Chapter 26.2: Three

2 1 0
                                    

Hope's POV

Naglalakad kami ngayon ni Jeiks pauwi. Medyo malayo layo pa ang lalakarin namin.

Ramdam ko ang pag-iwas niya sa akin dahil linalayuan niya ako.

"Jeiks, bakit mo ako linalayuan?!" Napatigil na tanong ko, na siya ring nagpatigil sa kanya sa paglalakad at tinignan ako.

"Hindi naman kita linalayuan ah!" Parang bata na nagdefense sa sarili niya!

Naglakad na siya pero ganoon pa rin ang distansya namin  sa isa't isa------malayo!

Eh di layuan mo ako! Wala kang utang na loob! Pagkatapos kitang iligtas noon mula sa pagkakabugbog mo, ganyan ka sa akin! Sana hinayaan na lang kita noon!

Pero... kaya ba siya nagkakaganyan dahil sa kanina?

"Kaya ka ba ganyan dahil sa fishball, kimiam, at barbecue?" Tanong ko sabay hawak sa braso niya!

Ang cute niya. Lalung-lalo na kapag naiinis siya. Parang gusto kong pisilin ang pisngi niya!

"Hindi ah!" Sagot niya.

At inialis na niya ang mga kamay ko sa braso niya at nagpatuloy sa paglalakad! What the hell is wrong with him?

Hinarangan ko siya, at napatigil ulit siya.

"Eh ano?" Tanong ko. "Kung hindi dahil doon, bakit ka nagkakaganyan sa akin?"

Hindi siya umimik na nakatingin sa baba.

Bwisitin ko nga tong lalakeng ito.

"Ahh! Alam ko na!" I said, at itinaas niya ang kanyang tingin sa mukha ka. Nagkonekta ang aming mga mata. He has a charming eyes, and I love it.

"Ano?"

"Hindi kaya...." nagpacute ako sa kanya! "Hindi kaya may gusto ka sa akin?" Sabay lapit ko sa mukha ko sa kanya. Inilayo naman niya ng kaunti.

Nakita ko sa mukha niya ang pagkagulat.. Shems!

"Hindi ah!" Galit na sabi niya. Kung nakikita niyo lang sana ang reaksiyon niya ngayon, para siyang guilty! And that's what makes me laugh!

"Gusto mo yata ako eh!" Sabay kurot sa isang dede niya! Nagulat siya sa inasal ko. Mas lumaki ang mga mata niya! Shems, my plan is working shit! "Kung gusto mo, gawin na natin dito! Wala namang tao eh!" Sabi ko, in seductive way.

Hanggang mgayon ay gulat pa rin siya! Shems... nakakatawa ang reaksiyon niya! Kalerki!

"Lumayo ka nga!" Sabay tulak niya sa akin! At nauna ng maglakad! Haha! He's so funny? Hindi niya ba alam na pinagtitripan ko lang siya? He's taking it serious!

Nasa likod niya lang ako!

"Jeiks..." With my seductive voice! "C'mmon! Let's do it!"

Mas binilisan niya ang paglalakad! Ako naman, binilisan rin!

"Jeiks naman! Sige n------" Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko nang nasa braso ko na siya dahil... sa pagmamadali niya ay natapilok siya at ako naman sinalo agad!

Nagulat siya! Maske ako ay nagulat din! I can't believe! Nakagawa ako ng isang bagay na dapat lalake ang gumagawa...

Nagka-connect ang mga mata namin. Gusto ko siyang tanungin kung okay lang siya pero mas maganda kung pagtripan ko na lang siya!

"Ikaw ha! Kunwari ka pa... eh gusto mo naman pala!" Sabay hawak ng pisngi niya!

Agad siyang tumayo.

"Aksidente yun. Natapilok ako!" He said.

Grabe talaga siya! Nakakaloka! Masyadong paniwalain ang kuya niyo, shems!

"Sus! Kunwari ka pa!" Sabay tapik ko sa braso niya!

"Dyan ka na nga!" At tumakbo na siya ng mabilis!

Nakakaloka talaga siya shems! Super! Alam mo Jeiks, sobrang saya kang pagtripan!

Hindi ko na siya hinabol pa.

"Get ready for tomorrow Jeiks." At naglakad na ako papuntang bahay!

Kissed By Accident?Where stories live. Discover now