Natapos ang dalawang subject namin na kahit ni isang salita, walang na-stock sa isip ko! Paano naman kasi, hindi pa rin maalis sa isip ko yung nangyari kahapon! Napuyat pa kaya ako sa kakaisip kagabi, kaya ayan tuloy, ang laki na naman ng mga eyebags ko!
Napansin ko na lang na buhay pa pala ako nang pitikin ni Hope ang noo ko at tumawa pa huh.
"Kanina ka pa nakatunganga BFF. Tignan mo oh, malamig na yang sopas mo." She said.
Dahil sa kakaisip ko, ayun... nakalimutan ko, kaharap ko pala si Hope at may kinakain pa pala ako! Ghad... nawalan na ako ng gana sa pagkain!
I sighed deep!
"May problema ba? Kung makabuntung hininga ka naman, parang problemadang problemada ka!" She said.
Oo. May problema ako. Yung Brent na yun. He's running on my mind and no matter how I want to remove him in my mind, I couldn't do! And this is shit.
I want to forgive him. But why I can't forgive him?
"Si Brent." Walang ganang sagot ko.
"What about Brent?" Sunod na tanong niya.
"Kahapon kasi, nakita ko siya sa park. He even tried to save me from someone who picked my cellphone." I said.
I admit. Medyo nabawasan ang galit ko sa kanya dahil sa ginawa niya. At gusto ko na sana siyang patawarin kahapon kaso, hindi ko kaya. Maybe I am afraid to trust him. Pero papatawarin ko lang naman siya di ba? Hindi naman ibig sabihin na kapag pinatawad mo na ang isang tao ay pagkakatiwalaan mo na rin siya.
"O, naman pala eh! Di ba dapat masaya ka kasi naibalik sayo ang cellphone mo dahil sa kanya?" Tanong niya.
Kung masaya sana ako, eh di sana hindi ako nagkakaganito.
"Sana, pero bakit ako malungkot?" Tanong ko sa kanya.
"Dahil hanggang ngayon, hindi mo pa rin pinapakawalan ang sakit na naidulot niya sayo." She answered.
"Sa totoo nga, I want to forgive him. But I am afraid." I said
"Afraid of what?" Tanong niya.
"Na gawin niya ulit yung ginawa niya sa akin." I answered.
"Girl, wag ka kasing masyadong nega! Malay mo, nagbago na siya... at alam naman natin na simula nang dumating ka sa buhay niya, ikaw na ang mahal niya!"
"Kung minahal niya ako, bakit niya ako itinulak palayo nang bumalik na si Trish?" Maiyak-iyak na tanong ko!
"I don't know. Maybe, you should ask him." She answered.
"Eh ayoko nga siyang kausap eh. Natatakot ako!"
"Then face your fear. Hinding hindi mawawala ang sakit na nararamdaman mo hangga't hindi mo hinaharap yang takot mo... at mas lalong hindi mawawala ang sakit hangga't hindi mo pa siya pinapatawad!" She said.
Natahimik ako. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. I must let go this hatred.
"Everyone deserves a second chance. Just like what you did to me, you gave me a chance. And Brent? He deserves a chance too!" She said.
I know.
"Alam ko, nakikita ko... gusto mo na siyang patawarin. Pero natatakot ka."
"Face.your.fear." She added.
Hapon na. Tapos na lahat ang klase namin, pero wala..lutang ang utak ko. Ang mga sinabi kasi sa akin ni Hope ang nag-popped at patuloy na nagpa-popped sa utak ko.
YOU ARE READING
Kissed By Accident?
Ficțiune adolescențiAccidents are the reason why many people find their destiny.....