Chapter 46: Goodbye

3 0 0
                                    

Brent's POV

Andito ako ngayon sa isang bar! Naglalasing! Ano pa nga ba? Ano pa nga ba ang dapat ginagawa ng isang lalakeng katulad ko na sawi sa pag-ibig? Di ba't ang uminom!

Nakakailang bote na ako... pero bakit ganoon? Parang wala pa ring epekto? Hindi ako nalalasing tangna!

Naglalasing ako ngayon dahil gusto kong lumimot! Gusto kong pansamantalang kalimutan si Jilian... kasi, maging sa panaginip ko siya ang laman! At pati doon sa panaginip ko, na walang pinagkaiba dito sa realidad, ipinagtutulakan ako palayo ni Jilian!

Inaamin ko naman eh, nagkamali ako! Pero ganoon na ba talaga kahirap ang patawarin ako?! Kasi, sirang-sira ako knowing na galit sa akin si Jilian! Because I love her... and without her, my life is a mess!

Jilian! Ito ang tatandaan mo... hindi kita susukuan! Mahal na mahal kita ano man ang mangyari!

Maya-maya, biglang may umupong babae sa tabi ko at hinagod ang likod ko. Hindi na ako nag-abalang tignan pa siya! Para saan pa kasi?

"Are you okay boy?" Tanong nito sa akin. Tangna! Isang low class bitch! Pwes, wala akong gana na makipagharutan... nasa bad mood ako! At kahit pa nasa good mood ako, wala pa rin akong planong makipagharutan!

Tinabig ko lang ang mga kamay niyang nasa likod ko!

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at iniharap ang mukha ko sa mukha niya

"You look so sad! Do you want me to make you feel alive?" With her seductive voice!

Dahil makulit siya, at inis na ako, di ko na napigilan pang itulak siya! At napaupo siya sa floor!

"Wag ako miss huh! Wag ako!" Pagbabanta ko sa kanya!

Tumayo siya na nakapamewang!

"Kung ayaw mo, eh di wag!" At umalis na siya!

Ayyy talagang ayaw ko! Bitch! Bakit naman ako papatol sa isang katulad mo?!

Habang nilalagok ko ang alak ay biglang may umupo sa tabi ko. Hindi na ako nag-abala pang tignan siya! Para saan pa kasi... baka isa na naman siya sa mga babaeng liw class bitch!

Pero hindi... dahil nang tawagan niya ang pangalan ko,

"Brent!" She said.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya. "Di ba sinabi ko sayo, tumigil ka na dahil kahit na anong gawin mo, si Jilian lang ang mamahalin ko!"

Hindi pa rin ako tumitingin sa kanya! Para saan pa kasi na tignan ko siya?!

Tama! Si Trish nga ang kausap ko! Alam niyo, ang kulit ng babaeng ito!

"I'm not here para ipagsiksikan pa ang sarili ko sayo! I'm here to say goodbye!" She said.

Oh! That is so nice to here! Finally... napag-isip isip na rin niyang mag-goodbye! Sana kasi, hindi na niya naisipan pang bumalik! Kasi... ginulo niya lang ang buhay ko! Ang buhay namin ni Jilian! Maayos na eh, dumating pa kasi siya! Kainis!

"That's good! Magpakasaya ka!" I said.

Maya-maya, narinig ko ang paghikbi niya! Damn! She's crying! Umiiyak ba siya dahil sa sinabi ko?

"Brent... alam ko, isa lang akong malaking perwisyo sa buhay mo! Dahil sa akin, nagsa-suffer ka... nung iniwan kita ng walang pasabi, alam ko na you suffered a lot! Tapos ngayon na bumalik ako... nahihirapan ka at nasasaktan dahil sa akin! Kung hindi dahil sa akin, ayos pa sana kayo ni Jilian ngayon! Kung hindi dahil sa akin, malamang wala ka ngayon dito na umiiyak at naglalasing dahil kay Jilian! Brent.... I am sorry!"

