Para akong nalaglagan ng tinik sa lalamunan ko. After 18 hours na galit siya sa akin... ay, mali pala, hindi siya nagalit sa akin. Kaya naman ewan kung ano man ang naramdaman niya. Basta... the most important thing is we are now friends!
Tapos na ang lahat ng klase namin pero may 45 minutes pa bago mag-alas kwatro. Ang oras na pinakahihintay ko. Ang uwian!
Andito ako ngayon sa bench kung saan kami nag-usap kanina ni Jeiko. Naghihintay. Marami ring tao sa paligid kasi kapwa ko rin sila naghihintay na magring na ang bell at umuwi na kami. Maya-maya, biglang nasa harap ko na sina Lindsay, Mara at Nathalie!
"Oh... kamusta na ang binunully namin?" Masayang tanong ni Mara.
As usual masaya ako. Hindi niyo na ako binubully eh... pero mukhang bubullyhin niyo na naman ako ngayon.
"How is being a girlfriend of Brent?" Tanong ni Nathalie. "Do you feel safe?"
Hindi niya ako girlfriend, for your information! FAKE girlfriend niya lang ako!
"Do you know what, we miss you so much!" Sabay hawak ni Lindsay ng pisngi ko. Agad kong inalis ang kamay niya sa pisngi ko. At nagulat si Lindsay sa inasal ko.
"Oh wow! Naging girlfriend ka lang ni Brent, tumapang ka na!" Nanggigigil na sabi ni Lindsay!
"Akala niya siguro takot tayo sa ipinagmamalaki niyang boyfriend niya!" Nathalie!
"Pwes akala niya lang yun!" At nagsmile si Mara ng mapait habang tinitigan ako ng masama!
Lumapit sa akin si Lindsay! "Don't you dare to think na takot kami sa boyfriend mo kasi, we are not scared of him!" Matigas na sabi niya! Naramdaman ko ang init dahil pinapalibutan na pala kami ng mga kapwa namin estudyante na tutok na tutok sa kapapanood sa amin! Neh wala man lang magtangkang lumapit at tumulong sa akin! No one cares at me!
"Bitches!" Wala sa matinong pag-iisip na sambit ko! Hindi ko namalayan na nasabi ko na pala yun... kaya mas uminit ang dugo nila sa akin!
Lalapit sana sa akin sina Mara at Nathalie nang pigilan sila ni Lindsay! "Let me handle this, girls!" At siya naman ang lumapit!
"Did you just say that we are bitches?" Sabay tapik ni Lindsay sa pisngi ko. "Pwes, I'll show you how wild a bitch is!" Sasampalin niya na sana ako nang may pumigil na kamay sa kanya... tinignan ko and its Mr. Maniac! Buti na lang meron siya, dahil kung wala siya, kawawa ako!
Tinulungan siya ng mga alipores niya pero wala rin silang nagawa dahil naitulak sila!
Si Lindsay naman, inaagaw ang kamay niya hanggang sa binitiwan ni Mr. Maniac at naipaupo siya sa ground!
"Narinig niyo naman ang warning ko sa inyo noon di ba? Na kahit babae pa kayo, basta sinasaktan niyo siya, wala akong pakialam! I'll protect my girlfriend no matter what..." Seryosong sabi ni Mr. Maniac sa mga bitches!
Bangon silang tatlo...
"You'll regret this!" Pagbabanta ni Lindsay kay Mr. Maniac! "Do you know Jeiko? Matutulad ka sa kanya! Our boys will surely kill you!" She added. "Let's go girls!"
At umalis na ang mga bruha! Ganyan nga... umalis na kayo!
"At kayo.." Kausap ay ang mga nanonood na estudyante. "Tapos na ang palabas... and don't you dare to hurt my girl, or else!"
At nagsibalikan na sa kanya-kanya nilang gawain ang mga estudyante.. Karamihan ay umalis na!
Umupo siya sa tabi ko kaya lumayo ako ng kaunti...ayoko ng sobrang close kami! I want some space, or even wider space! Pero nag-aalala ako sa maaaring mangyari sa kanya! What if matulad siya kay Jeiko? Mapahamak siya dahil sa akin... ghad! Di kaya ng konsensya ko!
"Take care... hindi sila biro kasi, may mga kasamahan silang mga boys!" Pag-aalala ko!
"Okay... Thanks sa concern!" Naisagot niya. "Pero may sasabihin ako sayo."
Ano na naman bang sasabihin niya? Kaloka!
"Ano?" Tanong ko!
Humarap siya sa akin na nakaupo lang kami. Inayos niya ang buhok niya at kinindatan ako!
"Pwede ba akong manligaw?" Tanong niya habang nakatitig siya sa akin! Ang tingin niyang malagkit! Ang tingin niyang........... NAKAKASUKA!
Di ko maiwasang mapanganga sa inasal niya! Ghad! Linoloko ba ako ng lalakeng ito?
"Sumagot ka naman oh! Pwede ba akong manligaw?" He repeated. Seryoso ba talaga ang gagong ito? I smell something... its fishy!
"A-ano bang pinagsasabi mo? U-umalis kk-a ng-a!" Nauutal na sabi ko!
"Bakit mo ako pinapaalis? Di mo pa ako sinasagot eh!" Seryosong sabi niya. Ang kanyang mga mata ay mas lalong lumagkit ang mga tingin!
"A-al-am m-mo... h-hindi ma-g-gandang joke a-ang g-ginagawa m-mo!" Nauutal pa rin na sabi ko!
Pinakaramdaman ko ang tibok ng puso ko. May something na kakaiba! Nanlalamig din ako, gosh! Ano ito? Para akong nasa hotseat! Hotseat!
Nang bigla siyang matawa!
"Akala mo ba, totoo?" Sabay tawa niya pa.
Sinamaan ko siya ng tingin! Gago! Iniinis mo talaga ako 'ha! Pwes, wag mo ako sisisihin kapag isang araw mapatay na lang kita! Bwisit ka!
Hinintay ko siyang matigil sa pagtawa hanggang sa natigil na siya...
"So.... do you find it funny?" Seryosong tanong ko!
"Yes... of course!" Na siya namang isinagot niya!
Nakakatawa sa ginawa mo? Wala. Ininis mo lang ako.
"Kahit kailan talaga, wala ka ng ginawa kundi inisin mo ako! Hobby mo ba talaga yun?" Inis na tanong ko.
"Galit ka ba sa akin?" Tanong niya.
"Oo!" Matigas na sagot ko! "Gago ka! Bwisit ka!"
"Sus! Para sa bagay lang naman na yun? Unless, gusto mo talagang itotoo ko?" Nakita ko na naman ang mga mata niyang malagkit na nakakasuka!
"Ewww!" Pandidiri ko! "Naririnig mo ba ang mga sinsabi mo?" Tanong ko!
"Oo naman!" He answered quickly. "At naririnig ko rin ang tibok ng puso mo ngayon... malakas at mabilis!"
Pinakiramdaman ko naman ang puso ko na tama nga, malakas at mabilis ang tibok nito! Pwes, yun ay dahil sinindak mo ako sa tanong mo, gago!
"Kapal!" I said! At nagring na ang bell at tumayo na ako at umalis na! Ayoko na rin kasing makipagkulitan pa sa lalakeng yun eh!
YOU ARE READING
Kissed By Accident?
Novela JuvenilAccidents are the reason why many people find their destiny.....