Chapter 44: Brent and Jeiko

2 0 0
                                    

Brent's POV

Andito ako ngayon sa park... alas kwatro na kasi kaya andito ako! Nagbabakasakali lang na dumating si Jilian dito! Practice niya kasi na pumunta dito pagkatapos ng klase niya!

Hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari kaninang umaga! Ang sakit sakit ng ginawa sa akin ni Jilian! Pero kahit masakit, I must endure it! Kasalanan ko rin naman kasi eh... kung hindi lang ako naging tanga sa pagpili kay Trish noon, eh di sana hindi ako nahihirapan at nasasaktan ngayon! I must face the consequences... yet, hindi dapat ako mawalan ng pag-asa... ito na lang ang meron ako ngayon! Hindi ko na ito sasayangin pa!

Thirty minutes na din ang lumipas... thirty minutes na din akong naghihintay kay Jilian na dumating dito sa park! Pero thirty minutes lang yan... I can wait more!

Kung maibabalik ko lang sana... yung araw na namili ako between kay Trish at Jilian. Ang totoo niyan, si Jilian ang gusto kong piliin noon eh... kaso, dahil sa padalos dalos na pagdedesisyon ko, nagkamali ako. May leftover feelings pa naman kasi ako noon kay Trish, pero yung araw na yun, mahal ko na talaga si Jilian. Itinatanggi ko lang noon pero dito sa puso ko, si Jilian talaga!

Kung bakit kasi bumalik pa si Trish... eh di sana hindi gumulo! Tapos ngayon? Ipinagsisiksikan niya ang sarili niya sa akin? Fvck! Sorry to her pero hindi ko na siya mahal! Sorry to her kasi... kahit anong mangyari, kahit na ilang beses pa akong ipagtulakan ni Jilian, I won't give up!

Actually, hindi lang naman siya ang may kasalanan dito.. ako rin! Tanga kasi ako!

Habang naghihintay ako, naalala ko noon ang mga masasaya at nakakatawang alaala namin ni Jilian dito sa park!

Noong araw na hinalikan ko siya... damn! I was so stupid before! Humalik na lang ako noon sa isang babae na hindi ko kilala... and now? Sino ba namang mag-aakala di ba, na yung halik pala na yun ang nagdala sa amin nito! Meeting new girl...

Naalala ko rin yung araw na nakaupo lang ako noon sa bridge... tapos bigla na lang akong nakarinig ng boses babae! Tapos, narealize ko, si Jilian pala! At ang OA niya noon huh! Did he really think na magpapakamatay ako noon? Fvck! Im just sitting there to relax myself. And her reaction right after harapin ko siya... hindi niya yata inakala na ako ang lalake na kausap niya! As in nakakatawa ang reaction niya!

At nung araw na iniligtas ko siya sa mga limang gago na may balak sa kanyang masama! Buti na lang talaga at nakita ko siya noon dahil kung hindi, hindi na siya virgin ngayon... kaya magpasalamat siya! And by the way, nakamaskara pala ako noon kaya hindi niya inakala na ako ang lalakeng tumulong sa kanya... kaya naman grabe siya kung makayakap sa akin right after nang mailigtas ko siya. But then, nung tinanggal ko na ang mask ko, doon na! Wala na! Everything turned to normal again!

At saka noon, nakikita ko kasi sa kanya si Trish that's why I took advantage sa isang wish ko sa kanya in exchange of helping her. Hindi ko rin naman kasi sinabi na may kapalit ang pagtulong ko sa kanya, pero yun ang sabi niya nung nakamaskara palang ako tapos nung tinanggal ko na ang maskara ko, bigla niyang binawi... hindi naman ako pumayag! Syempre, once na sinabi na, dapat panindigan na!

At yung isa sa wish ko sa kanya na sobrang nagpahirap sa kanya ay yung magpanggap siyang girlfriend ko! Damn... ang hirap siyang pilitin noon kahit naman hindi dapat siya pinipilit kasi, dapat niyang gawin yun.... at saka may parules-rules pa siyang nalalaman! Nakakatawa siya!

Hindi ko alam kasi... habang nagpapanggap siyang girlfriend ko, pakiramdam ko totoong girlfriend ko siya! Kaya naman sobra ako kung ipagtanggol siya! Mapababae man sila o lalake... I did not care!

Kissed By Accident?Where stories live. Discover now