Hope's POV
Nagbibihis ako ngayon. Syempre, I chose the perfect outfit for me.
Nasa tapat ako ngayon ng salamin at minake-up'an at linipstickan ang mukha kong maganda. Paano kasi, magco-confess ako ngayon sa taong mahal ko... sa lalakeng lihim kong minamahal. No other than Jeiks! I love him so much...
Its been three weeks after ng exam namin at nila Jeiks. And I am so glad kasi, tumaas ang mga grades ko! Kaloka. Inspired eh! Ano pa ba?
Magkikita kami mamaya ni Jeiko sa park, alas sais! At dalawa lang kami... hindi ko na ininform pa sila Jil at Brent kasi, ayoko namang magulo noh! Ang gulo kasi kapag nagsasama kaming apat! Basta ang sinabi ko na lang kay Jeiks ay may importante akong sasabihin sa kanya, at dapat kaming dalawa lang!
Tinignan ko ang wrist watch ko, at 5:30 na! 30 minutes na lang... at magsi-six na! At dahil doon, lumakas ang kabog ng dibdib ko. Kaya ko kayang magconfess sa kanya about my feelings on him? Shems, kinakabahan ako. Pero ngayon pa ba ako kakabahan? Ngayon pa ba na nasabi ko na magkikita kami? No way! Nasimulan ko na, at tatapusin ko to!
Pero, paano kung hindi niya ako gusto? Paano kung friends lang ang tingin niya sa akin? Paano kung iba ang gusto niya at hindi ako? Shems... wag naman sana!
Ano ka ba Hope? Be positive nga! Wag ka ngang nega... nakakabawas yan sa ganda mo! Ayaw mo naman sigurong magmukhang losyang noh, mamaya?
Sabi ng sarili ko sa akin. Shems! Pero kinakabahan talaga ako... it takes courage to confess kaya, and I think, hindi pa yun enough! But I must!
Lumabas na ako ng bahay, and sinimulang maglakad papunta sa park. Since hindi naman malayo at walking distance lang, maglalakad na ako. Yun naman usually ang ginagawa ko eh. Naglalakad!
Nasa park na ako ngayon, and I saw Jeiko. Nakaupo siya sa paborito naming upuan ni Jil at tinitignan ang oras... naiinip na siguro siya! Shems... kinakabahan ako! Eh kung wag na lang kaya! Pero ngayon pa ba Hope? Wala ng atrasan na this!
Pumunta ako sa kinauupuan ni Jeiko... and I saw his bright smile when he saw me. Shems! I love his smile!
Mabuti na lang at kaunti na lang ang tao ngayon dito sa park. Tatlong tao na lang ang nasa paligid namin.
Tumayo siya.
"May sasabihin ka, right?" He asked me.
Ang atat naman ng Jeiks ko! Wait lang kasi...
Pero ito na talaga. Sisimulan ko na ang pagcoconfess ko.
I cleared my throat first.
"Jeiks, kasi------" Naputol ang sasabihin ko kasi....
"Jilian, you're here!"
Tumingin ako sa tinitignan ni Jeiks and I saw Jil approaching! Damn, bakit siya nandito? Hindi naman sa ayoko pero... its going to be uncomfortable for me na mayroon siya sa confession ko kay Jeiks.
"Oh! You are here pala Hope!" Masayang sabi ni Jil and she hugged me. I hugged her back.
"Why are you here?" Tanong ko kay Jil.
"Si Jeiko eh... he invited me!" Jil answered!
I don't get it. Why would Jeiks invite her? Eh sinabi ko naman na dapat kaming dalawa lang.
Hinarap ni Jil si Jeiko.
"Bakit nga pala Jeiko?" Jil asked Jeiko.
Jeiko just smiled at Jil!
Well, I guess, okay lang kahit meron si Jil. Wala namang masama doon.
"Jeiks..." Me.
Pero hindi niya ako napansin dahil kasabay ng pagtawag ko sa pangalan niya ay ang pagtawag niya rin sa pangalan ni Jil.
"Jilian..." Jeiko.
Bale nasa likod ako ngayon ni Jil, kaharap niya si Jeiko. Ano ito? Bakit parang nag-iba ang timpla ng hangin... hindi ko magets!
"Jilian... I would like to take this opportunity to tell you how much I love you!" Sabi ni Jeiko kay Jilian.
Hindi ko alam pero bigla ko na lang naramdaman ang pag-init ng mga mata ko... at kasabay nun, ay pag-agos ng mga luha ko. Ano ito? Bakit ganito?
"W-what do you mean?" Nauutal na tanong ni Jil kay Jeiko. "I k-know that you love me as a friend!"
Parang natulala ako sa mga pangyayari. Di ma-take ng puso ko. Para na itong nadudurog ngayon sa sakit!
"Not as a friend... but more than friends!" Jeiko.
Di nakasagot si Jil.
"Di ko alam pero, ang gusto ko lang naman noon... friendship! Pero ngayon, hindi na lang friendship!" Jeiko.
Mas lalong tumulo ang luha ko sa mga pisngi ko... ang ipinag-iingat ko lang ay ang ang makagawa ako ng paghikbi at malaman nila na umiiyak ako!
"Guys... I need to go! Kayo na muna dito ha!" At tumakbo na ako. Hindi ko alam kung napansin nila ako o hindi, basta ang alam ko lang, nasasaktan ako ngayon!
Patuloy pa rin ako sa pagtakbo... and I don't where my feet taking me. Basta gusto ko lang lumayo sa dalawa, at gusto ko, ako lang mag-isa.
Nang makarating ako sa lugar na wala ng masyadong tao, ay doon na ako tumigil! At di na rin kinaya ng tuhod ko dahil sa panghihina ng katawan ko kaya napaupo ako!
"Damn! Damn Hope!" Sigaw ko! Wala akong pakialam kung may nakakarinig pa sa akin! Basta gusto ko lang ilabas ang sakit na nararamdaman ko!
Kaya pala... ganoon na lang ang trato ni Jeiks kay Jil kasi may feelings siya dito.
Kaya pala sa tuwing may lakad sila Brent at Jil ay ganoon si Jeiks... di maipaliwanag na ewan!
Nakahalata naman talaga ako kay Jeiks eh... but I'd never doubted him, na meron siyang gusto kay Jil... na mahal niya ito MORE THAN FRIENDS! Damn Hope! Ang tanga mo! Eh di kung sana, alam ko na may feelings na pala si Jeiks kay Jil, eh di sana hindi na ako nagplano pang magconfess pa! Damn... pinamukha ko lang sa sarili ko na tanga ako at kawawa!
Panay pa rin ang pag-iyak ko! I tried to stand pero hindi kinaya ng katawan ko na tumayo... Shit! Fvckshit Hope!
Ang sakit! Sobra!
Sobrang sakit na isipin na ang araw na magco-confess ka sa taong mahal mo ay siya ring araw na magco-confess siya sa taong mahal niya... sana, maglaho na lang ako dito sa mundo! Bwisit!
{A/N} May part two po itong chapter 35. Jilian's POV! Emwe!
YOU ARE READING
Kissed By Accident?
Teen FictionAccidents are the reason why many people find their destiny.....