Masakit! Yan ang naramdaman ko for the past four days at hanggang ngayon!
Sabado na ngayon, at parang kahapon lang ang nangyari tungkol sa aming tatlo----------- si Trish, Brent at ako. Kung paano ako ipinagpalit ni Brent kay Trish. Salbahe siya. Ideneny niya pa huh na hinalikan niya ako, at hindi daw niya ako sinabihan ng 'I love you' eh ginawa niya naman yung mga yun! Tang*ina! Its still painful for me! At wala lang akong magawa kundi ang umiyak! Nagkukulong lang ako sa kwarto ko... at after ng nangyari noon, hindi na muna ako pumasok sa school! Ayoko! Hindi pa ako handang pumasok!
Tinatawagan ako ng magulang ko ngayon. Nagsumbong siguro ang school ko na hindi ako pumapasok... pwes, wala akong pake!
Ini-off ko na ang cellphone ko. Alam ko na kapag sinagot ko ang tawag nila, papagalitan lang nila ako. Mas lalo lang nilang pasasakitin ang nararamdaman ko. Instead of comforting me, they are just going to make it worse, and I hate it!
Ilang araw na din akong hindi lumalabas sa kwarto ko. Dinadalhan lang ako ni Mang Pina ng pagkain dito.
Apat na araw na ang lumipas, at marami na akong naubos na luha. Andito pa rin kasi sa puso ko ang sakit.
Minsan nga, dumalaw pa si Jeiko dito sa bahay. He comforted me! Buti pa si Jeiko, hindi ako iniiwan... eh yung taong akala ko na mahal ako... yung taong mas pinipili ko over sa kanya, iniwan lang ako! Sobrang sakit talaga ng nararamdaman ko!
Pero hindi pwede ang ganito. Kailangan kong makausap ng masinsinan si Brent. Tatanungin ko sa kanya kung bakit at paano niya ako niloko?
------------------------------------------------
Trish's POV
Busy ako ngayong nagluluto ng adobo na manok. Paborito kasi ito ni Brent. Natutulog pa ngayon si Brent. By the way, andito ako ngayon sa bahay nila. At hindi pa niya alam na nasa bahay nila ako.
Nga pala. Ang mga parents niya, they went on a business trip. At alam na rin nila na kami na ulit ni Brent, and thanks God, they accepted me. Akala ko kasi hindi eh, after ng pag-iwan ko sa anak nila!
Naluluto na ang adobong manok ko. Konti na lang at luto na. Paborito kasi talaga ito ni Brent, lalung-lalo na ang luto ko! Hays. Naalala ko pa tuloy ang mga masasayang alaala namin dahil sa adobong manok!
Isinalin ko na ang adobong manok mula sa kawali patungo sa plate. Siguradong matutuwa si Brent nito. At saka gusto kong bumawi sa kanya kaya naisipan kong ipagluto siya.
Ano kaya? Gising na kaya siya?
Habang naglalakad ako patungo sa kwarto ni Brent ay nakita ko ang isang katulong na sobrang sama ng tingin sa akin. Kung hindi ako nagkakamali, yeah! Jenie ang pangalan niya! Bakit ba ang sama ng tingin ng babaeng ito sa akin!
Tumigil ako at hinarap siya.
"Excuse me?" me, sabay bigay ng sama ng tingin sa katulong na ito!
"Bakit ka bumalik?" Tanong niya sa akin.
Anong ibig niyang sabihin, na kung bakit ako bumalik? Bakit, masama bang bumalik? Eh binalikan ko lang naman ang lalakeng mahal ko huh!
"Ano bang pake mo?! At saka bakit ang sama ng tingin mo sa akin?!" Inis na tanong ko.
"Pagkatapos mong iwan si master, babalik ka! Anong klase kang babae?!" Tanong niya na siyang nagpainis sa akin. Sinusubukan talaga ng mutyatyang ito!
"Hoy!" Sabay hagis sa kanya ang hawak kong adobong manok na may kanin! "Para sabihin ko lang sayo, hindi lahat ng iniiwan hindi na binabalikan!" Sabay sabunot ko sa kanya!
YOU ARE READING
Kissed By Accident?
TeenfikceAccidents are the reason why many people find their destiny.....