Chapter 48.2: Visit

2 0 0
                                    

Brent's POV

Pagpasok na pagpasok ko palang ay nakita ko na si Jeiko sa hospital bed.

Nakakaawa ang itsura niya...

Lumapit ako sa kanya, at umupo sa tabi niya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Wala naman kasi kaming magandang pinagsamahan. Puro lang kami nagkakainisan.

Inaamin ko naman... hindi ko siya gusto noon. Nakakainis kasi siya. Wala kaming pagkakaunawaan sa isa't isa!

Pero sa nakikita ko sa kanya ngayon, unti-unting nawawala ang inis ko sa kanya.

"Bro, wala namang ganyanan! Hindi ka naman mawawala di ba? Kasi... hindi mo naman kailangang mawala eh! Kung merong kailangang mawala, ako yun! Kasi... gago ako eh! Manloloko!"

Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko habang sinasabi ko ang mga salitang yun. If I really meant it or not! Mas nangingibabaw pa rin kasi ang pagmamahal ko kay Jilian eh... sa totoo lang!

"Bro... mahal na mahal ka ni Jilian! Kung merong isang taong sobrang masasaktan sa pagkawala mo, si Jilian yun! Syempre, masasaktan din ako kahit papaano..." at sinabayan ko pa ng sarkastikong tawa. Sarkastiko kasi, ang totoo... sobrang masasaktan talaga ako kapag nawala siya! Pero alam kong mas masasaktan si Jilian! At ayokong mangyari yun...

Naramdaman kong nag-init ang mga mata ko at parang may tutulo na likido pero agad kong pinunasan!

"Ano ba? Bakit ba ako umiiyak? Hindi naman dapat ako umiiyak eh... dahil naniniwala akong gagaling ka pa! Gigising ka pa! Kaya wag dapat akong umiyak... dahil sasayangin ko lang ang mga luha ko!"

Pero kahit anong gawin kong pagpunas at pagpigil sa mga luha ko... meron talagang lumalabas, at sobrang rami pa!

"Pero bakit ganito?! Bakit umiiyak pa rin ako?! Bakit parang masakit sa akin na nakikita kang nakahiga dito sa hospital bed? Supposedly kasi, I should not be crying! Pero bakit?! Bakit ako umiiyak?"

Di ko na napigilan pa ang sarili na ilabas ang nararamdaman ko!

"Jeiko... hindi ka dapat sumuko! Lumaban ka, because you deserve to live! You deserve to be with your love... and you deserve more than what you deserve!" I cried!

"Jeiko... marami pa kayong gagawin ni Jilian! Marami pa kayong pagsasamahan! Magpapakasal pa kayo, magkakapamilya pa kayo, mapapasaya mo pa siya! Kaya please... fight!" I added!

"Jeiko, susuntukin mo pa ako! At gusto ko, yung mas malakas na... kasi ang hina mo eh! Alam mo, kung pinatulan lang kita noon, siguro hospital din ang bagsak mo! Pero syempre mabait ako, hindi kita pinatulan!" Napatawa pa ako ng sarkastiko!

"Basta ito ang tatandaan mo Jeiko... lumaban ka huh? Lumaban ka!" I said!

Pinunasan ko pa ang mga luha ko... at tinignan siya!

Aalis na sana ako kaso... nakita kong biglang nagshake si Jeiko!

There's something wrong!

------------------------------------------------

Jilian's POV

Naghihintay ngayon ako dito sa labas ng kwarto ni Jeiko. Ang tagal naman ng Brent na yun... nakakainis!

Miss ko na si Jeiko, and I badly want to see him right now.

Habang nakaupo ako, may mga nagsidatingang mga nurses at isang doktor papunta sa kwarto.

Nagtaka ako at kinabahan kaya naman tumayo ako at hinarang ang doktor...

"Doc, what's wrong?" Kinakabahang tanong ko. My voice was shaking.

"Maam, I'm sorry pero mamaya ko na sasagutin ang tanong mo!" Nagmamadali niyang sabi at agad na pumasok sa loob.

Ghad!

Kinakabahan ako!

What's wrong?!

Papasok sana ako nang bigla nila akong hinarangan at sinabing wag muna daw akong papasok.

Nakita ko rin si Brent na palabas ng room na may malungkot na mukha!

Agad kong hinawakan ang magkabila niyang balikat at diretsa ko siyang tinanong nang malapit na siya.

"Brent, what's wrong?!" Maluha luha kong sabi.

"I don't know!" Sagot niya!

"Anong hindi mo alam?! Eh kagagaling mo lang sa loob di ba?" Tanong ko.

Hindi ko alam pero kinakabahan ako... ang mga luha ko naman, unti unting umagos sa mga pisngi ko! Pero hinayaan ko lang!

"Jilian... ito ang tatandaan mo! Ito yung time na dapat kang maging matatag! Wag kang susuko... everything will be alright!" He said... at ang mga luha niya, nagsipatakan na rin!

Ayoko ang mga salitang lumalabas sa bibig niya!

Dahil sa mga narinig ko, mas lalong tumulo ang mga luha ko... at mas lalo akong kinabahan!

God... wag niyo po sanang pababayaan si Jeiko!

...to be continued...

{A/N} Ano na kayang mangyayari guys? Abangan!

Kissed By Accident?Where stories live. Discover now