Chapter 16: Monday Cursed

4 1 0
                                    

Pagrinig ko pa lang ng alarm clock ko, nantayo na ang mga balahibo ko! Kaloka! Ito na yung day na pinaghandaan ko ng sobra! Ang paghandaan ang mga babae at binabaeng for sure, pinaghandaan din ang araw na ito! Magiging kawawa ako, baka pagtulung-tulungan nila ako! Pambihira kasi, kasalanan na naman ng maniac na yun ang peste na ito! Bakit ba gano'n? Simula ng nakilala ko siya at nangyare yung damn kiss na yun, mas lalong gumulo ang buhay ko! How could I wish na sana, maibalik ko yung time at baguhin ang lahat!

Agad akong tumayo sa kinahihigaan ko at agad na naligo, nagbihis at kumain!

Ang bilis ng oras! Gustuhin ko mang hindi pumasok, I'm sure bubungangaan na naman ako ng mga ate ko hindi dahil concern sila kundi dahil papagalitan sila nina mom and dad! Sabihin na pabaya silang mga ate which is true naman talaga, at sa akin ibaling ang galit nila!

Habang tumatakbo ang kotse na minamaneho ni Mang Dencio,  biglang tumunog ang cellphone ko! I think it's Hope!

Tinignan ko ang cellphone ko at nagkaroon ng pagkadismaya! Paano naman kasi, si Mr. Maniac!

From: Maniac

Gusto mo bang masurprise?

Masurprise? Ano naman ang ibig niyang sabihin? Bakit naman niya ako susorpresahen?

Nga pala! Nagpalitan kami ni maniac ng number noon... hindi ko nga alam kung bakit ako pumayag eh na ibigay sa kanya ang number ko! Ahhh.. tama nga! Bigla kong naalala ang rason, dahil pinagbantaan niya ako na hindi niya ako ihahatid pauwi! Gago talaga siya, kaya syempre, I have no choice! I gave him my number not because I want to but because I have no choice! Syempre, kinuha ko rin ang number just to make sure na hindi niya ako te-textmate'n? Alam niyo na, nagsisigurado lang!

Dun kasi sa lugar nila, wala  masyadong dumaraan na sasakyan! At ayoko namang maglakad noh, pauwi! I am not going to make my feet suffer, no way!

To: Maniac

Surprise? Ano namang surprise ang gagawin mo?

I'm clueless! At masyadong kinakabahan, hindi lang sa surprise niya kundi para rin sa sarili ko mamaya!

One message recieved...

From: Maniac

Just wait! You'll be surprise:)

My ghad! Kinakabahan ako sa surprise na yan 'ha! I don't know but I have a bad feeling about it!

Hindi ko na siya ni-replayan pa kasi, wala na akong pakialam pa sa kanya! Bahala siya, gawin niya lahat ng gusto niya, wala akong pakialam!

Suddenly, biglang nagsalita si Mang Dencio.

"Ma'am, hindi pa po kayo bababa? Nasa school niyo na po tayo." Pagpapaalala niya!

Ayyy! Nasa school na pala kami? Di ko man lang namamalayan na tumigil na pala ang kotse!

I sighed! Super deep sigh!

"Ma'am, may problema po ba?" He asked me!

Oo manong. May problema. Kasi, natatakot ako na bumaba. Baka kasi salubungin ako ng mga babaeng galit sa akin! Hindi ako mapakali!

Umiling lang ako. "Wala manong!" Medyo ramdam ko na ramdam niya ang kaba sa boses ko. Ano daw? Ang gulo ko mga ateng!

"Kung ganoon po ma'am, bakit po kayo kinakabahan at hindi mapakali?"

Sus naman tong si Mang Dencio oh! Tanong ng tanong, ang kulit! Hindi ba pwedeng tumahimik na lang siya?

"Wala lang 'to! Just do not mind me Mang Dencio!" At iaakma ko nang bubuksan ang pinto ng kotse pero nag-inhale/exhale muna ako!

Kissed By Accident?Where stories live. Discover now