Jilian's POV
Biyernes na mga guys. I am so happy kasi weekend na bukas. Para kasi akong nasa hell kapag andito ako sa school. Yung mga nakakainis na mga nambubully sa akin, mga bashers ko, at isama mo na rin si Mrs. Montenegro! That teacher is so damn witch! I wish matransfer siya sa ibang school para naman gumaan gaan ang buhay ko kahit konti...
Pagpasok ko pa lang sa gate, sinalubong na ako ng friend ko na kinaiinisan ko noon!
"Hi!" Nakangiting sabi niya!
"Hello!" I respond, naglalakad pa rin ako ngayon at nasa gilid ko si Jeiko. "Kamusta kayo ni Hope kagabi?" I asked!
Hindi siya umimik... kaya naman natigilan ako at hinarap siya. Nakita ko ang mukha niyang di mapakali. What's going on with him? Di ko magets.
"W-wala! Nothing happened!" Sagot niya. Anong ibig niyang sabihin na nothing happened e wala naman akong sinasabi na may nangyari!
"Talaga ba?" Pamgungulit ko.
"Oo." He answered quickly!
At ipinagpatuloy na namin ang paglalakad. Inihatid niya ako sa classroom namin. Tumigil ako nang nasa harap kami at humarap sa kanya.
"Thanks!" Nakangiting sabi ko. "Alam mo, noon pa sana nangyari 'to eh! If only I gave you a chance!" With my sad voice.
"Wag ka ng malungkot! Okay na naman tayo di ba? We're now friends!"
At nginitian ko na siya! Nagwave na ako ng kamay sa kanya at pumasok sa loob... at dumiretso agad sa upuan ko!
Tinignan ko sa upuan niya si Mr. Maniac at nagulat ako kasi meron na pala siya. Di ko napansin! Nakita ko ang tingin niya, gaya nang kahapon... I rolled my eyes at ibinaling sa iba ang tingin ko!
That damn guy! Until now, nangingilabot pa rin ako sa ginawa niya kahapon! Shit! Baliw talaga siya..
Dumating si Mrs. Cristobal. Binati siya ng mga classmates ko. Ako lang yata ang hindi bumati, ayoko! Tinatamad ako!
Nagklase kami. Hindi ako nakikinig!
At as usual, natapos na naman ang dalawang subjects namin nang wala akong naiintindihan! I wish, matapos na itong araw na ito para naman weekend na!
Naalala ko, wala na naman pala si Witch Montenegro. Hanggang ngayon kasi ang seminar nila. Sa lunes, nasa school na siya and I hate it. At dahil kay witch, naalala ko si Mr. Maniac... tungkol sa pagtu-tutor niya sa akin!
Ano kaya? Should I accept him as my math tutor?
Wala namang masama kung magpatutor ako sa kanya, di ba? Its for my own sake. Wala namang mawawala sa akin. But I am just going to waste my time! Tama ba? Tama ba yung word na 'waste' na naging term ko! Ahhhh! Whatever!
After magring ng bell, hindi na muna ako nag-abala pang pumasok! Nagstay muna ako sa bench na kinauupuan ko!
Maya-maya, dumating si Mr. Maniac. Umupo siya sa gilid ko.
"Ano na naman?!" Galit na tanong ko!
"Chill ka lang! Galit ka na naman eh... kalma lang!" Pag-aawat niya sa akin.
"Bakit na naman ba kasi?" Medyo mahinahon na sabi ko.
"Tungkol kahapon..." Itutuloy pa niya sana nang pigilan ko siya!
"Wag mo ng ipaalala pa!" Galit na sabi ko!
Natawa siya. Tinitigan ko siya ng masama, at doon na siya tumigil.
"Sorry!" Sabi niya at tumawa pa ng kaunti. This damn rude bastard! Makakapatay pa yata ako eh... mabansagan pa akong murderer! Pero... sa braso niya ay may natanaw akong sugat niya! At nagulat ako... baka napasabak siya kahapon dahil sa pagtulong niya sa akin sa three bitches...
"May sugat ka'ha!" Nag-aalalang sabi ko habang hawak ang braso niyang may sugat. "May kinalaman ba dito kina Mara, Nathalie at Lindsay?" I asked him.
"Yes!" He answered. "But don't you worry, yung mga ipinagmamalaki nilang boys nila, ayun... nasa ospital na! At alam mo ba, tinulungan ako ni Clarence!"
I sighed! Yung relieved sigh.... tama! I should not worry to him anymore! Kaya niya ang sarili niya!
"Ano ba talagang sadya mo?" I asked. Tinanong ko kasi, curious din naman ako noh! Why is he here?
"I am here about your answer..." halos matigilan ako sa paghinga sa sinabi niya. Ano? Anong sinasabi niya? Tungkol ba ito sa pagkukunwari niya sa panliligaw sa akin... damn! He's getting into my nerve!
"Talaga bang iniinis mo ako?!" Galit na napatayong sigaw ko!
"Chill lang... at saka ano bang sinasabi mo?" Tanong niya!
Aba! Nagmamaang-maangan pa tong lalakeng ito! Ano pa nga ba? Anong akala niya sa akin, tanga? Pwes hindi ako tanga gaya ng inaakala niya!
"Eh ano pa ba? Eh di yung sagot ko sa kunwari mong panliligaw sa akin."
Natawa siya sa sinabi ko. As in yung lakas na tawa! What the... Iniinis niya talaga ako 'ha! Sige, mabulunan ka sana gago!
"Bakit ka natatawa?"
Tumigil siya sa pagtawa. "Kasi.... hindi naman yun ang tinutukoy ko! Ang tinutukoy ko ay yung sagot mo sa pagiging math tutor ko sayo!" At bumalik siya ulit sa pagkakatawa!
Napanganga ako sa gulat... sa kagagahan ko... at sa kahihiyan na nararamdaman ko ngayon! Tama ba ang narinig ko?
"G-ganoon b-ba?" Nauutal na tanong ko. Grabe! Di kinaya ng pride ko ang sinabi niya! I am so stupid! I am so damn stupid! Yes I am!
Natawa pa rin siya... gosh! Nahihiya na ako sa kanya! Ang epal ko talaga!
"Oo!" Sagot niya!
Napatango na lang ako ng hindi nag-iisip! At umalis!
Ghad! I am so stupid... I admit it!
He tried to stop me but this embarrassment is killing me!
Habang naglalakad ako, umupo na lang ako sa isang gilid! Ghad Jil... what have you done!
Suddenly, nagbeep ang phone ko.
One message receive!
From: Maniac
Bukas ang umpisa ng pagtututor ko sayo... 7:30 am is the official time to start. You should be on time. I hate waiting. Hindi kita masusundo, magpahatid ka na lang. *.o blink!
What?! Eh bakasyon bukas eh. Well, kahit naman magreklamo pa ako, wala naman akong magagawa!
Hapon na. Park time!
Sabay kami ngayon ni Jeiko na naglalakad papuntang park... nakita ko na parang hindi siya mapakali. What's wrong with him?
"Jeiko..." tumingin sa akin si Jeiko dahil sa pagtawag ko sa pangalan niya! "Is there something wrong?"
"Wala!" Di mapakali pa ring sagot niya at ipinagpatuloy ang paglalakad na kagat kagat ang isang daliri. Kahit sabihin mo na wala, still, I don't believe you! I know that there is something wrong! Sinundan ko lang siya!
Hanggang sa nakarating na kami sa park... nakita ko si Hope na kanina pa naghihintay at nagwewave sa amin!
YOU ARE READING
Kissed By Accident?
Teen FictionAccidents are the reason why many people find their destiny.....