*Tuesday morning*
Pagbaba ko ng kotse na siyang service ko, agad kong nasilayan ang isang lalake na palapit sa akin. Nakangiti siya at sobrang kilala ko siya, kung hindi ako nagkakamali, siya nga!
Si Jeiko! He's back, shit! Kainis!
Pero bakit ganito? Parang merong part ng sarili ko ang masaya? Damn!
Punung-puno ng band aid ang katawan ko. Dalawa sa braso ko, isa sa mukha ko at marami pa sa katawan ko na nakatago sa mga damit ko. Sa tyan, sa likod at meron pa sa baba. Ayyy! Ang hirap kasi na may mga bully kang ate! Shitness!
Pero thankful ako kasi hindi naman malala, may mga iba lang na meron pero konti lang.
Nang nakalapit na sa akin si Jeiko. Gano'n pa rin ang awra niya. Nakangiti na para bang walang problema! Napansin ko ang band aid sa iba't ibang parte rin ng katawan niya. May mga gasgas pa siya na naghilom na.
Gusto kong tanungin kung ano ang nangyari sa kanya, pero bakit pa?
Naalala ko rin ang panaginip ko noon na binubugbog siya. At naisip ko, hindi kaya nabugbog siya?
Hindi naman siguro! Duh! Di ba nga sabi nila na ang panaginip ay kabaliktaran ng katotohanan, kaya malabo na nabugbog siya. At saka isa pa, ang saya niyang nakangiti na para bang tanga kaya naman I have no doubt na hindi siya nabugbog! At saka ano bang pake ko sa kanya! Pareho lang sila ni Mr. Maniac na peste sa buhay ko!
"Hi!" Nakangiting sambit nito.
Hindi ko siya pinansin at sinimulan ko ng maglakad. Ramdam ko na sinundan niya ako dahil napakalakas ng tunog ng paglakad niya!
"Hindi mo na naman ba ako papansinin friend?" Eto na naman siya sa friend niya, ang baduy! Yuck!
Hindi ko pa rin siya pinansin. I don't wanna waste my time talking with him.
"Hala! Bakit di mo ako pinapansin?" Nagtatakang tanong niya.
Napatigil ako sa paglalakad at humarap sa kanya. Nagulat siya at napatigil rin.
"Hindi ba obvious? I just don't want to waste my time with you." Galit na sabi ko!
Nakangiti lang siya. Damn him.
Tumalikod na ako sa kanya ng biglang nagulat ako dahil nasa harap ko sina Leigh, Vera at Jia.
Jusko. Papatayin nila ako sa gulat. Sumusulpot ng biglaan, kaloka!
"Oh! Hello!" Masayang bati sa akin ni Leigh. Pero alam ko na sa loob nito, kumukulo ang dugo niya.
"Hindi pa ba sapat sayo si Mr. Yum at kasama mo ang bakulaw na ito!" Natatawang sabi ni Jia. Bakulaw referring to Jeiko!
"Excuse m-me! Ako ba ang bakulaw na tinutukoy mo?" Tanong ni Jeiko kay Jia. Ang slow naman nito. Sino pa ba ang kasama ko?
"As usual, sino pa ba?!" Galit na sagot ni Jia.
Lumapit sila sa akin. Napaatras ako habang umaabante sila.
Suddenly, biglang pumunta sa harapan ko si Jeiko para awatin sila dahil, nai-smell niya siguro na sasaktan nila ako.
"Don't you dare to hurt her!" Seryosong sabi niya. At isinangga pa niya ang mga kamay niya.
Itinulak lang siya ng mga babaeng ito. Ano naman? Ang lampa niya naman. Napaupo siya sa ground.
Sasampalin na sana ako ni Leigh nang biglang may nanghawak ng kamay niya para pigilan ito sa pagpunta sa pisngi ko.
Si Jeiko siguro. Pero hindi eh. Nakaupo lang siya sa ground na nagulat din kagaya ko.
YOU ARE READING
Kissed By Accident?
Fiksi RemajaAccidents are the reason why many people find their destiny.....