*Thursday Morning*
Nas loob pa lang ngayon ako ng kotse!
Hindi ko pa gustong lumabas... baka kasi makita ko si Jeiko! Hindi pa ako handa na makita ko siya! Ayoko pa siyang harapin! Maiinis lang ako sa sarili ko! Dahil sa kagagahang ginawa ko!
"Ma'am..." Bumalik ako sa realidad sa pagtawag ng pangalan ko ni Mang Dencio! "Ayos lang po ba kayo? Umiiyak po kayo eh!" Sambit pa nito!
Pinunasan ko ang mga luha kong kanina pa pala umaagos. Hindi ko namamalayan na umiiyak na pala ako.
"Masakit lang ang mata ko..." Palusot ko kay Mang Dencio! Alam kong hindi siya naniwala sa palusot ko!
"Hindi naman po yata eh." Di makapaniwalang sabi niya. "Umiiyak po kayo."
Oo, Mang Dencio. Umiiyak ako dahil rin sa sarili kong kagagahan. Nagpanggap ako sa isang taong sincere maging friend ko. I am so stupid. Super Duper Stupid!
"Sus! Ikaw talaga Mang Dencio 'ha! Bakit naman po ako iiyak? Talagang masakit lang po ang mata ko!" Mahinahon na sabi ko sabay punas ng mga luha ko. Pinipilit kong kontrolin ang pag-iyak ko at salamat naman nakontrol ko. Wala ng masyadong lumabas. Salamat naman...
"Malay po natin..." Sagot niya na parang may ipinapahiwatig!
At binuksan ko ang pintuan ng kotse at lumabas!
Sinimulan ko ng maglakad at inasahang mayroong lalapit sa akin para mangulit, mang-asar, mang-inis at mambwisit! Tumingin-tingin ako sa paligid at nagbakasakaling nasa paligid lang siya, pero wala akong natanaw na Jeiko.
Nasaan na kaya siya? Labis pa rin ba siyang nagdaramdam? Inaamin ko, miss ko na siya na kulitin ako!
Nagulat na lang ako nang biglang may kamay na napunta sa balikat ko! Napasigaw ako at naitulak ko pa siya na siyang dahilan ng pagkaupo niya sa sahig. Ghad! Nakakainis naman tong lalakeng ito!
"Ano ba?! Papatayin mo ba ako sa gulat?!" Sigaw ko sa kanya. Tumayo siya.
"Sorry!" Sabi niya na parang hindi sincere sa pagsorry niya! Bigla ko tuloy naalala si Jeiko, kung magsorry siya, mahahalata mo na lang na sincere siya dahil mapapayuko pa siya! Ibang iba sa lalakeng kaharap ko ngayon!
"Sorry?" Pataas na tanong ko! "Ganyan ka humingi ng sorry?!" Inis na tanong ko! Ghad... kung magsosorry siya, dapat magbobow pa siya ng ulo at halata sa boses niya, gaya ni Jeiko! "Hindi ka naman ganyan humingi ng sorry kahapon 'ha!" Dagdag kong sabi!
Yung paghingi niya ng tawad kahapon, mahahalata mong sincere siya! Damn!
"Okay!" And he kneeled at me na siyang ikinagulat ko! "I am sorry!" At iniyuko niya ng kaunti ang ulo niya! Tumingin ako sa paligid at nagbubulungan ang mga tao. Ghad! Ang aga aga 'ha! I am sure na mabilis na namang kakalat ito.
Si Justin kasi, kilala siya dito as a bully. Kaya madalas siyang kinatatakutan. And I am sure na gagawin na naman nilang issue ang pagluhod niya sa akin. Ghad! Dirty Minded!
"Hindi pa ba siya kuntento sa boyfriend niyang gwapo?"
"Ang landi naman ng babaeng ito! Kung hindi si Brent, si Jeiko! Kung hindi si Jeiko, si Justin naman!"
"Total bitch..."
Kitams! Ang rurumi talaga ng isip ng mga peste! Ano bang problema nila? Hindi naman porket lumuhod ang isang lalake sa akin, hindi ibig sabihin no'n may something na! Duh! Ganoon na ba talaga kalandi ang tingin nila sa akin? At isa pa, hindi ko naman sinabing lumuhod siya 'ha!
YOU ARE READING
Kissed By Accident?
Fiksi RemajaAccidents are the reason why many people find their destiny.....