Chapter 12: Her Reason...

7 1 0
                                    

Nakaupo ako ngayon sa paboritong upuan ko dito sa park! Nakatingin sa malayo at napapaisip!

Natatawa rin ako sa naiisip ko kasi si Mr. Maniac ang laman ng isip ko!

As in nakakatawa kasi, umalis na lang siya bigla nang naiinis siya! Nakakatawa run ang mukha niya 'ha kapag naiinis!

Tama rin namam kasi siya! Paano naman namin kasi mapapaniwala ang mga tao na mag-boyfriend girlfriend kami kung walang call sign o holding hands!

Pwes, problema na niya yun! And at the first place, bakit kailangan niya pa kasi akong pagpanggapin na girlfriend niya?! I don't get it!

Habang naiisip ko si Mr. Maniac, biglang nakieksena sa isip ko si Hope! Hmmmft! Yung Hope na yun!

Naalala ko yung sarili ko kahapon na naghihintay sa babaeng yun! That damn girl, I hate her! Akalain mo, ilang oras akong naghintay! How could I wish na hindi ko na siya makita pa kasi kapag nakita ko siya ulit....

May tumatapik sa akin 'ha! Sa likod! Sino ba 'tong taong 'to na tumatapik-tapik sa akin!

Tumayo ako at humarap sa kanya at nagulat ako!

Siya nga!

Si Hope!

"Hi!" Nagpabebe wave siya at ngumiti!

"Hello!" Me, na nag-smile din pero fake lang! At umupo!

Ano ba 'to?! Kainis! Bakit nagpakita pa siya eh ayaw ko na nga siyang makita!

Pumunta siya sa gilid ng upuan at umupo!

"Galit ka ba sa akin?" Maamong tanong niya sa akin!

Hindi lang ako umimik! Galit ako sa kanya! Ayoko siyang makausap! Neh ayaw ko rin siyang tignan! Naiinis ako sa kanya!

"Sorry na!" Pagsuyo niya sa akin!

Sorry?! Kahit makailang sorry ka pa, hindi yun malulunasan ng sakit na nararamdaman ko sa kanya!

"Hoy! Jil, sorry na talaga!"

Tinignan ko ang mukha niya! Nakakaawa! Pwes wala akong pakialam! Pinaghintay niya ako kahapon! Pinaasa niya ako na darating siya! Tapos ano, papatawarin ko siya ng gano'n gano'n na lang?! Aba'y hindi pwede!

"Jil, sorry na talaga!" Pagsuyo niya pa rin sa akin!

Okay! Okay fine! Naaawa na ako! And I think kailangan kong malaman kung bakit hindi siya dumating kahapon! I need her explanation before I judge her! Di ba gano'n naman dapat yun?! Malay ko, baka may isang malaking rason kung bakit hindi siya dumating kahapon... pero kapag hindi siya dumating dahil lang sa isang maliit na bagay, I won't forgive her, I swear!

"Okay!" Tumingin ako sa nakakaawang mukha niya! "Pero bakit ba hindi ka dumating kahapon?"

Nagdeep sigh siya!

"Kasi, dahil sa isang lalake!" Her, na malungkot!

Ano?! Dahil lang sa isang lalake, hindi siya dumating! Ayyy! Hindi ko siya mapapatawad!

"So..... pinili mo ay isang lalake over me?!" With my disappointed voice!

"Teka lang kasi Jil, hindi pa kasi siya tapos!" Sabi nang sarili ko sa sarili ko! Baliw lang ang peg di ba?!

"No! Hindi naman sa gano'n!" Her!

"Eh ano?!" Tanong ko!

"Ito na kasi yung istorya!" At umikhim siya! Jusko! Baka mahabang istorya na naman yata ito! "Habang naglalakad ako papuntang park, may nakita akong isang magandang paru-paro! Kulay dilaw ito na may itim-itim! Nahumaling kasi ako sa ganda nito kaya sinundan ko nang sinundan! Tapos, nawala lang ng kaunti ang tingin ko sa paru-paro eh hindi ko na siya nakita pa! Kaya naman naghanap ako nang naghanap! Pero hindi ko nahanap kaya naman umiyak ako sa daan!" At sinimulan na naman niyang humagulgol sa iyak! Baliw talaga itong babaeng 'to! Kung anu-ano ang sinasabi eh hindi naman yata parte yun ng explanation niya!

