, nahihiya na agad! Ghad... napaka-judgemental mo 'ha!" Sabay tapik ko sa balikat niya...
YOU ARE READING
Kissed By Accident?
Roman pour AdolescentsAccidents are the reason why many people find their destiny.....