Jilian's POV
Sabado ngayon kaya automatic walang pasok. At alam niyo ba guys, next week christmas niya kaya naman bakasyon na namin starting nexr week. Maayos naman kung ganoon. Dahil nakakabagot ang pag-aaral. Nakakabagot sa school. Its just like a hell.
Magkikita kami ngayon ni Jeiko sa park. Syempre, mag-eenjoy kami together. Kung noon as bestfriend lang, ngayon as boyfriend na.
Jeiko didn't change. Walang nagbago sa kanya simula ng bestfriend ko siya hanggang sa naging boyfriend ko siya. Siya yung tipo ng lalake na wala ka ng hahanapin pa. Dahil siya lang, sapat na!
Kung meron mang nagbago, yun ay ang pagmamahal niya. Dahil mas minahal niya ako. At sobrang mahal na mahal ko rin siya.
Konting oras na lang, mag-aalas kwatro na. Alas kwatro kasi ang usapan namin. Nakabihis na ako, naayusan ko na ang mukha ko, ang buhok ko... everything is okay now! Syempre naman noh, kailangan ko ring magmukhang maganda! I mean, maganda na ako pero gusto ko, yung mas maganda pa ako! Haha... confidently beautiful with a heart lang ang peg!
Habang sinusuklay suklay ko ang buhok ko sa harap ng salamin ko, bigla kong naalala si Hope! Nasaan na kaya siya? Miss na miss ko na siya! My first bestfriend... I miss her so much!
Sana, may araw na magkita ulit kami. Kasi, nung pumunta ako sa bahay nila, ang sabi ng katulong nila ay pumunta sila sa probinsya! Grabe.... halos mawasak ang puso ko noong malaman ko yun! Umalis siya ng hindi nagpapaalam... ang sakit!
Tinawagan ko siya, pero cannot be reached! Ang dami ko na ring nai-messaged sa kanya... kainis!
Nang tumingin ako sa relo ko, alas kwatro na pala. Hay. Kailangan ko ng umalis dito sa bahay. Kailangan ko ng pumunta sa park.
Agad akong lumabas ng bahay namin at tumakbo papunta sa park. Habang tumatakbo ako, biglang may humila ng kamay ko sa likod ko at napaharap ako sa kanya. Hindi ko pa man din nakikita ang mukha niya dahil agad niya akong niyakap, sa amoy niya alam konh siya na naman!
Sino pa nga ba sa tingim niyo... eh di si Brent!
By the way, after nung nangyari sa school noon, hindi na siya nagparamdam pa sa akin... and I am so glad. Pero heto na naman siya ngayon... kukulitin na naman niya ako! Kainis!
Itinulak ko siya pero malakas siya at mahigpit ang pagkakayakap niya sa akin, kaya naman nanatili akong yakap niya!
"Ano ba Brent? Will you please let me go!" Pinipilit kong tanggalin ang pagkakayakap niya sa akin pero sadyang malakas siya!
"Please... kahit konting oras lang na yakapin kita! Please, I'm begging you!" With his pleading voice.
Hindi na muna ako nagpumiglas dahil ramdam ko ang lungkot na nararamdaman niya ngayon! Hindi naman siguro masama kung yakapin niya ako di ba? Kasi... medyo nakakaramdam rin ako ng konting awa sa gagong to!
Nang maramdaman kung medyo matagal na siyang nakayakap sa akin...
"Brent tama na!" Naluluhang sabi ko! Hindi ko alam kung bakit ako naluluha!
Kahit di ko rin makita ang mukha niya, alam kong umiiyak siya! Ano namang pakialam ko?!
Tinanggal na niya ang mga nakapulupot na braso niya sa akin. Nakita kong pinunasan niya ang mga umaagos na luha niya.
"Jilian... mahal kita! Mahal na mahal kita!" Umiiyak na sabo niya.
"Brent, heto na naman ba tayo!" Napakamot ako sa ulo ko dahil sa inis ko!
YOU ARE READING
Kissed By Accident?
Teen FictionAccidents are the reason why many people find their destiny.....