Chapter 32: Project

4 1 0
                                    

Ghad! I am now ready... and he is now ready! Actually, kanina pa niya ako hinihintay sa labas ng gate namin, and I don't mind kung matagal na siyang naghihintay! Duh! Kung seryoso siya... maghihintay siya. Charot! Para namang nanliligaw si maniac... haha!

Natutulog pa rin ngayon ang mga bruha kong ate, kaya kahit bagalan ko pa ang pag-aayos, hindi nila makikita si maniac. Napuyat yata ang mga gaga... hindi ko alam kasi, pag-uwi ko dito sa bahay kagabi ay wala pa sila. Sana, araw-araw silang wala sa bahay. I wish...

Habang inaayos ko ang buhok ko at nakaharap sa salamin, biglang nagring ang cellphone ko. And there he is... I saw maniac on the screen!

Hindi na siguro siya nakahintay. Mahigit isang oras na rin kasi akong nagbibihis, at mahigit isang oras na din siyang naghihintay. At okay na naman din ako... pero hindi pa rin ako lumalabas.

I answered his call...

Jilian, what the fvck are you doing at hanggang ngayon, hindi ka pa rin lumalabas ng bahay niyo?!

Sobrang inis na inis siya huh. Sabagay, sino ba namang hindi maiinis di ba?

Pababa na ako. Chill ka lang.

At binabaan ko na siya. Agad agad na rin akong lumabas ng bahay. At paglabas ko ng gate, isang nakakunot na noo at umuusok na tenga ang nakita ko. Ghad!

"What the... damn Jilian! Bakit ang tagal mo? Hindi mo ba alam na kanina pa ako naghihintay?!" Galit na sabi sa akin ni maniac. Ghad! Ganito pala siya magalit... parang dinosaur pero ang gwapo pa rin!

"I am sorry..." napayuko ako. Ghad! Ano 'to? Jeiko?

Iniabot niya sa akin ang isang helmet at isinuot ko naman. Nagsuot na rin siya ng helmet.

Nakayakap na ngayon ang mga kamay ko sa waist niya. Ghad! I love his waist!

Mabilis niyang pinatakbo ang motor niya. Halata rin sa pagmamaneho niya na galit siya. I am sorry maniac.

Dahil nga napakabilis, jusko! Parang maaatake ako sa puso... kaya naman mas humigpit ang pagkakayakap ko sa waist niya!

"Can you please drive slow..." nakapikit na pagmamakaawa ko. Pero imbes na bagalan, mas binilisan pa niya! Jusko... parang di ko na yata kaya!

"Please... I'm begging you!" Nagmamakaawang sabi ko! Di ko namalayan, naiyak na pala ang mga nakapikit na mata ko. Alam ko OA ako sa paningin niyo pero nininerbyos talaga ako...

Naramdaman ko ang pagbagal ng motor at ang pagtigil nito... agad niyang tinanggal ang mahigpit na mga kamay kong nakayakap sa kanya at bumaba. Bumaba rin ako at pinakalma ang sarili ko.

Grabe! Grabe ang pag-iyak ko!

Hinawakan niya ang mga balikat ko... at iniharap ang mukha niya sa mukha ko!

"Are you okay?" Kinakabahang tanong niya sa akin.

Ako naman, hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak!

Suddenly, naramdaman ko ang mga braso niyang nakapalibot sa akin... sabay hagod sa likod ko!

"I'm sorry! I'm really sorry!" Paulit-ulit niyang sabi. Napakalma naman ako dahil being embraced by him is so comfortable!

"I'm sorry! Sorry Jilian!" Sabi niya.

Tinaggal niya ang mga braso niyang nakayakap sa akin at iniharap niya ang mukha niya sa mukha ko.

Kissed By Accident?Where stories live. Discover now