Chapter 8: Saving Me, Part 2

11 1 0
                                    

Yes!

Hapon na!

Uwian na!

Park time na!

Nang nakalabas na ako sa gate, tinignan ko ang lugar kung saan nakaupo si Jeiko kahapon! Wala siya!

Nakakapagtaka kasi alam niyo, nang iniwan na niya ako.... mali pala! Ako pala ang nang-iwan sa kanya kasi galit na galit ako kanina, hindi ko na siya nakita pa! Wala talaga akong konsensya sa kanya noh! Iniligtas na nga niya ako, ako pa yung may ganang magalit sa kanya!

Pwes, sa'n kaya siya nagpunta?
Bakit hindi na siya nagpakita pa sa akin kaninang hapon?

Anong meron sa kanya?

Hayy! Ang dami kong tanong! Siguro nagtampo na siya sa akin, o di naman kaya'y sawa na siya sa kasungitan ko sa kanya! Well, bahala siya! Hindi naman ako magsa-suffer pag wala siya eh! Actually,  matutuwa pa ako kasi wala na yung panggulo sa buhay ko!

Sinimulan ko ng maglakad papunta sa park! Siguro, andun na si Hope! Naghihintay na siya siguro sa aken!

At binilisan ko na ang paglalakad papunta sa park! Hanggang sa humantong na sa tumakbo na rin ako!

Takbo!

Takbo!

Takbo!

As in sobrang daming takbo bago ako nakarating! Hiningal ako! Grabe!

Tinignan ko ang inupuan namin kahapon, walang tao! Tinignan ko rin ang paligid,  pero wala akong makitang Hope!

Pumunta ako sa inupuan namin kahapon na siya ring paborito kong upuan noong ako lang mag-isa at umupo!

Ano kaya?

Darating kaya siya?

O baka naman.... *deep sigh*

Wag naman sana! Maghintay ka lang Jil! Don't lose hope kay Hope!

Eh kasi naman e! Ang tanga ko! Di ko man lang kinuha ang number niya, para naman matetext'an ko siya, kung maghihintay ba ako sa meron, o wala! Para naman di ako umasa! I'm hoping kasi eh na magiging bestfriend ko siya! Gusto ko rin kasing maramdaman ang magkaroon ng  kaibigan eh! Para naman may dumadamay sa akin kapag may problema ako! Kasi, nakakainis din yung kinikimkim mo lang yung sakit ng buhay! Yung walang mapag-sharan!

















Yung excitement na naramdan ko, it turned into sadness! Mukhang hindi na kasi siya darating!  Dalawang oras na ang nakalilipas eh! Alas sais na ng hapon, at medyo madilim na!

Nagsisialisan na rin kasi ang mga tao! I'll keep on waiting! Alam ko na darating siya, may something lang sigurong nangyare! Something na sobrang importante kaya hanggang ngayon, wala pa siya!

Please! Sana naman dumating siya!

Please!











After pa ng dalawang oras, wala pa rin siya! Alas otso na! Hindi na siguro siya darating ngayon! Wala ng ibang tao maliban na lang sa isang couple na nasa isang sulok at nagde-date!

Tumayo na ako sa kinauupuan ko! Na may bakas ng kalungkutan sa mukha ko!

Nakakainis! Ganito pala ang pakiramdam ng pinaasa! Parang nadudurog ang puso ko sa sakit! Yung inakala mong magiging bestfriend mo, hindi ka sinipot!

"Hope! Ang sama sama mo! Sabi mo magkikita tayo ngayon, pero bakit di ka dumating?! Nakakainis ka! Sobra! Sabagay! May pagkabaliw ka rin eh! Bakit naman kasi ako naniwala sa isang baliw na kagaya mo?! Napaka-weirdo mo, paasa ka! Baliw!" Sigaw ko! Pwes, wala namang makakarinig sa akin kundi yung couple na nagde-date lang naman! Tinignan ko sila, pero parang wala lang sa kanila! Busy sila eh!

Kissed By Accident?Where stories live. Discover now