Chapter 47: Coma

2 0 0
                                    

Jilian's POV

Sugatan ako ngayon dito sa hospital. May gasgas ang balikat at tuhod ko. Ghad! Ang sakit ng mga sugat ko!

Pero hindi yun ang ipinag-aalala ko! Nag-aalala ako kay Jeiko! Si Jeiko kasi ang nabangga instead of me... dahil mababangga na sana ako kaso, itinulak niya ako na siyang sanhi ng mga minor na sugat ko at siya ang nabunggo!

Pagdating na pagdating palang namin sa hospital ay agad na siyang ipinunta sa operating room dahil ooperahan siya! May mga fractures kasi siya... at medyo may tama ang ulo niya!

Ghad! I just can't believe what happened!

Andito ako ngayon sa waiting area sa labas ng operating room! Hinihintay ko si Jeiko dito... hinihintay ko ang doktor na kasalukuyang nang-oopera sa boyfriend ko!

Namimilipit sa sakit ang mga sugat ko ngayon... pero wala akong pakialam! Hihintayin ko dito si Jeiko! Hihintayin ko ang paglabas ng doktor at ang sasabihin niyang ayos lang ang boyfriend ko!

May lumapit sa aking nurse...

"Ma'am, ang mga sugat niyo po! Kailangan po muna natin silang gamutin!" The nurse said.

"Hindi! Hihintayin kong lumabas ang boyfriend ko!" I insisted!

"Pero ma'am, sakto po na kapag po nagamot na po namin ang sugat niyo ay tapos na ang operasyon ng boyfriend niyo!" She said.

"I am okay! Hihintayin ko na lumabas ang boyfriend ko..." I cried! Actually, kanina pa ako umiiyak! Umiiyak dahil sobra talaga akong nag-aalala kay Jeiko! Sana nasa maayos lang siyang kalagayan! Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa boyfriend ko! Kasalanan ko kasi eh... hindi ko kasi tinitignan ang dinaraanan ko! Ako kasi dapat ang nasa operating room at hindi siya!

Jusko! Sana, nasa maayos lang na kalagayan si Jeiks!

"Pero ma'am..."

"Ano ba? Bingi ka ba? O sadyang tanga ka lang? Hindi mo ba ako maintindihan? Hindi ako aalis dito hangga't hindi pa lumalabas ang boyfriend ko!" I shouted... dahil na rin sa inis!

Agad namang umalis ang nurse!

I feel bad sa nurse, pero sorry na lang sa kanya... kasi, hindi ko mapakalma ang sarili ko!

Habang nakaupo ako, nakita ko ang isang babae na palapit sa akin... umiiyak ito!

Nang nakalapit na siya,

"Ikaw ba si Jilian?" Tanong nito sa akin. "Ikaw ba ang girlfriend ng anak ko?" She added.

Halata sa mukha niya na kinakabahan siya... at kagagaling lang niya sa pag-iyak!

Pero bakit kilala niya si Jeiko? Bakit alam niyang girlfriend ako ni Jeiko? At bakit niya tinawag na anak ang boyfriend ko? Di kaya mother siya ni Jeiko?

"Ako nga po!" I answered!

"Jusko! Jusko! Ang anak ko... bakit siya nabangga?" Iyak nito at niyakap ako! "Sinong gumawa sa kanya nito? Sino?!"

Hinagod ko ang likod niya, to comfort her! Nakakaawa siya...

"Tita... Jeiko will be alright!" Iyak din na sabi ko! Hindi ko alam pero kailangan naming maging matatag ngayon... dapat kaming magpakatatag! At kailangan, positive lang kami! Pero mahirap maging positive lalung lalo na ngayon na sobrang hirap na!

"Sana nga anak!" She said.

Nang matanggal niya ang pagkakayakap niya sa akin...

"Jusko! May mga sugat ka? Magpagamot ka muna iha!" She said.

Kissed By Accident?Where stories live. Discover now