"Ikaaaaaaaaw!" Nanggagaliiting sabi ko!
"Ako nga! Bakit? Namiss mo ba ako?" Sabi niya! Napakagago niya talaga! Hayop siya!
Oo! Siya nga! Yung pesteng lalakeng nanghalik sa akin sa park noon!
Siya! Siya yung lalakeng nagligtas sa akin mula sa limang nagtangka sa akin kanina!
"Ako? Mamimiss ka? Bakit naman?!" Galit na sabi ko sa kanya! Medyo lumayo na rin ako sa kanya!
"Oh! Bakit ka lamalayo sa akin? Eh kanina, yinakap-yakap mo pa nga ako eh, hindi ba?" At lumapit siya sa akin!
"Oo! Yinakap kita, pero hindi ko naman alam na ikaw kanina eh kasi nakamask ka!" Galit na sabi ko pa rin! At lumayo ako ulit!
"Nakamask man o hindi, niyakap mo pa rin ako!" Sabay hila ng baywang ko at inilapit ako sa sarili niya, at ngumiti!
Parang nag-slow motion ang pangyayare! At nagkaroon ng kanta!
Inapakan ko ang paa niya ng malakas!
"ARAY!" Sigaw niya! "Bakit mo ako tinadyakan?!" Galit na tanong niya!
"Kasi, yan ang nararapat sa mga kagaya mo!" Nakangiting sabi ko at aalis na sana, kaso, hinarangan niya ako!
"Sa mga kagaya kong tumulong?" Seryosong tanong niya! Pati mukha niya, naging seryoso!
"Eh ano pa bang pag-uusapan natin?!" Galit na tanong ko!
"May pangako ka kasi sa akin na kailangan mong tuparin!" Sabi niya!
Pangako?
Ayyy! Oo nga! Three wishes!
"Yun ba? I think masyado ng gabi para pag-usapan natin yan unless, may iba kang pakay sa akin." With my soft voice!
"Promise is a promise! Kaya naman sundan mo ako at pag-usapan natin yun sa ibang lugar dahil baka magising pa 'tong mga ni-knock out ko!" He said!
Oo nga noh! Tinignan ko ang nasa baba ko at nakita ko si guy #2 na hindi pa rin nagigising! Siya yung malapit sa akin!
"Oo nga!" At sinimulan ko ng maglakad! Pero maya-maya, biglang hinila ni guy #2 ang isa kong paa!
Sumigaw ako at agad na lumapit si Mr. Maniac para iligtas ako!
Tinadyakan niya si guy #2 at balik na naman siya sa mahimbing niyang tulog!
Agad naman akong napayakap ulit kay Mr. Maniac!
"Salamat Mr. Maniac!" Kinakabahang sabi ko!
"Kanina, Mr. Superhero lang ako 'ha! Ngayon Mr. Maniac na!" Tawa niya!
At bigla akong natauhan at tinanggal ang mga kamay kong nakayakap kay Mr. Maniac!
"Oh! Okay lang kahit yakapin mo ako!" Pacute niya!
"Duh! Niyakap lang kita dahil sa takot noh!" I defended myself!
"Okay! Kung yan ang sabi mo!" Ngiti niya! "Pero kailangan na nating umalis kasi baka magising pa silang lahat! Mapapa-another trouble naman ako n'yan!" He said! At sinimulan na niyang maglakad! Ako naman, sinundan ko lang siya! Mahirap na kung takasan ko siya, kasi baka may mang-trip na naman sa akin!
Sinundan ko lang siya ng sinundan hanggang sa nakarating na kami sa park!
Wala na yung mag-couple na nandito kanina! Umuwi na siguro sila!
YOU ARE READING
Kissed By Accident?
Teen FictionAccidents are the reason why many people find their destiny.....