He held my hand.

Nakikita ko sa mga pisngi niya ang mga luhang umaagos! At wala akong magawa kundi ang damayan siya sa pag-iyak!

"Trish... pinapatawad na kita! Trish... salamat kasi, kahit na labis mo akong sinaktan, hindi naman puro sakit lang ang ibinigay mo sa akin eh! Kasi... pinasaya mo din ako, napangiti mo din ako, napaligaya mo din ako... at higit sa lahat, minahal mo din ako!" I said.

"I hope, magkaayos na kayo ni Jilian! Sana maging okay na kayo!" She said. "Can I hug for the last time..." she requested!

"Of course! You can hug me!" I said.

Hindi naman siguro masama kung yakapin niya ako... goodbye hug na rin naman eh!

And we hugged each other tight... and after ng ilang segundo, tinanggal na namin ang pagkakayakap namin sa isa't isa!

Tumayo na siya.

"Goodbye Brent!"

"Goodbye Trish!"

At umalis na si Trish!

Masaya ako kasi, narealize na rin niya sa wakas na... hindi ko na siya mamahalin pa! Dahil dito sa puso ko, si Jilian na ang nandito! Hinding-hindi na mapapalitan pa ng kahit na sino!

------------------------------------------------

Trish's POV

Nandito na ako ngayon sa labas ng bar, na kung saan umiinom si Brent! I feel bad for him... nakakaawa siya! Ang itsura niya, at ang mga mata niyang namumula na sa kakaiyak!

She really loves Jilian... kasi, kung hindi naman niya mahal, bakit siya nagpapakalasing ngayon? Bakit siya umiiyak? Alangan namang dahil sa akin... impossible!

Sinalubong na ako ni Clarence at pumasok na kami sa kotse niya! Nakaupo ako ngayon sa tabi ng driver's seat at si Clarence naman sa driver's seat!

"Ano? Maayos ba ang pag-uusap niyo?" Tanong niya sa akin.

"Maayos naman!" I answered!

"Mahal mo pa ba siya?" He asked me again.

"I dont know... basta ang nararamdaman ko lang ngayon ay nasasaktan ako dahil tapos na kami!" I answered honestly!

Tumulo ang mga luha ko sa mga pisngi ko. Naramdaman ko ang mga palad niyang pinunasan ang mga mata ko... at napatingin ako sa kanya!

"Always remember, nandito lang ako sa tabi mo! I will never leave you... handa akong punasan ang mga luha mo at handa akong icomfort ka anytime!" He said.

"Salamat Clarence!" I said.

Ang Clarence ngayon na kaharap ko ay ang bestfriend ni Brent. Siya yung lalakeng minahal ko, ang lalakeng dahilan kung bakit ko iniwan si Brent noon!

Kaya palagi akong updated noon kay Brent dahil kay Clarence! Siya ang nagsasabi sa akin kung kamusta na si Brent... kung ano na ang kalagayan niya dahil sila ang madalas na magkasama!

Nabuntis ako noon ni Clarence kaya nagtago ako noon... pero unluckyly, naalisan ako!

Alam ng mga parents ko na buntis ako noon, at sila pa nga mismo ang nagtago sa akin.

After kung maalisan, I've decided na balikan si Brent... pero, huli na ang lahat! Huli na dahil mahal na pala niya si Jilian... pero okay din naman kasi, sa konting panahon na nakasama ko siya, naging masaya ako!

"Gusto mo ipagdrive kita? Magjo-joyride tayo?" Clarence suggested!

Tumango na lang ako!

At inistart na niya ang kotse at pinatkbo ito!

This is it!

The start of forgetting him!

{A/N} oh ayan! Sorry guys... sa next chapter niyo pala malalaman kung ano ang nangyari kay Jilian... kung nabangga ba siya or what? Kapit lang!

Kissed By Accident?Where stories live. Discover now