*4:00 p.m.*
Hapon na! Thanks God naman at makakalabas na ako sa hell na school na to! Sana nga di na ako bumalik dito eh, kahit kailan!
Paglabas ko ng gate, nakita ko si Jeiko na nakaupo sa isang sulok! OM! Im sure na hinihintay niya ako! Ayoko siyang makasama ngayong hapon! Pupunta ako sa park eh!
Habang nakatingin ako sa kanya, bigla siyang tumingin sa kung nasaan ako! Agad naman akong nagtago sa isang wall malapit sa gate namin!
Ano kaya?
Nakita niya kaya ako?
Baka naman lumalapit na siya sa akin ngayon!
Wag naman sana!
I want to be alone ngayon!
Ayokong may taong mangkukulit sa akin ngayong hapon!
That's why I need to find a way to escape!
Sumilip ako sa kung nasaan siya, at hindi pa siya umaalis! Ibig sabihin, di niya ako nakita! Salamat naman kung gano'n!
Nang may tumigil na sasakyan sa harap ko, at may sumakay na isang estudyante. Service niya ata!
Nang papaalis na ang sasakyan, sumabay ako, sa pag-alis nito! O di ba ang galing ko! And thanks so much kasi mabagal ang galaw, masasabayaan ko! Kasi naman, maraming estudyante na naglalakad ngayon!
Ramdam ko ang bwisit ng driver sa loob! Busina kasi siya ng busina eh! Nabibingi tuloy ako!
Tuloy-tuloy lang ang mabagal na takbo nito, hanggang sa malayo na ako kay Jeiko at hindi na niya ako makikita pa!
Tumigil na rin ako syempre, kasi nga di ba, kasasabe ko lang, malayo na ako kay Jeiko! Si Jeiko lang naman ang rason kung bakit ako nagpakahirap magtago sa sasakyan at nabibingi dahil sa busina nitong napakalakas! Yung pesteng gagong yun!O di ba, ang galing ko! Idol ko ang sarili ko, yehey!
Nagsimula na akong maglakad papuntang park! Hayyyy! Buti na lang talaga, di ako nakita ng Jeiko na yun! Well, magsawa siya sa kahihintay!
Ayokong kasama siya!
Ayokong maging kaibigan siya!
After of so many steps, nasa park na ako! Yehey!
Pumunta ako sa dating inuupuan ko, buti na lang wala pang nakaupo!
Nakaupo lang ako, walang ginagawa kundi pagmasdan lang ang mga tao sa paligid!
Mga batang naghahabulan kasama ang mga kaibigan nila! Buti pa tong mga to, nakakaranas ng ganito! Masayang kasama ang mga kaibigan nila! E ako? Kahit ni kailan hindi ko naranasan!
Mga batang hawak-hawak ng mga magulang nila! Nakakainggit naman sila! Ako, hindi ko man lang naranasan na ipasyal ako ng mga magulang ko! Ever since nung nagkamalay ako, hindi ko na sila nasilayan pa! Oo, umuuwi naman sila but..... konting oras lang sila sa bahay! Wala pang isang araw ang stay nila or even half day! They are always busy!
At higit sa lahat, mga magjowang sobrang sweet sa isa't isa! Dito ako hindi maiinggit! Tong mga to, ang lalandi! Pwes, kung inaakala niyo na maiinggit ako sa inyo, hindi noh! Wala akong panahon sa mga pesteng love na yan! Sarili ko nga di ko pa maayos-ayos, tapos idadagdag ko pa yang love na yan! E di mas lalo pa na nasira ang buhay ko!
Hayyy! Ba't ba ang defensive ko! Tong lola niyo talaga ha!
Makapaglibut-libot nga muna ako! Nabobored akong nakaupo eh! At saka isa pa, nakakasawa rin yung palaging nakaupo! Nakaupo na nga sa school, pati ba naman dito!
YOU ARE READING
Kissed By Accident?
Ficção AdolescenteAccidents are the reason why many people find their destiny.....