Naglalakad pa rin ako ngayon papunta sa park. Medyo nababagalan ako sa paglalakad dahil sa iniisip ko kanina pa.
Ghad! Akala ko sasabog na ako kanina! At akala ko kung totoo na liligawan niya ako! Napakaseryoso kasi ng mukha at boses niya... at may paayos ayos pa siya ng buhok ah, at pakindat kindat pang nalalaman!
Duh! Ang kapal niya rin kasi kung sasagutin ko siya. Maski joke o hindi. Joke or no joke, I don't love him! Kung pwede lang sanang sampalin ko siya eh, ginawa ko na... he's so damn annoying! I want to kill him... gusto ko siyang kuryentihin, o di naman kaya'y ipakain sa pating, o mas malala pa.... ihulog siya sa nagbabagang bulkan! Kainis siya! Buti nga napigilan ko ang sarili ko kanina na sampalin siya dahil kung hindi, hahalikan niya ako as my punishment. Remember, no physical contact!
Habang naglalakad ako, biglang dumating sa gilid ko si Jeiko. Di ako masyadong nagulat, pero nagulat pa rin.
"Punta ka sa park?" Tanong niya sabay nakatingin sa akin. Bakas pa rin sa mga mata niya ang pag-iyak niya.
"Saan pa ba?" Pabalik naman na tanong ko. Medyo naiilang pa rin ako kasi nasanay na akong sigawan siya. Kamuhian. Pero alam ko, I'll get use to it.
"Sama ako 'ha!" Pagpapaalam niya.
"Sumasama ka nga eh, haler! At saka kahit naman sinabi kong hindi ka sumama, sasama ka pa rin!" Natawang sabi ko. Yeah, nung mga panahong inis pa rin ako sa kanya.
"Alam mo Jilian, namimiss ko ang pagtataray at pagsusungiy mo sa akin." Him.
Ako rin eh. Namimiss ko rin. Yung mga panahong ipinagtatabuyan kita.
"Bakit? Gusto mo sungitan kita?" Tanong ko!
"Try." Sabi niya. "Alam ko namang you are pretending to be nice to me." With his sad voice.
Hindi ako nagreklamo kasi yun naman talaga ang totoo. Pretending is not easy.
"Sus! Hayaan mo, masasanay din ako!" Sabi ko. "First time ko kasing magkaroon ng kaibigan na lalake eh!" I added!
At wala nang naimik pa.
Nasa park na kami at nakita ko si Hope na nakaupo na sa paborito naming upuan. Agad kaming pumunta. Nagyakapan muna kami.
"Teka..." sabay tanggal ang pagkakayakap sa akin. "Ayos na kayo ni Jeiks?" Nagtatakang tanong ko.
Tumango ako.
"Wow! It is so glad naman!" Sabay punta sa gitna namin ni Hope at hinawakan ang mga kamay naming dalawa ni Jeiko... at hinila! Saan kami dadalhin ng bruhang ito?
Dinala kami sa isang kainan! Yung ihawan ng barbecue, isaw at tindahan ng fishball, kikiam, kwek kwek at marami pa.
"O. Bakit mo kami dinala dito?" Nagtatakang tanong ko. Binitawan niya ang mga kamay namim.
"Syempre. Ano pa ba? E di bumili ng kakainin." Sagot niya. Pilosopo.
"Bakit tayo kakain?" Tanong ni Jeiko.
"Kasi, gusto ko!" Sagot naman agad ni Hope.
"Eh paano kung ayaw namin?" Ako naman ang nagtanong.
"Jusko naman. Sige na. Pagbigyan niyo na ako. Kumain n tayo!" Hope insists.
Nagtinginan kami ni Jeiko.
"Sige na nga!" Sabi ko. "Baka kasi umiyak ka na naman diyan!"
"Talaga?" Napakasayang tanong niya. XD, gosh! At niyakap ako.
YOU ARE READING
Kissed By Accident?
Ficção AdolescenteAccidents are the reason why many people find their destiny.....