Chapter 11: Saying "Yes" But.....

7 1 0
                                    

*Break Time*

Andito ako ngayon sa under tree! Katatapos lang ng english at filipino subject namin! Kung gaano kadali ang filipino, saka namang kayhirap ng english! Yung Cristobal na yun! Pina-surprised quiz pa naman kami! Natural, di ako nakapag-review, I got one! Buti nga may naalala ako kanina eh! Bruha talaga yung gurong yun!

Pero ang nakakapagtaka, si Jeiko! Di ko siya nakita kanina until now! Ano kayang ganap sa lalakeng yun at hindi siya nagpaparamdam! Gutom pa naman ako! Wala akong pera pambili ng pagkain, nakakainis!

Ano bang iniisip ko?! Na namimiss ko siya?! Sus! Hindi noh! Pera lang niya ang namimiss ko, wala ng iba!

Pero ang saya pa ring naiisip noh! Yung iniligtas niya ako kahapon! Yung sasampalin na sana ako ni Lindsay pero hindi natuloy kasi, napigilan ni Jeiko!

Napapangiti ako sa mga naiisip ko!

Pero bumalik ako sa sarili ko!

Sinampal ko ang mukha ko at tinanggal ang mga ngiti sa labi ko!

Seryoso ba ito? I'm smiling because of that bastard! Hindi naman siguro! Thankful lang ako kasi he saved me yesterday from the bitches! Yun lang!

*4:00 p.m.*

Salamat naman at uwian na! Sabado na bukas! Walang pasok! Ang saya ko talaga!

Paglabas ko ng gate, may mga taong nagkukumpulan sa labas! Ano naman kayang meron at ang daming tao doon sa isang bandang yun?! And most of them are girls! Nagtitilian! I'm sure and for sure, lalake yun! Pwes wala akong pake sa mga lalakeng yan!

"Ang gwapo niya!"

"I wish ganyan ka-hot ang magiging boyfriend ko!"

"He's so handsome! How could I wish maging akin siya!

"OMG! My soulmate!"

At nagkaroon pa ng mas malakas na tilian!

Sino ba yang pesteng yan, at kung makatili itong mga girls na 'to, parang kung sinong guwapo!

Hindi ko na lang sana sila papansinin kaso maingay sila eh! Nakakabasag ng curiousity! Kaya naman, pumunta ako doon at nakisilip kung sino nga ba yung tinitilian ng mga girls na boy?

Nakisingit ako! Pero infairness ang hirap sumingit! Ang dami rin kasing tao! Paano naman kasi, halos lahat ng babae sa campus nandito! Including yung mga malalanding beki!

Kaya sagutin niyo nga ako! Paano ako makakasingit?! Paano?!

Pero sabi nga nila di ba? Kapag may gusto, may paraan!

Actually, hindi ko naman talaga gusto 'tong ginagawa ko eh! Napipilitan lang ako kasi curious lang! Alam niyo naman pag curious di ba? Gagawin ang lahat para mawala ang curiousity!

Nakisingit lang ako nang nakisingit! Hindi ko ba alam! Tila may humihila sa mga paa ko papunta sa harap!

Syempre, di ko naman maiwasang maitulak-tulak at maipit!

Aray ko naman!

Tuluy-tuloy lang ako sa pakikisingit!
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Hanggang sa naitulak ako sa harap!

OMG!

Natumba na sana ako kung walang sumalo sa akin!

Hindi ko alam kung sino itong sumalo sa akin pero I think, siya yung tinitilian nila!

Kissed By Accident?Where stories live. Discover now