Epilogue

2 0 0
                                    

{A/N} To all who supported this story, kamsahamnida(thank you)《♡》Sana suportahan niyo pa ang mga story na gagawin ko. Marami-rami na akong naisip pero saka ko na lang ilalabas. Salamat:)

Jilian's POV

"Jilian, gumising ka na! Male-late na tayo oh!" Panggigising niya sa akin.

Ghad! Here comes again, ang nakakairitang umaga! Sisikat na naman ang araw! Jusko naman! Kung pwede ko lang sanang kontrolin ang oras, mas papahabain ko pa ang gabi!

"Ano ba Hope?! Gusto ko pang matulog eh!" With my inaantok na boses. Ghad! Ayoko pa talagang gumising!

Nakakainis man ay bumangon na ako. Kahit ayoko pa at labag sa loob kong bumangon ay bumangon pa rin ako. Syempre naman noh. Ayokong matanggal sa trabaho.

By the way, teacher na kami ngayon ni Hope sa probinsya. Actually, napagdesisyunan namin na lumayo sa kanya kanya naming mga bahay dahil medyo nagsasawa na kami sa mga bahay namin. Nakadorm kami ngayon dito lang sa malapit lapit sa school na pinagtuturuan namin.

And by the way again, almost 6 years na ngayon ang nakakalipas. 6 years na ang nakakaraan ng mamatay si Jeiko, at 6 years na ang nakakaraan ng pinutol ko na ang relasyon, koneksyon at lahat lahat  kay Brent. Andito pa rin ang sakit sa puso ko pero medyo ramdam ko na rin na parang maayos-ayos na rin ang lahat.

After naming kumain at maligo ay pumunta na kami sa school na pinagtuturuan namin. Kapwa high school ang itinuturo namin.

Mag-isa na ako ngayon na naglalakad dahil opposite direction ang linakaran namin ni Hope. Medyo malayo layo kasi ang room namin sa isa't isa eh! Siya, sa grade 7 samantalang ako ay grade 12.

"Good morning ma'am!" Masayang bati sa akin ng mga estudyante na malalagpasan ko.

"Good morning too!" Masaya ring bati ko. Ghad... kaloka! Nakakagood vibes naman ang mga batang ito.

Nang makapasok na ako sa classroom ko ay binati ko sila.

"Good morning class!" Masayang bati ko.

"Good morning maam!" Matamlay na bati sa akin ng mga estudyante ko!

"Oh, bakit ang tatamlay niyo naman ata." Natatawang sabi ko.

"Eh paano naman kasi maam, napakarami mong ipinapa-research sa amin. As in rami, nakakaloka!" Sabi ni Angelica, isa sa maarte sa school na ito!

Natawa na lang ako sa sinabi ni Angelica.

"Maam, okay lang naman sa akin na magparesearch ka ng marami... basta ba i-date mo ako!" May pacute pa na sabi ni Ronnie.

"Tss. Aral muna ang atupagin mo bago yang date date na yan Ronnie!" Natatawang sabi ko.

"Sige maam, mag-aaral ako ng mabuti para sayo!" Sabi niya.

Hayy naku. Whatever Ronnie.

By the way guys, ngayon ko lang narialize na ang hirap palang maging teacher. Kasi, yung mga ibang estudyante hindi nakikinig. Kaya madalas naiinis ako.

Natapos ang araw na sobrang nakakapagod. Syempre, may uwi na naman akong rose kasi, everyday akong binibigyan ni Ronnie. Halos naipon na ang mga roses dito sa kwarto ko. Hindi ko naman pwedeng i-ignore na lang noh, baka naman magtampo pa ang bata at hindi na pumasok sa school. Aba'y hindi naman pwede yun noh.

Habang nagkakape ako sa living room namin at gumagawa ng powerpoint presentation... dumating si Hope.

"Powerpoint? Para saan?" Tanong sa akin ni Hope.

Kissed By Accident?Where stories live. Discover now