Hinagod ko ang likod niya! Sus! Di ko pa siya napapatawad eh kino-comfort ko na naman siya!

"Tapos, nasaan na doon yung lalake?" Curious na tanong ko!

Pinunasan niya ang mga luha niya at nagpatuloy sa pagkukuwento!

"Okay ito na..." at nag-sniff pa siya! "Hinanap ko ang paru-paro hanggang nakita ko siya!" Masayang sabi niya! "Sinundan ko na naman siya hanggang sa makarating kami sa isang lugar! Medyo nakakatakot yung lugar na yun, as in! Tumingin-tingin ako sa paligid at ang daming naipinta sa lugar na iyon! I think, hideout yun ng isang gang group!" Nanginginig na sabi niya!

Jusko, parang hindi naman kapani-paniwala ang sinasabi nito!

"Tapos, nasaan na dun yung lalake?!" With my curious tone!

Lumunok siya at ipinagpatuloy ang kuwento!

"Habang nandoon ako sa lugar na yun, nakaramdam ako ng takot! Kaya naman dali-dali akong lumabas sa lugar na yun! At nang wala na ako doon, nakaramdam ako nang saya! As in ang saya ko!" Her na masaya!

Kinamot ko ang ulo ko! Ano ba? Masasabi pa kaya niya lahat ang sasabihin niya eh naiinis na ako eh! Di pa niya kasi diretsuhin, hindi naman yata kasali sa explanation niya yung mga sinasabi niya!

"Hope naman eh! Eh nasaan na dun yung lalakeng sinasabi mo?!" Medyo naiinis na sabi ko!

"Ano ba Jil, ang atat mo naman!" Inis din na sabi niya! Wow 'ha! Siya pa talaga ang may ganang mainis?! Grabe!

"Okay! Ituloy mo lang!" Me!

"At yun na nga! Nakalabas na ako sa lugar na yun! Pagkatapos naisip kita! Naisip ko na baka naiinis ka na sa kahihintay sa akin dito sa park kaya naman tumakbo ako nang sobrang bilis! Yung mabilis na mabilis na mabilis na parang si accelarator sa ben 10! Hanggang sa nadapa ako!" Medyo nag-iba na naman ang tono niya! May lumabas na naman na luha sa mga mata niya at humagulgol sa iyak!

Nakakainis naman 'tong babaeng ito! Gaano pa ba karami ang masasabi niya bago siya mapunta sa lalakeng sinasabi niya! Ilang luha pa ang maiiyak niya bago siya mapunta sa lalakeng tinutukoy niya kanina!

Hinagod ko na naman ang likod niya! I'm comforting her again!

"Malayo pa ba doon yung lalake?" Tanong ko!

"Malapit na!" Umiiyak na sagot niya!

"Sige na kasi! Ikwento mo na para naman malaman ko na kung ano talaga yung rason kung bakit hindi ka dumating dito kahapon?" Me!

At tumigil na siya sa pag-iyak! 'Tong babaeng talaga 'to oh, napaka-weirdo!

"At yun na nga, nadapa ako! Mabuti na lang hindi ako nasugatan!" Masayang sabi niya! "Kaya naman tumayo ako nang hindi umiiyak! Hanggang sa napansin ko, meron palang lalake sa gilid ko na nakahandusay! Nagulat ako kaya naman napasigaw ako! Pero dahil nakita ko ang napakagwapo niyang mukha pero punung-puno ng sugat, pero gwapo pa rin... doon na, napatigil ako sa pagsigaw! Agad kong ichineck ang pulse niya at buhay pa siya! Humingi ako ng tulong at salamat kasi agad na may sumaklolo sa amin! Dinala namin siya sa ospital at yun! Kaya hindi ako nakapunta dito sa park!" Malungkot na sabi niya!

So yun pala yun! Hindi siya nakapunta dito sa park kahapon kasi may tinulungan siyang lalake!

Hindi  na ako nagdalawang-isip pa! Pinatawad ko na siya at humingi rin ako ng tawad!

"Okay! Pinapatawad na kita!" Masayang sabi ko! "At sorry din kasi, nagalit ako sayo not knowing na gano'n pala ang nangyari!" Malungkot na sabi ko!

At nagyakapan kaming dalawa!

Kissed By Accident?Where stories live. Discover now