Chapter 21: Apologize

3 1 0
                                    

Pagbaba ko ng motor ni Mr. Maniac...

"Wala man lang bang thank you diyan?" Tanong niya!

Asa naman ang lalakeng ito! Bakit ko naman siya pasasalamatan? Duh! Eh siya nga ang punu't dulo ng lahat ng ito! Hindi naman ako nakidnap kung hindi dahil sa kanya!

"Thank you mo, mukha mo!" At pumasok na ako sa gate namin na binuksan ng isang guard!

Natanaw ko pa rin siya sa pagkakaalis niya! Yeah, that's right! Umalis ka na!

Nang buksan na ng guard ang pintuan ay pumasok na rin ako!

Agad akong dumiretso sa kwarto ko, busy ngayon ang mga ate kong kumakain sabay nanonood! Buti na lang at hindi nila ako napansin! Salamat talaga!

Nang makapasok na ako sa kwarto ko, inihagis ko ang bag ko kasabay ng sarili ko sa kama ko na tumalbug-talbog pa!

Kukunin ko sana ang cellphone ko sa bag ko nang maalala kong... OMG! What the! Si Justin, nasa kanya ang cellphone ko! Damn him! How could I live without my cellphone? Shit!

Sinabunutan ko ang sarili ko!

Bakit ba kasi?

Damn you Justin! Ibalik mo sa akin cellphone ko!

Nagwala-wala lang ako! Ikinalat ang mga pwedeng ikalat sa room ko..... Tangina! Ang cellphone ko!

*Wednesday morning*

Nakalabas na ako sa kotse... Inis na inis ako ngayon! Gusto kong makita agad si Justin para kunin ang phone ko! Hindi talaga ako mabubuhay kapag wala ang cellphone ko!

At sa palagi kong inaasahan, sinalubong na naman ako ng isang peste! Pero hindi siya nakangiti ngayon 'ha, kundi naka-ewan'!

"Friend, salamat naman at ligtas ka! Akala ko, hindi na kita makikita pang muli!" At niyakap niya ako! Jusko! Nambibigla ang taong ito 'ha! At saka ang OA namam niya! May pasabi sabi pang akala ko hindi na kita makikita! Kadramahan!

Tinanggal ko ang nakayakap na mga braso niya sa akin at itinulak! Ano ba? Pareho lang sila ni Mr. Maniac!

"Ano ba sa tingin mo ang ginawa mo?!" Galit na tanong ko!

"Niyakap lang naman kita bilang kaibigan mo!" Napayukong sabi niya na sumimangot pa!

Kaibigan? Ghad! Kung alam mo lang na hindi kita itinuturing na kaibigan! Kahit minsan...

"Oh... nayakap mo na ako! Makakaalis ka na!" Galit pa rin na sabi ko!

Malungkot na nakasimangot na umalis si Jeiko! Damn him! Kahit naman papaano naaawa pa rin ako sa kanya ng konti... konti lang naman! Ewan ko ba kasi kung bakit palagi akong galit sa kanya!

Ipinagpatuloy ko na ang paglalakad, dahil bigla ko na namang naalala si Justin.... maphone!

Nang nasa classroom na ako, agad akong tumingin sa upuan nila Justin at Simon ngunit wala sila!

Napatadyak ako sa galit at... "Damn! Where the hell are them?!" Hindi ko napansin, malakas pala ang pagkakasabi ko no'n at nang mapatingin ako sa mga kaklase, nagtataka sila!

"Oooops! Sorry!" Maamomg sabi ko sa mga kaklase ko at pumunta sa upuan ko! Ghad! Ano bang nangyayari sa akin? I am such an idiot!

Tinignan ko rin ang upuan ni Mr. Maniac, ayun! Wala pa siya! Pwes, kung wala siya... wala akong pakialam! I just need to see Justin, or maybe Simon para kunin sa kanila ang missing cellphone ko na sobrang miss na miss ko na!

Kissed By Accident?Where stories live. Discover now