Chapter 20: Kidnapped

3 1 0
                                    

{A/N} Hello poh. Just continue reading my story.♡♡♡

*4:00 pm*

Naglalakad ako ngayon papunta sa park. Andoon na rin kasi si Hope. Hinihintay niya ako.

Nagmasid-masid ako. Para kasing may sumusunod sa akin eh. Nahihibang na ba ako? Wala naman kasi akong nakikita na taong sumusunod sa akin eh.

Ipinagpatuloy ko lang ang paglalakad... habang nag-iisip! Iniisip kung ano bang ganap sa maniac na yun? Bakit siya umiiyak kanina while looking a picture on his phone? Picture ng isang babae. Di kaya ex girlfriend niya yun na hanggang ngayon ay mahal pa niya kaya ganoon na lang siya makaiyak? Grabe!

Kamusta na kaya siya ngayon? Nakikipaglaban na ba siya kina Justin? Parang hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala na nangyayari sa akin ito... at ayokong isipin na totoo ang lahat ng ito.

Maya-maya, biglang may tumunog na lata. Parang... naapakan iyon ng taong sumusunod sa akin.

Tumingin ako sa likod ko... parang gumagalaw ang isang halaman doon 'ha! Parang may nagtatago...

Lumapit ako sa kung saan ramdam ko na may tao at...

NAGULAT AKO!

Paano kasi ginulat ako ng pesteng lalake na ngayon ay natatawa na dahil sa gulat ko. Napasigaw ako kaya yun yata ang ikinakatawa niya.

Sinamaan ko siya ng tingin na hanggang ngayon ay tumatawa pa rin hanggang sa natigil siya dahil sa masamang tingin ko.

"I'm sorry!" He said. At napayuko siya.

"Damn you!" Galit na sabi ko...

At iniwan ko na siya at sinimulang maglakad... ramdam ko na sinusundan niya ako. Ano namang pake ko?!

"Galit ka ba dahil ginulat kita?" Maamong boses na tanong niya.

Duh! Kahit naman hindi niya ako ginulat, galit pa rin ako sa kanya.

"Bakit mo ba ako sinusundan?!" Naiinis na tanong ko!

What's the point kasi na sundan niya ako? Ginulat niya lang ako at pinatay sa nerbyos eh! He's so damn shit!

"Gusto ko lang..." sagot niya!

Wow, hanep! Sinusundan niya ako kasi gusto niya lang. Is that enough reason?

"Eh bakit mo ako ginulat?! Galit pa rin na tanong ko...

"I'm sorry..." malungkot na sabi niya. Patuloy pa rin kaming naglalakad na nag-uusap!

"Sorry?! Eh kung nawalan ako ng malay dahil sa gulat, may magagawa ka ba?!" Galit pa rin na tanong ko.

"Eh di bubuhatin kita papuntang hospital..." he answered quickly!

Napatawa ako nang hindi inaasahan at hindi nahahalata.

"As if naman kaya mo akong buhatin!" Natatawang sabi ko.

"Teka lang..." sabay punta sa harap ko. "Tumatawa ka ba?" Masayang tanong niya...

Agad na tinanggal ko ang mga ngiti sa labi ko...

"Tumatawa ba ako?" Sabay hawak ng labi ko.. tumikhim ako! "At saka bakit naman ako tatawa?!" Biglang uminis ang tono ko.

At naglakad na ako at iniwan siya... sumunod pa rin siya...

"Tumawa ka eh..." nanunuksong sabi niya..

Eh ano naman kasi kung tumawa ako? What's wrong?

Kissed By Accident?Where stories live. Discover now