Its been a week...
Its been a week na nakaratay sa hospital bed ang boyfriend ko!
Its been a week na hindi ako pumasok sa school... bakit? Ano bang pakialam ko sa pesteng pag-aaral na yan! Mas iniintindi ko muna ang boyfriend ko kaysa dyan! At wala akong pakialam kung todo tawag na ang mga parents ko! Magsawa sila sa kakatawag!
Its been a week na umiiyak ako... its been a week na nasasaktan ako... its been a week na sinisisi ko ang sarili ko! Dahil sa katangahan ko, ang tanga ko kasi!
Papunta ako ngayon sa hospital. Kagagaling ko lang kasi sa bahay. Naligo lang ako at kumuha ng damit ko.
Inihahatid ngayon ako ni Mang Dencio papuntang hospital. Nasa back seat ako ngayon, at pinupunasan ang mga nagsisilaglagang mga luha ko! Pati sipon, nakikisabay pa!
"Ma'am... tahan na po! Wag na po kayong umiyak!" Sabi sa akin ni Mang Dencio.
"Mang Dencio... kahit anong gawin ko, hindi ko maiwasang maiyak! Hindi ko lang kasi kayang isipin at tignan ang boyfriend kong walang malay! Sobrang sakit manong!" I said!
Kahit nanghihina na ako, hindi dapat ako sumuko! Alam ko, gigising at gigising si Jeiko! I know, he can't leave me...
"Wag po kayong bahala, magiging maayos din ang lahat! Tiwala lang!" He said.
Sana... maging maayos talaga ang lahat! Dahil hindi ko kakayanin kapag may nangyaring masama sa taong mahal ko!
Hindi na ako umimik pa! Ipinikit ko lang ang mga mata ko... at nagdasal!
Nagdasal na sana, wag Niyang pababayaan si Jeiko! Nagdasal na sana, marami pa kaming araw na pagsasamahan! Nagdasal na sana, pagbalik ko sa hospital ay gising na siya!
At kasabay ng pagpikit ko, ay biglang nagsilabasan ang mga memorya ko with Jeiko!
Noong mga araw na ipinagtatabuyan niya ako. Noong mga araw na pagpasok ko palang sa school ay bigla na siyang sasalubong sayo. Yung mga ngiti niya na parang wala siyang problema. Yung mga paghingi niya ng tawad sa akin sa tuwing nagalit niya ako, o di naman kaya ay nakagawa siya ng mali.
Damn, pinagsisisihan ko ang lahat ng yun... yung mga pagtutulak ko sa kanya! Bakit ko ba kasi ginawa yun? Bakit ko ba kasi siya ipinagtulakan? Kahit kailan talaga, ang tanga ko!
Naalala ko rin yung mga araw na nakita ko siyang umiyak! Yung araw na nalaman ko na nabugbog siya dahil sa akin! Shit... halos magulat ako nung malaman ko yun! Kaya naman, sinabi ko ang lahat na ayaw ko talaga sa kanya... na kaya lang ako pumayag na maging friend niya dahil tinatamad ako noon na maglinis ng library! Tapoa yun... nagsimula na siyang magdrama!
Yung sinabi niya na gusto niya lang maging friend ko... at tinanong pa niya kung anong mali sa kanya at ganoon na lang ang inis ko sa kanya!
Pahiyang pahiya ako noon. Kasi, wala naman talagang rason para mainis sa kanya! Kaya naman agad akong nakaramdam ng pagsisisi, and made me want to apologise to him! Nakakatawa kasi ning una, nagpabebe muna siya pero agad ko ring nakuha ang forgiveness niya!
At nung araw pa na magconfess siya sa akin. As in nagulat talaga ako. Akalain mo ba naman kasi, its my first time na may someone na magconfess sa akin!
Syempre, dahil ayaw ko namang paasahin siya, sinabi ko na wala talaga siyang pag-asa. Kasi on that time, in love pa ako sa isang gago!
At hindi ko inakala na mahuhulog ang loob ko sa kanya... na magiging boyfriend ko siya, at siya ang magliligtas sa akin sa kamatayan!
YOU ARE READING
Kissed By Accident?
Подростковая литератураAccidents are the reason why many people find their destiny.....