Chapter 41: Jeiko

2 0 0
                                    

Its been a month at malapit na ang christmas... its been a month nang nagkausap kami ni Brent... at sinagot ang mga ate ko! Ghad! Hindi ko na masyadong naiisip pa si Brent dahil kay Jeiko...

Wala ka talagang masasabi kay Jeiko! He is always at my side and comforting me! Buti pa siya! Buti pa siya hindi ako iniiwan!

Yung mga ate ko naman... wala lang! Hindi nila ako pinapansin! Mas mabuti na rin ang ganoon kaysa naman sinasaktan nila ako!

Nandito ako ngayon sa school, kasama si Jeiko dito sa bench! Nakasandal lang ang ulo ko sa balikat niya! Sabay hagod niya ng buhok ko... and it comforts me so much!

Break time kasi namin ngayon kaya naman dito muna kami! Being with him... nakakalimutan ko ang sakit!

Kasalukuyan kami ngayong nakikinig ng music... nakaheadset kami! Yung isa nasa left ear niya at yung isa naman, nasa right ear ko!

Ang ganda ng pinapakinggan namin ngayong music. Music na tumatagos talaga sa puso ko dahil sa mga lyrics nitong pangbroken hearted!

Hindi ko namamalayan naluluha na pala ako! Tang*na... naaalala ko si Brent dahil sa music!

Bigla kong naramdaman ang mga kamay ni Jeiko na pinunasan ang mga luha ko at tinanggal ang headset sa tenga ko!

"Bakit mo tinanggal?" Curious na tanong ko!

"Dahil ayaw kong umiiyak ka. I know, naaalala mo na naman ang gagong Brent na yun dahil sa kanta." Malungkot na sabi niya!

Nga pala! Wala na si Brent dito sa school! Nagtransfer na siya sa ibang school where his girlfriend studying!

Tama naman siya eh! Nasasaktan ako... dahil naaalala ko si Brent sa kanta!

Pero bilib din naman ako kay Jeiko. Super concern talaga siya sa feelings ko. At salamat kasi... ganito siya!

"Jeiko... paano ba lumimot?" Tanong ko. Kasi, gusto ko na siyang kalimutan. Naaalala ko lang siya, sobrang nasasaktan na ako.

"Depende sayo. Kasi, hinding-hindi ka naman makakalimot eh hangga't mahal mo pa rin siya!" Sagot niya!

"Jeiko. Ano ba dapat ang gawin ko para mawala na ang pagmamahal ko sa kanya?" Tanong ko ulit. Desperada na akong kalimutan siya. He is the reason why I am hurting. I don't deserve to be hurt kaya.

"Wala kang kailangang gawin Jilian. Kung mahal mo siya, mahal mo talaga siya. Kahit masakit kung siya talaga ang mahal mo at linalaman ng puso mo, wala kang magagawa. Mahirap kalabanin ang puso Jilian." Sabi niya.

Kung makapag-advice siya, parang may experience na siya. Ayy. Nakalimutan ko, mahal pala niya ako, which is hindi ko naman masuklihan ang pagmamahal niya!

"Sorry!" I apologized. Alam ko, kahit hindi niya sabihin!

"Sorry for what?" Tanong niya.

"Sorry kung hindi ko masuklihan ang pagmamahal mo sa akin!" Malungkot na sabi ko!

Hinawakan niya ang mga pisngi ko.

"Jilian, you don't be! Mahal kita... kahit na hindi mo ako mahal at iba ang mahal mo, ikaw pa rin ang mahal ko at mamahalin ko!" He said, with tears on his eyes!

"Thank you for that unconditional love Jeiko!" Naluluha ring sabi ko!

Naluluha ako hindi dahil kay Brent pero dahil kay Jeiko. Nakakaawa siya. Umiiyak siya dahil sa akin. And I appreciate it. Dahil sabi nga nila, you can give your smile to anyone... but not your tears, unless that person who is the reason why you cry is special to you!

Kissed By Accident?Where stories live. Discover now