Ang bilis ng araw. Parang kailan lang lunes, at ngayon biyernes na. Tapos bukas, sabado. Syempre naman noh, alangan namang linggo di ba? Common sense guys.
Ilang araw na rin naming nakakasama si maniac sa lakad namin tuwing hapon. Sa park. Minsan naman sa peryahan. Well, masaya rin naman siyang kasama! Pero ewan ko lang talaga... bakit ba inis na inis sina Jeiko at Mr. Maniac sa isa't isa? Why, oh why?
Kasalukuyan akong nakaupo ngayon dito sa isang bench dahil break time. Hay. Ang sarap ng buhay. Saka ko lang yun narealize simula nung naging kaibigan ko ang tatlo. Parang kailan lang kasi na mag-isa lang ako. Kinikimkim ang lahat, pero ngayon, may mapagshe-sharan na ako.
Ilang araw na ring naging tahimik ang buhay ko. Hindi na rin kasi ako ginugulo ng mga bruha. At alam niyo ba guys, sina Mara, Nathalie at Lindsay, iwas na iwas sa akin. Paano naman kasi, takot sila kay maniac. Nakakatawa nga eh... tapos sina Leigh naman, ayun! Tuluyan ng nanahimik! Ang saya ko, promise.
"Ang lalim yata ng iniisip mo huh!" Di ko namalayan ay nasa tabi ko na pala si maniac. Hay. Ewan ko ba. Bakit hindi ko man lang siya namalayan.
Hindi na rin ako nagulat pa. Sanay na ako eh.
"Bakit ka ba nandito?" Pagsusungit ko. Aba, ang ganda ng iniisip ko eh, bigla na lang siyang umepal. Kahit naman kasali siya sa iniisip ko, its not right that he interrupted me!
"Ang sungit naman neto..."
Masungit na kung masungit. Wala akong pakialam.
"Ano bang iniisip mo? Baka naman iniisip mo ako na nakahubad huh." He said.
"Yuck!" Yun lang ang lumabas sa bibig ko. Kahit naman hindi ako nayuck sa sinabi niya. And I rolled my eyes!
Pero sa totoo lang... ang rumi ng isip niya!
"Makapag-yuck naman ito, akala mo naman kung hindi attracted sa akin!"
Tama! I am attracted with you, but I'm not just attracted with you... I like you and I'm in love with you!
"Eww!" And for the second time, I rolled my eyes!
Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko... at isang wrong move lang namin ay maaari ng magdikit ang mga labi namin! Pero wala namang physical contact dahil pag meron, sasampalin ko siya ng sobrang lakas. No joke.
"Kadiri ba talaga ako?" Tanong niya. Hindi ka kadiri maniac. Promise!
Napalunok ako.
"Sige. Subukan mong halikan ako, sasapakin kita!" Matigas na sabi ko. Konting konti na lang talaga kasi ay magdidikit na ang mga labi namin!
Natawa siya at tumayo. Napaikot pa siya sa pagtawa niya.
"Do you really think hahalikan kita?" Natatawa niya pa ring sabi.
What the.... hindi ko naman sinabing hahalikan mo ako eh. Just in case lang naman!
"Huh! At sa tingin mo ba kasi, papayag akong halikan mo ako?" Sabi ko naman. Actually sinabi ko lang yun para hindi ako mapahiya na napaasa ako sa damn kiss niya... kahit naman napaasa talaga ako.
Suddenly, biglang nagring ang bell.
"Let's go!" Sabi niya... pero hindi pa niya natatapos ay malayo na ako.
Nasa room na kami ngayon. Actually, english namin ngayon. Nagswitched kasi ang english at math namin eh. So bali first period namin ay math. At third period namin ngayon ay english, kaya naman si Mrs. Cristobal ang makakaharap namin ngayon.
YOU ARE READING
Kissed By Accident?
Novela JuvenilAccidents are the reason why many people find their destiny.....