Chapter 34: Sorry

3 1 0
                                    

Nagri-ring na ang alarm clock ko! Tinatamad pa akong bumangon... paano kasi, napuyat ako! Napuyat sa pesteng kakaiyak dahil sa ginawa sa akin ni maniac kahapon! I still can't believe... sinigawan niya talaga ako? Ghad!

Bumangon ako kahit ayoko pa, dahil nga lunes ngayon at may pasok! Tinignan ko ang kwarto ko, at sobrang kalat dahil ang daming tissue na nakakalat sa sahig... na siyang ginamit ko pamunas sa mga luha ko at sa mga sipon ko!

Paano kasi, sobra akong nasaktan sa pagsigaw niya sa akin. I am sensitive kaya.

Di ko alam... di ko alam kung anong magiging reaksyon ko kapag nakita ko siya mamaya sa school. Iiwasan ko kaya siya? Di ko alam... basta bahala na kung anong gagawin ko mamaya.

Agad na akong naligo, nagbihis at kumain.

Pagbaba ko sa kotse, sinalubong ako ni Jeiko na nakakunot ang noo. In serious mood yata to. Anong ganap Jeiko?

Napatigil ako.

"O, bakit nakakunot ang noo mo? Is there something wrong?" I asked. Baka kasi may mali, that's why I am asking.

"Wala bang nangyari sa inyo ni Brent habang ginagawa niyo ang group project niyo?"

Nakakunot pa rin ang noo nito. At saka anong ibig niyang sabihin na nangyari sa amin ni Brent?

"Wala naman." I answered. "Bakit?"

Ang nakakunot na noo niya, biglang nawala. At ang seryosong mukha niya, napalitan ng maliwanag na mukha.

"Talaga?" Masayang tanong nito...

Alam niyo, sa totoo lang, hindi ko nagegets si Jeiko. Bakit ba siya nagkakaganito?

Tumango ako.

"Tara... hatid na kita sa classroom niyo!"

Sinimulan ko ng maglakad, at sinundan naman niya ako...

Salita siya ng salita pero wala akong naintindihan sa mga sinabi niya. Paano kasi, naisip ko na naman si maniac... kung paano niya ako sinigawan dahil lang sa pinakialaman ko ang picture ng Trish na yun! Damn... it fvckin' hurts me.

Naramdaman ko na lang ang kamay ni Jeiko na humawak sa kamay ko... napatingin ako sa kanya.

"Saan ka pupunta? Dito na ang room niyo oh!" Sabay turo niya sa classroom na nasa harap namin. Isang malaking tumpak... nasa tapat na nga kami ng classroom namin. Ghad! Jil, what's happening?

Pakiramdam ko tuloy, parang naglakbay muna ang isip ko at iniwan ang katawan ko. Ghad! Come back to your senses Jil!

"Oo nga." At papasok na sana ako pero hindi binitawan ng kamay ni Jeiko ang kamay ko kaya napalingon ulit ako sa kanya.

"Are you okay? Is there something bothering you?" Seryosong tanong ni Jeiko sa akin.

Tumango na lang ako at tuluyan ng pumasok sa classroom namin!

Nakita ko ang bakanteng upuan ni maniac. Shit, buti na lang wala pa siya. I still don't know how I should face him... sa totoo lang naman kasi, nagkamali rin ako! Bakit kasi pinakialaman ko yung picture na yun? Damn Jil... you did wrong!

Maya-maya, dumating na si Mrs. Montenegro. Remember, nagswitched ang time ng math at english namin.

"Good morning!" Bati niya sa amin, at pumunta na siya sa harapan namin.

"Good morning ma'am!" Matamlay na bati nila sa kanya.

Tinignan niya ang bakanteng upuan ni maniac, at tumingin siya sa akin.

Kissed By Accident?Where stories live. Discover now