Chapter 27.2: Ferris Wheel

4 1 0
                                    

Hope's POV

Shems! They are here now... palapit na sila ngayon! Si Jil na nagwewave back sa akin at si Jeiko na sobrang nakakatawa ang aura! Kagat niya ang index finger niya, at halatang di mapakali.

Nakalapit na sila ngayon... agad kong niyakap si Jil na sobrang higpit ang yakap sa akin! Nasa likod ni Jil si Jeiko at kitang kita ko ang sama ng tingin niya sa akin.... nginitian ko lang siya, and bit my lower lips! Gosh... I can't believe I am being seductive girl just because of this man! Kaloka kasi siya...

Nang tapos na ang pagyayakapan namin, agad rin akong lumapit kay Jeiko at niyakap!

"Hello, my friend!" Natatawang sambit ko. Nakita ko ang reaksyon niya kanina, he was damn shocked! Rinig ko rin ang pintig ng puso niyang sobrang bilis! I think, he's falling in love right now at me! But sorry boy, you're not my type!

Pagkatapos nang pagyayakap namin, hinarap ko silang dalawa at nakita ang namumulang mukha ni Jeiko... gosh! He's so cute!

"Okay guys, what are we going to do now?" I asked!

"What if pumunta tayo sa peryahan! Malapit lang naman dito di ba?" Suggestion ni Jilian!

"Mukhang gusto ko yang sinasabi mo..." at nakipag-apiran ako kay Jilian!

"Ano Jeiks?" Sabay tingin ko sa kanya! "Are you joining us?" I asked him, sabay kagat labi!

Tumango na lang siya!

"Okay, let's go!" At hinawakan ko ang mga kamay nilang dalawa at hinila sila!

Ghad! I can't wait!

Maya-maya, napatigil ako kasi...

"Maniac?" Tanong ni Jil sa isang lalake na nasa harap na namin  ngayon!

M-maniac? Is this boy who is in front of us righy now is------ Mr. Maniac?

Nabitiwan ko ang kamay ni Jilian nang pumaharap siya sa maniac niya na yun---if ever at hinarap siya!

"A-anong ginag-gawa m-mmo dit-to? Nauutal na tanong ni Jilian sa lalakeng yun na halata sa boses ay nahihiya! Teka! Bakit ba siya nahihiya?

"I want to come!" That unknown said!

"C-come? No way!" Sabi ni Jil sa lalake! I think siya talaga si Mr. Maniac ni Jil!

"Sige na! Please!" That maniac insisted at nagblink pa ng pacute!

Nabitiwan ko ang kamay ni Jeiko nang pumunta siya sa harap at pumagitna sa nag-uusap!

"Hindi mo ba siya narinig? Ang sabi niya, wag kang sumama!" Galit na sabi ni Jeiko habang hawak ang kamay ni Jil!

Shems, ano 'to? Parang love triangle lang ang peg nilang tatlo! Habang nakikita ko ang magkahawak kamay na Jeiko at Jil ay parang may kumurot sa puso ko! Ano yun? Bakit parang may masakit? I don't get it!

Tinanggal ni maniac ang nakahawak na kamay ni Jeiko sa kamay ni Jil at ang kamay nito ang humawak. Nakita ko ring hinigit ni maniac si Jil palapit sa kanya!

Nagulat si Jeiko sa ginawa ng lalakeng maniac na yun? Aba, talagang may pagkabastos talaga siya 'ha! Maski ako, nagulat din!

"She's my girlfriend, remember?" Maniac.

"Girlfriend? E ayaw ka niyang sumama! Can't you just respect the decision of your GIRLFRIEND!" Medyo may diin sa huling salita na sabi ni Jeiko!

Shems! Ano 'to? I don't get what is happening! Ano nga ba?

Magsasalita pa sana si maniac nang bigla na akong sumingit! Di ko na kasi ma-take ang nangyayari eh!

Tumikhim ako! "Guys.... okay lang naman eh if this man is coming! Mas marami kasi, mas mabuti kaya para walang gulo, just let him come!" Nakangiting sabi ko!

Kita ko pa rin ang sama ng tingin ni Jeiko kay maniac, samantalang si maniac ay nakatingin kay Jil, at si Jil naman.... parang hindi makapaniwala ang reaksyon at nakatingin sa baba!

Damn!

"Okay! Let's go!" Lumapit na sa akin si Jil at inakbayan ako, kaya inakbayan ko na rin siya. Nauna na kaming maglakad, at sumunod naman ang mga warfreak na mga boys!

"O. Ano 'to?" Tanong ko habang naglalakad kami!

"Di ko nga rin alam kung anong nangyayari eh!" She answered!

"Siya ba ang maniac na tinutukoy mo?" I asked.

Tumango naman siya. Shems! Siya nga!

Nasa peryahan na kami! Ang daming tao...

Agad kong itinuro ang ferris wheel! Matagal na kasi akong hindi nakasakay ng ferris wheel eh!

Hinila ko si Jil papunta sa ferris wheel... wala naman siyang nagawa kundi sumunod. Tinanaw ko naman ang mga boys, and they are silent following us!

"Are we going to ride here?" Nakakunot noong tanong ni Maniac.

"Duh! Ano pa nga ba?" Masungit na tanong ko. "Wait lang guys 'ha! I'm going to buy tickets for us!"

At umalis na ako para pumunta sa bentahan ng tickets... at kumuha ng apat. Libre ko na sila! 25 pesos per ticket lang naman eh!

Bumalik ako at yun, ang awkward ng tatlo. Walang nagpapansinan! Shems... what's the mood here?

Nang makalapit na ako, agad kong hinila si Jil para pumunta na sa loob ng ferris wheel. Shems! I am so damn excited! Ibinigay ko ang apat na ticket sa isang mama at pinahintulutan na niya kaming pumasok! Sasakay na sana kami nang biglang buhatin ni maniac si Jil at pumasok na sa ferris wheel seat...

Kitang kita ko ang pagkagulat sa mukha ni Jil nang mailapag na siya sa upuan! Maski kami ni Jeiko, nagulat din!

"Ano bang ginagawa mo?" Inis na tanong ni Jil!

Pupunta sana si Jeiko pero bigla nang gumalaw... at tumigil para sumakay kami ni Jeiko! Wala kaming nagawa kundi ang sumakay!

Pagkasakay namin, ay nagsimula ng umikot ang ferris wheel dahil puno na kami.

Mabagal munang gumalaw... kitang kita ko sa mukha ni Jeiko ang inis! Bakit ba siya nagkakaganito?

Inayos ko ang buhok ko at kinagat ang labi ko pero wala pa rin sa kanya! Inis na inis siya, at yun ang dahilan kung bakit niya ako di pinapansin! Shems... mukhang di ko mapagti-tripan si Jeiks ngayon 'ha! What the... I want to see his funny reaction but he's not in good mood to be joke around!

Kissed By Accident?Where stories live. Discover now