Hope's POV
Hapon na ngayon. Papunta ngayon ako sa park. Ewan ko ba. Tinext na nga ako ni Jil na magiging busy siya dahil sa pagtututor sa kanya ng maniac niya! Pero... nasanay na yata ako eh, na pumunta sa park every hapon! By the way, kamusta na kaya si Jil ngayon? Shems... baka naman, grabe na ang inis nun kay maniac? Hay! Bahala na siya sa buhay niya!
Eh si Jeiko kaya? Wala kasi sa akin ang number niya eh.. di sana natetext ko siya! Nasaan kaya siya ngayon? Ang sarap pa naman siyang pagtripan.
Nga pala... kahapon, after ng ferris wheel ay napagdesisynan na naming umuwi dahil nga kila Jeiko at maniac na yun. Ewan ko ba kasi.. bigla na lang siyang sumusulpot! Nasira tuloy ang lakad namin! Panira!
Nasa park na ako ngayon... at nagulat ako kasi....
"Si Jeiks ba yung nakaupo doon sa paboritong upuan namin ni Jil?" I asked myself as if she knows!
"Siya yata eh! Malapitan nga!" Myself answered!
Lumapit ako doon... at tama nga! Si Jeiko nga! Umupo ako sa tabi niya nang hindi niya namamalayan! Nakayuko lang ang ulo nito at halatang malalim ang iniisip! Ano kayang iniisip ng mokong na ito at di ako napansin?
Tinapik ko ang braso niya ngunit parang wala lang sa kanya. What's up with this guy?
Tinapik ko ulit siya for the second time... pero wala talaga!
"Jeiks... may problema ba?" Tanong ko. Halata namang alam na niya na andito ako sa tabi niya kaya naman nagsalita na ako!
Iniangat niya ang ulo niya, at nakita ko ang nakasimangot niyang mukha. Ano ba talagang meron sa lalaking ito?
Hindi lang siya umimik...
"Jeiks... kausapin mo naman ako o. May problema ka ba?" With my worried voice! Hindi ko ba alam pero parang nag-aalala ako sa inaasal niya ngayon! Bakit kaya?
Pero for the second time, hindi na naman siya umimik!
"Jeiks... open minded ako! Sige na!" I am convincing him right now! I can't believe...
Tinignan niya ako. Nakakonekta ngayon ang mga mata namin, at hindi ko alam pero parang may nararamdaman akong kakaiba... shems! Nakita ko ang kagwapuhan niya kahit nakasimangot ang mukha niya... and I think, my heart beats fast! Ano ba itong feeling na ito? Ngayon lang ulit ako nakaramdam ng ganito. After so many years. Hindi kaya....?
"Hindi ko lang kasi matanggap na may boyfriend na si Jilian!" Malungkot na boses niya. Nakita ko ang pagtulo ng mga luha nito.
Tama ba ang narinig ko? Na kaya siya nagkakaganyan dahil kay Jilian? Dahil may boyfriend siya? Well... Jeiko, wag ka ng malungkot dahil hindi naman siya totoong girlfriend ni maniac e. She is just pretending, you know!
Hindi ko alam pero parang may kumurot sa puso ko dahil malungkot si Jeiko dahil kay Jilian! Shems.. WTF! Why am I feeling this way?!
"Don't be sad. Okay lang ang friend natin. She is in good hand." I said.
I think, umiiyak siya just because he's worry about Jilian... as a friend. Lalo na't kahapon, na medyo nag-away sila ni maniac. Hindi siya kampyante kay maniac para kay Jil, kaya siya nagkakaganito. Hay. Jeiko, you are a true friend. I am so proud of you.
"Really?" Sabay punas ng mga luha niya.
Sabihin ko na kaya sa kanya ang sikreto. Na hindi naman talaga sila totoong magsyota. Na, nagpi-pretend lang si Jil na girlfriend ni maniac. Should I tell him the secret?
YOU ARE READING
Kissed By Accident?
Teen FictionAccidents are the reason why many people find their destiny.....