Hapon na! Nandito na ako ngayon sa park at hinihintay si Hope. Ang sabi niya kasi sa akin, hintayin ko siya dito. Pumunta pa kasi siya sa ospital kung nasaan yung tinulungan niya noon. Malapit lang naman dito sa park. Inalok pa nga niya ako na sumama sa kanya pero, hindi ko gusto. I don't want the smell of hospital.
Pero... bigla kong naalala si Mr. Maniac. Gusto niya akong tulungan 'ha! Pwes, hindi ko kailangan ang pesteng tulong niya! At yang bruhang Mrs. Montenegro na yan, damn her. I want to curse her.
Maya-maya narinig ko na ang boses ni Hope...
"Hi BFF!" Masayang bungad niya sa akin!
Nginitian ko lang siya at umupo siya sa tabi ko.
"Ano, makakalabas na ba yung tinulungan mo?" I asked her. Wala lang. Curious lang aketch.
"Oo. Pero mamaya pa." He answered with sigh.
Hinagod ko ang likod niya, trying to comfort her. I know that he is still worried with that guy.
"Ano nga palang pangalan ng tinulungan mo?" I asked. Curious again.
"I don't know. Hindi ko pa naitatanong sa kanya eh!" With her deep sigh. "Eh ikaw, kamusta ka naman!" Tanong niya sa akin. "Kamusta kayo ng maniac na sinasabi mo? Hindi ka na ba niya ginugulo?" Siya naman ngayon ang nagtanong.
Alam na niya ang tungkol sa maniac na yun. Naikwento ko na sa kanya kahapon. Actually, habang naikekwento ko nga sa kanya, nanggigigil siya na nakikilig. Ano namang nakakakilig doon sa kwento naming dalawa? Duh! Isa lang siyang pest sa buhay ko.
I sighed! Damn! Ipinaalala niya na naman!
"Yun... nagtransfer siya sa school namin. Nakakainis nga kasi, habang nagpapakilala siya eh he introduced me as his girlfriend, that's why nagalit ako sa kanya at hanggang ngayon, di ko pa siya napapatawad!"
Napangnga siya sa ikwinento ko.
"WHAT?" Halos mabingi ako sa reaksyon niya. "Nagtransfer siya?"
Tumango ako.
"Oh my God! So..... ibig sabihin non, he's following you. Iniinis ka talaga ng lalakeng yun!" She said!
"At ang malala pa na mas ikinagagalit ko, bakit kailangan niya pang I-introduced ako as his girlfriend. Kapag nalaman yun ng mga bwisit kong mga magulang, lagot ako!" I sighed again.
"Kamusta naman ang mga babaeng gigil na gigil sayo?" She asked me again.
"Ahhh. Yung mga putang yun. Of course, sinalubong nila ako kaninang pagpasok ko sa gate. Tinanong nila ako kung ano ang relasyon ko kay Mr. Maniac, and of course sinabi ko na wala akong relasyon sa kanya. Hindi sila naniwala kaya tumakbo ako, dahil kung hindi ako tumakbo, patay ako!" Me.
"Pambihira talaga sila noh! Kaloka! Ang lalandi!" He said na naiinis.
She knows everything about me and I know everything about her. Nagkwentuhan kami kahapon. Wala na rin kasing iba sa amin because we are BFF now, Best Friends Forever.
Kung naiinis siya sa kanila, mas lalo naman ako.
"Sinabi mo pa!" Me.
"Ano ng gagawin mo ngayon?" Tanong niya.
"Di ko alam. Ang dami ko ng kaaway dahil sa kanya. At sinabi niya pa na girlfriend niya ako. Lagot talaga ako sa mga parents ko nito." Di mapakaling sabi ko!
"Sus! Masyado kang stress. Hagard ka na tuloy!" Tumayo siya at pumunta sa likod ko. "I'll massage you!"
At sinimulan na niya akong imasahe. Ang sarap sa pakiramdam shet, kaya napapikit na lang ako.
*bahay*
Nasa labas na ako ng gate ngayon. Parang kinakabahan ako 'ha! Bakit kaya?
Binuksan ng guard namin ang gate at pumasom naman ako. Nang nasa tapat na ako ng pinto ng bahay namin, binuksan na naman ng guard at pymasok ako.
Isang napakatahimik na bahay ang gumulantang sa akin. What the! Masama ang kutob ko nito, shit!
Kailangan ko ng pumunta sa kwarto ko... kailangang hindi ako makita ng mga ate ko... dahil masama ang kutob ko.
Hindi ko pa man nahahati ang hakbang ko sa hagdan, narinig ko ang boses ng mga ate ko.
"Jil, baba!" Sabi ni Raquel na halatang galit.
"Faster..." Sunod na sabi ni Mandy.
Bumaba naman ako. I have no choice.
Isang malakas na sampal ni Raquel ang ibinungad nila sa akin nang makalapit na ako sa kanila.
Hindi na rin ako nagulat pa. I'm used to it.
"Hindi mo ba alam na napagalitan kami dahil sayo!" Isang sampal ulit kay Mandy sa kabilang pisngi ko.
Hindi ko alam pero I think, namumula na ang mga pisngi ko. They are too harsh.
"Dahil sa kalandian mo, pinagalitan kami!" Sigaw ni Raquel. Kita niyo na, ang bilis ng balita. Always updated ang mga parents ko sa akin.
"Damn you!" Sabay sampal ulit sa akin ni Raquel. Ang sakit na, sobra! Di ko na kayang magtimpi pa!
Isang sampal pa sana ni Mandy pero isinangga ko ang kamay ko. At hinawakan ng mahigpit amg kamay niya. Di ko alam, pero lately, medyo hindi na ako makapagpigil pa. Sawang sawa na ako.
"Let go of her hand!" Sabay sampal ulit sana sa akin ni Raquel pero napigilan ko dahil nahawakan ko ang kamay niya!
Damn. I want to tear them into pieces!
At itinulak ko sila. Di ko alam pero parang malakas ang pagkakatulak ko sa kanila na nahandusay sila sa floor. Parang hindi sila makapaniwala sa ginawa ko.
"Kung ano man ang nabalitaan nila, they are wrong!" At aakyat na sana ako nang biglang hinila nila ang damit ko at pinagtulungan... hindi ko alam pero hinayaan ko na lang silang saktan ako. Sabunot, sampal at kurot lang naman ang ginawa nila sa akin.
At dahil doon, mas naging malalim pa ang galit ko sa maniac na yun dahil sa nangyayari sa akin ngayon. Dammit!
YOU ARE READING
Kissed By Accident?
Teen FictionAccidents are the reason why many people find their destiny.....