Heto na naman ako.... nagbibihis! Paano kasi, pupunta na naman ako sa bahay nila maniac. Di kasi namin natapos ang project namin. Hindi pa kami tapos sa pag-eencode. Ano ba yan? Kahit ayokong pumunta, kailangan ko pa rin! Hay. Kainis!
Naghihintay na naman si maniac sa labas. Heto ako, binibilisan ang pagbibihis kasi, ayokong mainis na naman siya sa akin at kung baka ano na naman ang gawin niya.
Nang nakabihis na ako, agad na akong lumabas ng bahay at ng gate... at nakita ko na naman ang nakakunot na noo niya!
"As I am always expecting." He said.
Expecting what? Na mabagal akong magbihis? Eh eto na nga ako oh... binilisan ko na nga ang pagbibihis! Di niya man lang ma-appreciate!
"Binilisan ko na nga eh." Masungit kong sabi. Nakakainis kasi eh.
"Mabilis ka na sa lagay na yan?" Nakakunot pa rin ang noo niya at nakaupo pa rin siya sa motor niya!
"Palibhasa kasi, di mo alam mag-appreciate!" Naiinis na sabi ko!
At kinuha ko na ang helmet na palagi kong ginagamit at isinuot.
Naisuot ko na... pero hindi pa rin siya nag-aayos! Tinitignan niya lang ako habang nakaupo sa motor niya!
"Ano?! Di pa ba tayo aalis? Di ba nagmamadali ka?!" With my nagtatampo na voice. Di kasi marunong mag-appreciate.. kaya nakakatampo!
"Galit ka ba?" Tanong niya sa akin.
Tampo lang ito. Hindi ako galit.
"Ano ba?! Umalis na tayo please! Baka magising pa ang mga ate ko!" Halata pa rin sa boses ko ang tampo.
"Hindi tayo aalis hanggang galit ka pa rin sa akin..." he said.
Wala na akong nagawa.
"O sige na. Hindi na ako galit sayo." I said.
"Talaga?" Masayang tanong niya.
"Oo!" I answered. Tumayo na siya agad at isinuot ang helmet niya...
Nakayakap na ako sa waist niya at pinatakbo na niya. Hindi na masyadong mabilis ang pagpapatakbo niya. Ayyy... subukan niya lang talaga!
Nasa tapat na kami ng gate nila ngayon. Pagkabukas niya ng gate nila ay pumasok na ako.
At yun... eto na naman! I saw her again! This damn bitch maid... Jenie! Syempre, masama na naman ang tingin niya sa akin. I just rolled my eyes on her at ipinagpatuloy lang ang paglalakad!
Nasa salas na nila kami. Agad ko ng kinuha ang laptop ni maniac at ini-on. Ang daming laptop nila maniac... kaya naman hindi na ako nag-abala pang dinala ang laptop ko!
Syempre, ipinagpatuloy ko na ang hindi namin natapos na gawain. Ano pa ba? Yun lang naman ang sinadya ko dito. Actually, ayoko na sanang pumunta pa dito pero maniac insisted eh, na pumunta ako dito sa bahay nila para tumulong sa pag-eencode. Anyway, pag-eencode lang ang gagawin ko sa group project na 'to. Bale si maniac na lang daw ang mag-aayos. Si Justin naman... yung lalakeng yun! Bwisit! Kahit kailan talaga, wala siyang kwenta! Fvckshit!
Tinignan ko si maniac, busy siya na nag-eencode. Wow huh! Tutok lang sa laptop niya... neh hindi man lang niya magawang sumulyap sa akin! Ano naman sa akin... Duh!
At ipinagpatuloy ko na naman ang pakikinig sa mga audio recording while encoding...
Wow! Tapos na rin ako sa pag-eencode... salamat naman! Tinignan ko ang relo ko, at alas onse medya na pala. Ghad! Di ko namamalayan! Nakatutok kasi ako sa laptop eh. Neh hindi na ako nag-abala pang tignan ang relo ko!
YOU ARE READING
Kissed By Accident?
Teen FictionAccidents are the reason why many people find their destiny.....