Chapter 43: Regret

2 0 0
                                    

Jilian's POV

Umaga na ngayon, at grabe! Hindi pa rin ako makamove on sa Trish na yun kahapon! Masaya na sana dahil masaya ako maghapon with Jeiko... marami kaya kaming ginawa together and being with him is fun. Sulit ang pag-iskip namin ng klase.

Pero nang dumating ang Trish na yun, para lang niyang binura ang mga masasayang ginawa namin ni Jeiko! And looking at her, parang kagagaling niya lang sa pag-iyak. Sobrang pula ng mga mata niya.

At saka ano yung sinabi niya? Na mas pinili ako ni Brent over her? Ghad! As if naman may pakialam ako! Wala na akong pakialam kay Brent! Paano kasi, ang galing ni Jeiko na magpawala ng sakit ng nararamdaman ko! And being with Jeiko, wala ka talagang masasabi!

Pumunta na ako sa CR at nagbihis. Nag-uniform. Nagbreakfast. At yun, inihatid ni Mang Dencio sa school.

Nandito na ngayon ako sa school at kaaalis lang ni Mang Dencio.

Agad na akong sinalubong ni Jeiko na sobrang saya. Ang mga ngiti niyang nagpapangiti sa akin. I love his smiles. Parang kailan lang ipinagtutulakan ko siya pero parang vitamins ko na siya ngayon.

"Ayos ka lang ba?" Tanong niya sa akin. Naglalakad kami ngayon.

"Oo naman!" I answered.

Suddenly, biglang may humila sa kamay ko sa likod at napaharap ako sa taong humila sa akin... at nagulat ako dahil si Brent pala!

What the... bakit siya nandito? Hindi na kaya dito ang school niya!

"Bitiwan mo siya!" Sabi ni Jeiko pero itinulak lang siya ni Brent.

"Jilian!" Brent hugged me, but I just pushed him away from me!

"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo Brent?!" Inis na tanong ko.

Hinawakan ni Jeiko ang kamay ko.

"Oo nga! Umalis ka na nga!" Sabi naman ni Jeiko! "After mo siyang lokohin at ipahiya... may mukha ka pa palang ihaharap!"

I know. Jeiko is doing this because he's concern.

Ramdam ko ang paligid na parami na ng parami ang mga estudyanteng nanonood sa amin.

"Ano bang pakialam mo Jeiko?! Sino ka ba sa inaakala mo?!" Inis na tanong ni Brent.

"Jeiko is my boyfriend!" I said. I saw in Brent's face na nagulat siya sa sinabi ko.

Ang totoo niyan hindi pa naman talaga KAMI ni Jeiko... pero eto na, sinasagot ko na siya! Hindi dahil para maging palabas lang... hindi dahil para tumigil na si Brent... kundi dahil yun ang totoo! Na mahal ko siya... at gusto ko na siyang maging boyfriend. Kahapon kasi, sinabi ko sa kanya na ngayon ko sasagutin ang tanong niya... na gusto niya akong maging girlfriend? At eto na... sinagot ko na!

Nagulat si Jeiko sa sinabi ko... pati si Brent, nagulat din! Napaluha si Brent nang hindi ko alam ang dahilan... pero ang sa tingin ko lang na dahilan kung bakit siya umiyak ay dahil nasasaktan siya sa mga sinabi ko! And who cares?!

Nagkaroon din ng konting ingay mula sa paligid, but who cares again?!

"Totoo Jilian?" Di makapaniwalang tanong ni Jeiko!

Hinawakan ko ang mga pisngi niya at nginitian siya.

"Di ba sabi ko sayo kahapon, ngayon mo malalaman ang sagot ko? Well, ito na! Sinasagot na kita!" I said.

Halos maluha luha siya sa sinabi ko...

"Hooo... yes! Kami na ni Jilian! Hooo!" He shouted.

Kissed By Accident?Where stories live. Discover now