Lunes ngayon. And I'm excited! Paano kasi, excited na akong makita si Brent. Ghad!
Pero kaloka huh! Neh hindi man lang kami nagtexan after nung night na yun... alam niyo na, pareho siguro kaming nahihiya sa isa't isa! This is first time kaya for me... kaya nahihiya ako noh.
Nasa paborito kong bench ako ngayon... at nalulungkot. Bakit wala si Brent? Bakit hindi siya dumating dito sa school? Excited pa naman akong makita siya today... but where is him?
Halos hindi ako makafocus sa klase namin dahil sa kakaisip kung nasaan si Brent. Napagalitan pa nga ako ni Mrs. Montenegro eh.. she said na bumabalik na daw ako sa dati kong sarili! Pwes wala akong pake! I want to see Brent right now! I badly miss him!
Nakita ko si Clarence na nasa tabi ko na pala. Tamang tama. Magkaibigan sila ni Brent so I think, he knows where my Brent is... at kung bakit siya nag-absent?
"Nasaan si Brent?" Tinanong ko siya agad. Kasi naman eh!
Kumunot lang ang noo niya. At ang kanyang mukha, parang di ko maipinta. Di ko alam kung bakit siya ganito?
Hindi lang siya umimik!
The fuck... I smell something na hindi ko gusto!
"Clarence... you are his bestfriend, kaya alam ko na sasabihin niya sayo kung nasaan siya!"
Sa mukha niya talaga... merong something! And I want to know that something!
"Im sorry! But I can't tell you!" He said.
Anong ibig niyang sabihin? Na hindi niya masabi sa akin? Mas lalo niya lang akong pinapakaba!
"Why not? Come on Clarence! Tell me!" Pagmamakaawa ko sa kanya!
Sige na kasi Clarence, sabihin mo na! Please... kasi, habang tumatagal na hindi ko nalalaman ay mas lalo akong kinakabahan! So please... Clarence!
"Im sorry!" At tumayo na siya at umalis!
Naiwan akong lumuluha at lutang. Bakit hindi niya masabi sa akin ang gusto niyang sabihin? I know na gusto niyang sabibin sa akin yun, pero mahirap para sa kanya na sabihin sa akin! Ano nga ba yung gusto niyang sabihin?
Kinuha ko ang cellphone ko at sinubukang tawagan siya, but damn! Hindi siya sumasagot!
Brent... ano ba talagang meron sayo?
Nang nagring na ang bell, agad na akong pumunta sa classroom namin.
Dalawang subject at dalawang oras ang natapos nang wala akong kahit na isang salitang naintindihan sa mga klinase namin. Lutang ang isip ko! Lutang sa kakaisip sa maniac ng buhay ko!
Andito na naman ako sa bench na paborito kong upuan... nakatulala!
Ghad! Ano ba kasing meron kay Brent? Yun ang tanong na kanina pa nasa isip ko! Yun ang tanong na pilit kong hinuhulaang sagutin. Kasi, wala talaga akong kaalam alam sa nangyayari! At yung Clarence na yun... tang*na ng lalakeng yun! Di pa kasi sinabi sa akin! Eh di sana, hindi ako baliw sa kakaisip ngayon! Pero alam ko, talagang may mali!
"Jilian... namiss kita!" Sabay yakap sa akin ni Jeiko. Damn! Namiss ko rin siya, pero hindi ito yung time para dito!
"Oh, anong mali Jilian?" Nakakunot noo na tanong ni Jeiko, na nasa tabi ko!
"Si Brent kasi..." nagsimulang tumulo ang mga luha ko.
"Bakit? Anong ginawa sayo ni Brent?!" Inis na tanong ni Jeiko!
YOU ARE READING
Kissed By Accident?
Teen FictionAccidents are the reason why many people find their destiny.....