*Thursday Morning*
Habang nakaupo ako sa isang sulok na nanonood sa mga estudyanteng naglalaro ng iba't ibang games gaya ng soccer, volleyball, at marami pang iba ay biglang may umupo sa tabi ko! Si Jeiko!
Nga pala, busy ngayong naglalaro ang mga tatlong asungot ng volleyball! Salamat naman dahil I'm sure na kung hindi sila naglalaro, binubully na naman nila ako ngayon! P.E. kasi namin ngayon eh kada klase namin ng P.E. ay naglalaro kami! Ayyy! Sila lang pala!
"Ba't di ka makipaglaro doon sa mga kaklase mo?" Tanong sa akin ni Jeiko. Sabay abot na rin niya ng isang can ng coca-cola!
Inabot ko naman! Wala kasi akong pera eh, that's why?
"Wala man lang thank you!" Sabi niya!
"O e di sayo na!" Ibibigay ko sana sa kanya, pero...
"Ano ka ba? Linoloko lang kita!" Sabay tawa niya!
Hmmm! Sino naman kasing nagsabi sayo na ibibigay ko! Syempre, style ko lang yun!
"Eh ikaw, bakit ka nandito?" I asked him! Oo naman kasi eh! Gusto ko lang mapag-isa ngayon! Kahit kailan talaga panira tong lalakeng to!
"Gusto ko lang makasama ang friend ko!" He smiled! Yan na naman tayo sa mga ngiti na yan eh! Him and his annoying smile!
Ah! Gusto pala ah! Pwes ako, hindi kita gustong kasama, alam mo ba yun! At saka friend? Friend my butt!
"Bakit? Wala kayong klase? Sus! I'm sure tumakas ka na naman! Kaya pwede ba, pumunta ka na sa klase mo at umalis ka na sa panangin ko!" With my mean words!
"Grabe ka naman! Kararating ko lang, pinapaalis mo na naman ako!" His happy face turned into sad face!
Ganyan nga! Dapat malungkot ka lang! Nakakainis kasing makita ang mga pesteng ngiti mo! Nakakainggit! Parang wala kang problema sa buhay mo!
Maya-maya, natauhan ako! Kasi naman eh! Kailangan ko pa siya!
"Uhmmm! Sus! 'To naman, di mabiro!" Sabay tapik ko sa braso niya! "Syempre, linoloko lang kita friend!" With my fake smile!
"Talaga?! Joke lang yun?!" At nabuhay ulit ang mukha niya!
"Oo naman! Ano ka ba?!" At tinapik ko na naman ang braso niya sabay ngiti, syempre peke lang noh!
"Sige!" At inakbayan niya ako! Hayy! 'Tong lalakeng 'to oh! Ayoko ng inaakbayan eh!
Tinanggal ko ang kamay niyang nakaakbay sa akin!
"Ano ba?! Huwag mo nga akong akbayan!" Sigaw ko sa kanya!
"Sorry na!" Nagbow siya ng head!
Ano ba kasing ginagawa ng lalakeng to dito?! Kainis!
"Magkalinawan nga tayo!" Tumingin ako sa kanya, at tumingin din siya sa akin! "Oo! Magkaibigan tayo, pero hindi ibig sabihin no'n pwede mo na akong hawakan! Kase, ang pinakaayaw ko sa lahat ay yung hinahawakan ako! Nakakabwisit kaya! Kaya ikaw, huwag na huwag mo na akong hahawakan 'ha, dahil isang beses pa, magagalit na ako sayo!"
"Okay!" With his soft voice!
"Mabuti na yung nagkakaintindihan tayo!" At tumayo na ako at aalis na sana kaso....
"Teka!" Sabay hawak ng left hand ko! "Bakit ka aalis?" Pero infairness, ang soft din ng kamay niya ha!
Agad kong hinila ang kamay ko!
YOU ARE READING
Kissed By Accident?
Genç KurguAccidents are the reason why many people find their destiny.....